Chapter 15

1.1K 33 3
                                    

Nanatili akong nakatayo dito sa entrada ng bahay namin habang dire-diretso naman si Kuya Sandro papasok. Natigilan ako sa huling sinabi niya, eh. Hindi ko agad 'yon naproseso dahil sa inis na naramdaman ko sa kanya nang hindi niya ako kuhanan ng litrato kasama ang ultimate crush kong si Kuya Kenny na lead guitarist ng paborito kong banda, ang The Band.

Ang nakakainis pa roon, noong siya ang nagrequest na picture-an ko sila ni Ate K, ginawa ko naman kahit labag sa loob ko. Pero bakit ganoon? Kapag ako, hindi pwede? Naka nang! Ang unfair na nga ng mundo, pati ba naman si Kuya Sandro?

Siguro mas mahal ko lang talaga siya kaya kahit nagseselos ako, eh, nagagawa ko pa rin ang hinihiling niya kahit masakit.

Hashtag "whogoat".

Pero ano raw 'yong sinabi niya kanina?

Si K raw, ang level niya, eh, pang idolo lang. Tapos ako raw, ang level ko raw, ay pang babaeng minamahal. Sus! Lokohin niya ang bunbunan ko! Akala niya madadaan niya ako sa mga ganoong paandar niya? 'Di hindi naman! Tsaka ano namang konek noong level level na 'yon sa picture na pinagtatalunan namin?

Siguro naiisip ninyong ang childish ko naman dahil simpleng bagay lang, eh, pinagtatalunan na namin. Alam ko naman 'yon. Hindi ko naman gagawing excuse ang edad ko para i-justify ang childish acts ko. Sinusubukan ko namang maging reasonable kaso may mga pagkakataon pa rin--kagaya ngayon--na maliit na bagay lang ay umiinit na ang ulo ko.

Sana naisip din ni Kuya Sandro na 'yong si Kuya Kenny, ang level noon, eh pang pantasya lang. Siya, ang level niya ay pang dream come true. In short, si Kuya Kenny ang pangarap ko pero siya ang katuparan niyon. Oh, 'di ba? Kahit naiinis ako sa kanya, eh, naiisip ko pa ang mga bagay na ito.

Wala, eh. Mahal ko, eh.

Nang matauhan ako sa malalim na pag-iisip ko ay pumasok na rin ako sa loob. Naabutan ko pa si Kuya Sandro sa paanan ng hagdan. Hindi ko siya pinansin at dumiretso na sa kwarto ko sa taas. Ngunit bago pa ako makahakbang ay naramdaman ko na ang malambot na palad ni Kuya Sandro sa aking sariling palad. Tamad na tumingin lang ako sa kanya.

"Bubwit," pagtawag niya sa akin.

Tinitigan ko lang siya ulit at hinintay kung anong sasabihin niya. Tumitig lang din siya sa akin.

"Magtititigan lang ba tayo Kuya Sandro? Pagod ako. Tutulog na ako," masungit na sabi ko sa kanya at umakyat na talaga.

Hinila naman niya ang kamay ko noon. Sa sobrang lakas ng impact ay napasubsob tuloy ako sa dibdib niya. Ang bango, sabi ng isip ko. Kainis naman, oh!

Agad naman akong lumayo sa kanya at tumayo ng tuwid.

"Bakit ba?" tanong ko.

Nakita kong nangingilid na siya sa luha. Hala, ba't naman 'to naiiyak? Ang arte, ha! Hindi ko naman siya inaaway, eh.

"Tara muna sa sala. Mag-usap muna tayo. Hindi kita hahayaang matulog na may sama ng loob sa akin," mahabang paliwanag niya. Poprotesta pa sana ako ngunit nahila na niya ako patungong sala. Wala na akong nagawa kaya umupo na lang ako sa sofa katabi niya.

Ilang segundo muna kaming nagtitigan bago siya bumuntong hininga at bumuga ng hangin pagkatapos.

Hinawakan niya ang kamay ko. Hindi ko naman 'yon inalis dahil hindi naman ako galit sa kanya. Inis lang.

"Bubwit, ano bang problema mo?" tanong niyang parang hindi niya talaga alam kung anong bumabagabag sa akin.

Umirap muna ako ng isa bago siya sinagot. "Wala."

"Tungkol ba ito doon sa hindi ko pagkuha ng picture ninyo ni Ke--" Hindi pa siya tapos magsalita ay pinutol ko na siya.

"Wala na sa akin 'yon. Tapos na 'yon, eh. Isa pa, nakapagpapicture pa rin naman ako kahit iniwan mo 'ko sa ere doon," paliwanag ko sa kanya. "Hindi naman 'yon ang ikinaiinis ko, eh. Kundi 'yong pagiging unfair mo! Noong ikaw 'yong nagpapicture kay Ate K, kinuhanan ko naman kayo. Pero bakit kapag ako, hindi na pwede? O 'di ba unfair ang tawag doon?" mahabang pagpapatuloy ko pa. Habang nagsasalita ako at naglalabas ng sama ng loob, nakatitig lang si Kuya Sandro sa akin at matamang nakikinig. Tumatango tango pa nga siya, eh. I guess in-a-acknowledge niya 'yong fact na unfair nga siya.

Ever Enough (Sanlie, #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon