Chapter 20

1K 27 7
                                    

Pagbigyan ninyo na ako. Medyo mahaba ang note ko for this particular chapter. Haha!

Nasa chapter 20 na tayo, meaning, last 10 chapters na lang. Ang saya, 'di ba? Ramdam ninyo na ba ang katapusan? Kung hindi pa, pwes, ay i-feel ninyo na dahil last 5 weeks na lang ang #THS2! Haha ginawang teleserye, eh. Last 5 weeks kasi every Sat & Sun lang ang update ko dito. Alam ninyo na 'yon hahahah.

At this point, tapos na po tayo sa flashback. Oo mga tih, simula chapter 1 hanggang dito, eh, flashback lang of what happened 5 months ago. 'Ge, check ninyo pa 'yong chapter 1, may nakalagay doong 'five months earlier'.

Ayon lang. Hahahah. Osige na mga tih, ako'y gogora na. Masyado na 'tong mahaba. Happy reading! I hope, hahah!

**

"Kuya Sandro, okay ka lang?"

Kinatok ko si Kuya Sandro sa banyo sa baba. Paalis na kasi dapat kami ng bahay papuntang school nang bigla siyang nag-excuse at sinabing mag-c-c.r. lang daw muna siya. Tumango na lang ako at naghintay sa loob ng kotse. Ngunit nang umabot ng sampung minutong hindi pa rin siya bumabalik ay napagpasyahan kong sundan siya sa banyo.

Idinikit ko ang tainga ko sa pinto upang marinig ko kung anong ginagawa ni Kuya Sandro sa loob. May narinig akong lagaslas ng tubig at ang pagsuka ni Kuya Sandro. Teka... Sumusuka si Kuya Sandro? Bakit naman kaya? Sumama kaya ang timpla niya? Ano bang kinain namin for breakfast? Grilled liempo lang naman at tsaka java rice. Hmm? Palagi naman namin 'yong kinakain tuwing Monday morning kasi sabi Mommy, ang Lunes daw ay para sa mga sosyal na pagkain. Napailing na lang ako sa alaalang 'yon.

Hindi ako sinagot ni Kuya Sandro. Tumahimik naman sa loob ng c.r. at makaraan ang ilang sandali ay bumukas ang pinto niyon. Nagulat pa si Kuya Sandro nang makita niya ako sa labas niyon.

"Oh, bubwit, bakit ka sumunod dito?" tanong niya sa akin matapos punasan ng bimpo 'yong bibig niya.

"Sumuka ka? Napaano ka?" nag-aalalang tanong ko sa kanya. Biglang naging malamlam ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. Tipid na ngumiti siya sa akin matapos 'yon.

"Sumama 'yong timpla ko, bubwit. Hindi ko nga rin alam kung bakit, eh," simpleng sagot lang niya sa akin. Inakbayan niya ako matapos 'yon at hinila na ulit ako palabas.

"Tara na at baka ma-late pa tayo," sabi niya sa akin. Tumango na lang ako at nagpatangay sa kanya.

Matapos ang sampung minuto ay nandito na kami sa parking space. Hinatid niya lang ako sa department ko. Ngunit bago pa siya magpaalam ay hinalikan niya muna ako sa labi ko ng isa. Agad naman akong napatingin sa paligid ko kung may nakakita ba sa ginawa ni Kuya Sandro and to my horror, may isang nerd sa 'di kalayuan ang nakasaksi ng pangyayari. Nanlaki ang mga mata ko habang nakatitig sa nerd na 'yon. Nang makita niyang nakatingin ako sa kanya ay agad niyang iniwas ang tingin niya at lumakad papalayo. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Kuya Sandro sa gilid ng mukha ko. I was pinned to the wall and his strong arms are surrounding me. Sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko kaya hindi ko siya magawang harapin.

"Tingnan mo nga ako, bubwit." Bakas sa tono ng boses niyang tinutudyo niya ako. Biglang nag-init ang mga pisngi ko dahil doon. Kailan pa naging PDA masyado itong ugok na ito?

"Lumayo ka muna sa akin," sabi ko sa kanya habang nakatagilid pa rin ang mukha. Naramdaman ko namang mas nilapit pa niya ang mukha niya sa mukha ko. Nasa pisngi ko na 'yong tungki ng ilong niya, eh! Ay! Nang-aasar ang Sandrong 'to!

"Haharap ka o hahalikan ulit kita?" pagsusubok niya sa akin. Napapikit ako ng marahas dahil doon. Pagmulat ko ng mga mata ay no choice na sinalubong ko ang titig niya. Napaatras siya ng gawin ko 'yon.

Ever Enough (Sanlie, #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon