Chapter 30

1.6K 47 27
                                    

Here's the last chapter! Pero may epilogue pa. Baka bukas o sa makalawa ko iyon i-post. Depende. I was sick last night kaya ngayon lang ang update. But I'm okay now. Thx to Bioflu (hahah nag-endorse pa)

POLL MUNA TAYO. Sana patusin ninyo. Hahah! I-comment ninyo lang sa baba kung kaninong team kayo. Team Sandro ba o Team Denver? Pwede rin namang Team New Guy? Hahah.

Anyway, song for this final chapter is Ever Enough by A Rocket To The Moon. Enjoy!

**

Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako dahil hindi ako pinagbuhatan ng kamay ni daddy o ano. Pero isa lang ang alam ko, nagtimpi lang siya pero galit siya. Alam ko naman iyon, eh. Sinong magulang ang hindi magagalit kapag nalaman nilang buntis ang nag-iisang anak nila? Tapos ay hindi pa man lang ito nakakagraduate. Hala nga?

Pero wala na akong magagawa roon. Hindi ko na maibabalik ang oras. Nandito na, eh. Kailangan na lang tanggapin. Kaya naman lubos ang pasasalamat ko dahil napaka understanding ng mga magulang ko kahit na alam kong malungkot din sila dahil nadisappoint ko sila.

Pero hindi naman dito natatapos ang buhay ko, eh. My life doesn't stop here. So what kung nabuntis ako? Katapusan na ba ng mundo iyon? So what kung hindi ako makakapagtapos ng pag-aaral sa ngayon? There's always another day. Another day to make the right decisions. Another day to make everything right. Another day to succeed. Hindi porke nagkamali ka ay wala ka ng pagkakataon para itama iyon. There's always room for change, for improvement. Nasa sa iyo na lang kung gagamitin mo ba iyon o hindi.

Isa na lang naman ang poproblemahin ko, eh. Ang relasyon ko with Kuya Sandro. Kapag ba sinabi ko sa kanyang buntis ako at siya ang ama ay maaayos na ang lahat? Hindi na ba siya aalis? Hindi na ba siya sasama palagi kay K? Pahahalagahan na ba niya ulit ako? Lalo ngayong dalawa na kami sa buhay niya?

Hindi ko naisip kailanman na itago sa kanya ang pagbubuntis ko. And duh, it's not as if magagawa ko nga iyon. Maitago ko man sa kanya, hindi naman iyon maitatago nina mommy at daddy. Alam kong sasabihin at sasabihin lang din nila iyon sa kanya. So I might as well be the one to tell him that. Isa pa, lalo lang gugulo ang sitwasyon kung itatago ko pa sa kanya, eh. At ayokong mangyari iyon. As much as possible, gusto kong maging maayos ang lahat. Gusto ko nang sumaya ulit.

Napagdesisyunan kong sabihin sa kanya ang tungkol sa pagbubuntis ko ngayon. Whatever happens, I'll accept it. Kung magkaayos kami, then mabuti. Pero kung hindi at hindi niya tanggapin ang pagbubuntis ko, wala na akong magagawa roon. I already did my part. Nasabi ko na sa kanya. Kargo de konsensiya na lang niya kung hindi niya tatanggapin, hindi ba? Nasa kanya na ang problema noon, wala na sa akin.

Kung magpapakatotoo lang ako, hindi talaga kami okay ni Kuya Sandro. May lamat na talaga ang relasyon namin. Hindi na kayang ayusin dahil malala na. Pero naniniwala ako in God's grace. Alam kong maaayos ito ng kondisyon ko ngayon. I just have to believe. Isa pa, kung takbuhan man ako ni Kuya Sandro, alam kong hindi naman papayag doon sina mommy at daddy. I know they'll find a way para panagutan ako ni Kuya Sandro. After all, he's the one who did this to me. Masakit iyong ganoon, oo. Kasi alam kong itatali ko sa sarili ko si Kuya Sandro. But if it's all that it takes para manatili siya sa tabi ko, then so be it.

Pumasok ako sa silid ni Kuya Sandro. Katatapos lang naming mag-dinner and as usual, walang Kuya Sandrong sumabay sa hapag kainan. Mapait na napangiti na lang ako sa sarili ko. Mahal niya ako? So, ganito na pala siya magmahal ngayon, ano? Iniiwan niya ako sa ere. Matapos kong ibigay ang sarili ko sa kanya, ganito ang igaganti niya sa akin?

Tahimik na naupo lang ako sa paanan ng kama niya while patiently waiting for him to arrive. Hindi naman ako nabigo dahil narinig ko agad ang pagpihit ng seradura. Naamoy ko agad ang bango niya. Namiss ko iyon. Namiss ko siya.

Ever Enough (Sanlie, #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon