Chapter 21

971 35 7
                                    

This is the extended version of the prologue. Switch na naman ako from Cadence's to Leslie's mind. Patatawarin! Hahahah.

ps, WALANG SAKIT SI SANDRO! Honesto, promise!!! Hahah.

**

Present Day

I should've said I love you back to Kuya Sandro earlier this morning. Kung alam ko lang na mangyayari ulit 'to, 'di sana mas naging extra sweet ako sa kanya.

Lahat ng pangamba ko noong mga nakaraang buwan ay bumalik sa akin ngayon ng isang bagsakan. So I was right. There's something wrong in Kuya Sandro. Ang pangyayari ba ngayon ang kasukdulan ng lahat ng ito? 'Yong pagsakit sakit ng ulo niya, 'yong pagiging clumsy niya, 'yong pagiging makakalimutin niya, 'yong pagsusuka niya, at higit sa lahat, 'yong pagkahimatay niya, does it all lead to something big and scary? Magugulat na lang ba ako mamaya kapag nasa ospital na kami?

Ang huling beses na nakatulog siya ay noong naaksidente siya. Dumiretso sa coma ang pagtulog niyang iyon. 'Wag mong sabihing ganoon din ang mangyayari ngayon?

Bigla na lang may pumatak na luha sa mga mata ko. Marahas ko iyong pinahid at nagpatuloy sa pagtakbo papunta sa kinaroroonan ni Kuya Sandro. The last time this happened, I was weak. I kept on blaming myself because true enough, I was the root of his accident. Pero hindi na ako ang Leslie noon. Hindi na ako mahina ngayon. Kung ano't ano pa man, I know life taught me to be strong now.

At alam ko, kahit wala sa tabi ko si Kuya Sandro, na hindi niya gugustuhing iniiyakan ko siya. Ayoko rin namang umiyak, eh. Kaso hindi ko lang din talaga mapigilan minsan. Sobrang nag-aalala kasi ako sa kanya. Ayoko nang mangyari ulit ang nangyari sa nakaraan. I don't want to lose him again. Not today, not ever. Pinangako ko sa sarili kong gagawin ko ang lahat upang manatili siya sa buhay ko. Sana lang ay pakinggan ako ng Diyos sa hiling kong iyon.

Matapos ang ilang minutong pagtakbo ay narating na namin ang c.r. Isinantabi ko na muna ang inis na nararamdaman ko kay Vanessa dahil maging siya ay nag-aalala rin kay Kuya Sandro. Hindi ko na iyon binigyan ng malisya dahil kilala ko naman siya. Hindi siya pumapatos ng may girlfriend na. May kaunting respeto pa namang natitira sa katawan niya. Isa pa, lahat naman kami dito ay nag-aalala kay Kuya Sandro. 'Yon nga lang, mukhang may alam na itong dalawang ugok na kasama namin.

Nang marating namin ang c.r. ay kaunti na lang ang mga estudyante sa paligid. Wala na rin bakas ni Kuya Sandro roon. Magtatanong na sana ako nang makita ako noong isang ka-department ko. Lumapit siya sa akin.

"Dinala na nila si Sandro sa Ospi Hospital. Puntahan mo na siya doon, Leslie," pag-imporma niya sa akin. Tumango na lang ako sa kanya at sinabihan sina Kuya Miguel na dumiretso na kami sa Ospi.

Wala na akong pakialam sa afternoon class ko. Pwede namang lumiban sa pagpasok doon, eh. Hindi naman 'yon nakakamatay. Pero itong nangyari kay Kuya Sandro? Hindi ko yata ito kakayanin. Lalo kapag nalaman ko na ang kasagutan sa lahat ng tanong ko noon pa man.

Torture ang traffic. Bakit kung kailan mo kailangang magmadali ay doon ka matetengga sa traffic? Kung pwede lang talagang lakarin ko na lang ang papunta sa Ospi ay ginawa ko na. Kaso, ilang kilometro rin ang layo noon sa kinauupuan ko ngayon sa loob ng kotse ni Kuya Miguel.

Sunod sunod na tap ang ginawa ko sa gilid ng kotse. Napalingon naman sa akin si Kuya Miguel dahil doon.

"Leslie, relax ka nga. Buhay ang pupuntahan natin sa Ospi, hindi bangkay. Pinapatay mo naman agad si Sandro, eh," natatawang sabi niya. Pero hindi ako makatawa. Kinakabahan kasi ako. Doble ang kabang nararamdaman ko ngayon kumpara noon.

"Sige ka, mabubyuda ka agad," singit ni Kuya Charlie sa backseat. Magkalingkis silang dalawa ni Vanessa roon. Tinampal siya ni Vanessa dahil sa sinabi niya.

Ever Enough (Sanlie, #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon