Chapter 2

2.8K 65 22
                                    

This whole story will be told in Leslie's point of view kaya hindi ko na lalagyan pa ng - Leslie - sa bawat chapter.

P.S., flashback pa rin ito five months ago. Maglalagay naman ako kapag present time na. Thanks.

P.P.S., I'll start dedicating chapters doon sa mga active mag-comment sa Season 1 and of course dito. Hintayin n'yo na lang po ang turn n'yo. Salamat ulit.

**

Chapter 2

I closed my eyes as I shut the door to my bathroom. Rinig na rinig ko pa rin mula dito sa loob ang malademonyong tawa ni Kuya Sandro. Biglang nag-init ang pisngi ko dahil doon.

Shit! Nakakahiya!

What was I thinking? Bakit ba kung ano ano na lang ang naiisip ko? Duh! Hindi naman kasi normal na tinatabihan ako ni Kuya Sandro sa pagtulog ko. For all I know, baka kung ano na ang ginawa niya sa akin while I was sleeping. Baka minolestiya na niya ako! Oh no!

Napailing na lang ako sa itinatakbo ng isip ko. Of course. Why would Kuya Sandro do that? Hindi naman ganoon ang pagkakakilala ko sa kanya. Sure, he's just a man-with needs-pero mahal niya ako at nirerespeto rin. Ako lang naman itong advanced masyado ang utak. Kumukulay berde na nga rin yata eh. Hindi ko alam.

Ganito ba talaga 'yon? Narinig ko kasi dati sa umpukan ng mga kaklase kong mas aggressive daw talaga ang mga babae. Mas ma-L daw. Oh, sweet Jesus, kinikilabutan ako sa naiisip ko.

I shook my head a couple of times to clear my mind from dirty thoughts. Shoo, sabi ko pa sa isip ko. Pinaspasan ko rin ang mukha ko dahil lalo pa akong nag-iinit. May tumulo pa ngang isang butil ng pawis sa tabi ng mukha ko eh. Nakakaasar.

Daig ko pa nito ang kumain ng Bicol express na sobrang dami ng sili sa anghang. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin. Normal pa ba ito?

Nasisiraan na yata ako ng ulo eh.

Bigla naman akong napatingin sa kamay kong may suot ng tigbebenteng engagement ring na ibinigay ni Kuya Sandro sa akin noong 6th monthsary namin. Nasilaw ako sa kakintaban niyon. Nang matitigan ko ang nasabing singsing, biglang umaliwalas ang paligid. Bigla akong nakaramdam ng sariwang hangin mula sa bintana dito sa bathroom. Biglang nawala 'yong butil ng pawis na nagbabadyang tumulo sa gilid ng mukha ko.

Napangiti na lang ako sa sarili ko.

This is our symbol of forever. A promise that no matter what life brings us, we will face it all together. Yes, it is still a little early for the engagement thing and I know that mom and dad would be fuming with anger when they find out, but I couldn't care about that anymore. We made a promise. And I will live by that promise.

Nagising ang diwa ko nang marinig ko ang marahang pagkatok ni Kuya Sandro sa labas ng bathroom. Napatalon ako at ang puso ko nang mangyari 'yon. Shit, mamamatay yata ako sa sakit sa puso nito eh, sabi ko sa isip ko.

"Hoy bubwit, nagriritwal ka na naman diyan. Lumabas ka na nang makababa na tayo. Nagugutom na ako!" rinig na rinig ko ang reklamo sa tono ng pananalita niya. Napangiti ako sa sarili ko dahil doon. Na-i-imagine ko na ang hitsura ni Kuya Sandro. Nakakunot ang noo niya at nakangiwi ang labi. Napatawa ako sa isip ko. Ang cute cute talaga ni Kuya Sandro.

"Edi mauna ka nang bumaba! Nagugutom ka na pala eh!" sigaw ko sa kanya mula dito sa loob ng bathroom. Para kaming mga sira.

Narinig ko pa ang mahinang pagtakla niya. "Eh gusto ko nga ay sabay tayong bababa. Kulit mo naman bubwit eh," naiinis na sabi niya. Lalo namang lumawak ang ngiti ko, kulang na lang ay mapunit ang labi ko. Ang childish naman ni kuya. Para siyang batang hindi binigyan ng paborito niyang kendi.

Ever Enough (Sanlie, #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon