Chapter 3

2.2K 69 22
                                    

30 chapters or less lang ang plano ko for Season 2. Pero may good news pa rin naman sa epilogue, which is, matagal pa. Hahaha

Umay sa sweetness ng SanLie, but here's another cheesy update for you Craps.

**

Chapter 3

Bandang alas singko ng hapon na ako nakauwi ng bahay dahil may tinapos pa akong assignment sa library. Doon ko na ginawa 'yong assignment ko para lahat ng oras ko ngayong gabi ay gugugulin ko lang sa piling ni Kuya Sandro.

Maharot! sigaw ng isang bahagi ng utak ko. Napailing na lang ako sa sarili ko.

Isa pa, nasa library naman halos lahat ng resources na kailangan ko eh. Para naman at least masabi ko sa sarili kong nakagamit ako ng library namin kahit once a year lang. Kapag kasi sa bahay ko pa ginawa 'yong assignment ko ay aabutin pa ako ng midnight paggawa. You know, Facebook, Twitter, and the likes, mga panira 'yan sa sistema ng isang butihing estudyanteng kagaya ko.

Okay, so nagpaliwanag pa talaga ako kung bakit hapon na ako nakauwi ng bahay.

As usual, si Kuya Denver ulit ang naghatid sa akin pauwi. Nilibre niya muna ako ng McFloat sa daan pauwi at tsaka isang large fries. Mahilig kasi ako sa patatas eh. Si Kuya Sandro naman ay hindi mahilig kaya pinlano ko siyang lokohin. Bumili pa ako ng isa pang large fries para sa kanya. Pero alam ko rin namang ako lang din ang kakain noon sa huli. Pero at least, maaasar ko siya diba?

Hay. Ang sweet ko talagang girlfriend. Mas gusto ko pang inisin ang boyfriend ko kaysa lambingin.

Nilantakan ko lang 'yong fries na libre ni Denver sa akin habang tahimik na nagmamaneho siya. Napansin ko naman ang panaka nakang pagsulyap niya sa akin at pagngiti. If I know, na-c-cute-an lang sa akin si Kuya Denver. O baka naman balak niyang manghingi sa fries ko.

Kaya nang sumulyap ulit siya sa gawi ko ay hinarap ko na siya habang may nakapasak na isang piraso ng fries sa bibig ko. Ngumisi siya sa hitsura ko. Mukha siguro akong patay-gutom nito. Wala pa kasing limang minuto kaming nagbabyahe ay halos maubos ko na 'yong laman noong karton.

Inilapit ko sa mukha niya 'yong karton ng fries.

"Kuya Denver, gusto mo? 'Wag ka nang mahiya," pang-aalok ko sa kanya habang nakataas ang isang kilay.

Sinulyapan niya muna ako ng isa bago umiling at ibaling ulit ang tingin sa daan.

"Hindi na Leslie. Alam ko namang kulang pa 'yan sa'yo eh. Dapat pala 'yong BFF fries na lang ang binili ko," simpleng sagot lang niya sa akin. Oh diba? Maging ang sagot niya ay nagpapahiwatig na patay-gutom nga ako sa fries.

Ibinalik ko sa may kandungan ko 'yong karton ng fries at tsaka dramatic na bumuntong hininga.

"Ewan ko nga ba sa'yo kuya. Bakit hindi 'yong BFF fries ang binili mo sa akin? Siguro kasi hindi naman tayo BFFs," pabirong sabi ko sa kanya. Tumawa lang siya pagkatapos noon at tsaka umiling. Natahimik kami pareho matapos iyon habang sinasaid ko ang laman noong karton maging 'yong float ko.

Ang sarap talaga ng libre!

Nasa last sip na ako ng McFloat ko nang magring ang phone ni Kuya Denver na nasa holder. Dahil dakilang usisera ako, tiningnan ko 'yong caller. Bumungad sa akin ang picture ng isang babae tapos may nakalagay pang Ash. Napangiti naman ako sa sarili ko. Ito na siguro si Ashley, 'yong tinutukoy ni Denver noong last time na nag-heart-to-heart talk kaming dalawa.

"Bubwit, pakipindot naman noong accept at tsaka pa-loudspeaker na rin noong phone," utos ni Kuya Denver sa akin na siya namang sinunod ko. Matapos iyon ay narinig ko na ang boses ni Ashley mula sa phone.

Ever Enough (Sanlie, #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon