Chapter 12

1.5K 44 17
                                    

Nagsasawa na ba kayo kay Leslie at Sandro? Yohoho.

**

Chapter 12


"Love you."

'Yong dalawang salitang 'yon lang naman ang nakapagpatunaw sa inis na naramdaman ko kay Kuya Sandro ng mga nakaraang araw, eh. Lahat ng pangamba ko tungkol sa kalagayan niyang hindi niya inaamin sa akin ay biglang nawala. Paano kung paranoid lang pala ako? Paano kung nagsasabi naman talaga ng totoo si Kuya Sandro? Simpleng bagay lang ito pero kung pagdudahan ko na siya ay wagas. Paano pa kaya kapag naging komplikado na ang lahat?

Hinga ng malalim.

Imbes na ituon ko ang atensyon ko sa pangambang hindi naman nangyayari ay ibinaling ko na lang 'yon sa mga masasayang bagay. Tutal, wala pa namang ginagawa si Kuya Sandro na pwede niyang ikamatay, eh. 'Ika nga, harmless pa naman 'yong mga pinapakita niya. Ano naman kung sumasakit ang ulo niya ng madalas? Ano naman kung minsan ay parang may kakaiba sa mga ikinikilos niya? Ano naman kung halos tumilapon na ang lahat ng bagay na mahawakan niya? Normal lang 'yon, 'di ba? Kasi minsan, sumasakit din naman ang ulo ko lalo na kapag nagbabasa ako ng lectures ko. Minsan ay nakakapagduda rin ang ikinikilos ko lalo na kung tinamaan ako ng saltik. Clumsy rin ako kung minsan lalo na kung kinakabahan ako. Kaya relaks lang, Leslie. Normal lang 'to, pagpapaalala ko sa sarili ko.

Nagising ako isang araw na parang ang gaan gaan ng pakiramdam ko. Ganito yata siguro kapag pinakawalan mo na ang lahat ng pangamba mo. Dati kasi ay parang may mabigat na pasanin akong dinadala sa tuwing gigising ako sa umaga, eh.

Nag-ayos lang ako ng sarili ko sa banyo ng kwarto ko at tsaka bumaba sa kusina para kumain. Naabutan ko roon si Kuya Sandro na prenteng nakaupo na sa usual seat niya. Nang makita niya ako ay ngumiti siya sa akin. Biglang nagliwanag ang buong paligid dahil sa ngiti niyang 'yon. Parang natunaw ang puso ko ng mga sandaling 'yon.

Naghila na ako ng upuan across him at nakangiting umupo roon.

"Good morning Kuya Sandro," bulong ko sa kanya. Inilapit ko pa 'yong mukha ko sa kinaroroonan niya.

Ngumiti ulit siya sa akin at dahan dahang inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Pinitik niya ang ilong ko pagkaraan niyon. Napasigaw tuloy ako.

"Aray!" reklamo ko sa kanya.

"Oh, Leslie, Sandro, anong nangyari sa inyong dalawa?" nag-aalalang tanong ni Mommy sa amin. Hawak hawak ko pa rin ang ilong kong pinitik ni Kuya Sandro.

"Si Kuya Sandro kasi, Mom! Pinitik 'yong ilong ko," ungot ko kay Mommy. Ngumisi lang si Kuya Sandro at sumandal pa sa upuan niya. Asar!

"Oh, ano namang bago roon Leslie? Eh, lagi naman 'yong ginagawa ni Sandro sa'yo? Nagpapalambing ka lang yata, eh," pang-aasar ni Mommy sa akin. Aba't! Akala ko ba ay concerned siya sa akin? Bakit parang kinampihan pa niya si Kuya Sandro? Ako na nga itong naagrabyado, eh! Si Mommy talaga!

Sa sinabing 'yon ni Mommy ay humalakhak na si Kuya Sandro. Dahil wala akong maibatong piraso ng pagkain sa kanya ay sinamaan ko na lang siya ng tingin at tsaka umirap. Napaubo naman siya dahil siguro nasamid siya sa pagtawa niya. Buti nga sa kanya.

"Osiya, tama na nga 'yan. Kumain na kayo para makapasok agad kayo sa school. Ingat kayong dalawa, ha? Sandro? Mauuna na kami sa inyo ng daddy mo, Leslie. Isara n'yo ng mabuti ang pinto at mga bintana. Sige," paalam ni Mommy pagkaraan. Humalik lang siya sa pisngi namin ni Kuya Sandro at tsaka umalis.

"Bye Mom," halik ko sa pisngi niya.

"Bye baby."

"Bye Tita. Ingat din po kayo," sabi naman ni Kuya Sandro. Tumango si Mommy at hinawakan pa si Kuya Sandro sa ulo nito. Ew.

Ever Enough (Sanlie, #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon