Prologue: The Greatest Gift of All

8.8K 110 32
                                    

May forever. Daw.

I thought I was going to lose him forever because of the accident. Hindi ko siguro mapapatawad ang sarili ko kung nangyari 'yon. Sure, I pushed him away but that didn't mean that I wanted to push him away from me forever. I just wanted him to think clearly. To clear his feelings. To be sure of what he really feels. I just wanted him to realize his mistakes.

He let me go but he came back. That's enough for me to keep going and keep fighting for our love. Ilang beses na bang hinadlangan itong pagmamahalan namin? Hindi ko na mabilang. Pero nasaan ba kami ngayon? Heto, going strong. Nothing can tear us apart. Or so I thought.

Akala ko, the moment Kuya Sandro opened his eyes, hindi niya ako makikilala. Kasi normally kapag galing ka sa aksidente tapos malakas ang tama sa ulo mo, magkakaroon ka ng amnesia. I was prepared for it. Handa na ako kung sakaling hindi na niya ako makilala. Handa na ako sa mga posibleng mangyari in the future. Handa na ako kung sakaling ipagtabuyan niya ako. Handa na ako kung sakaling piliin niyang magmahal ng iba.

Pero mali ako. Dahil nang buksan ni Kuya Sandro ang mga mata niya, alam kong kinilala agad ako ng puso niya. And I smiled at that thought.

Everything was okay after that. Nang makalabas na siya ng ospital ay sinorpresa ko siya sa monthsary namin. I wanted him to know how happy I am that he is still here with me. Gusto kong iparamdam sa kanya kung gaano ko siya kamahal. I just wanted him to be happy because he is my happiness. We even made promise to each other. May kasama pa ngang tigbebenteng engagement ring. Napailing na lang ako nang mapatingin ako sa kamay ko kung nasaan naroon 'yong singsing. Saan kaya ito nabili ni Kuya Sandro?

I am so happy.

But then, fate comes in and twists everything.

Nagising ako isang araw na pakiramdam ko ay may nagbago sa paligid ko. Sabay kaming lumabas ng mga kwarto namin ni Kuya Sandro. I smiled at him and he smiled back as well. Nilapitan pa niya ako at niyakap. Hinalikan niya rin ako sa tuktok ng ulo ko. Sabay naming tinahak ang daan pababa ng hagdan. Kumain kami ng agahan pagkatapos noon.

We were supposed to have a dinner out later that night. Pero hindi nangyari. Why? Because Kuya Sandro forgot about it. Pero nagsorry naman siya sa akin at sinabing babawi na lang daw siya sa susunod. I just nodded to him and let it pass.

Pero sa isip isip ko, how can he forget about it? Siya pa nga ang nag-arrange noon kahapon eh. Kahapon.

I shuddered at the thought. Hindi kaya...?

Umiling ako. No. Imposible naman. Ano 'yon, ngayon lang umepekto 'yong amnesia sa kanya? It's been like, what? Five or six months?

Nasundan pa ang insidenteng iyon. There's this one time na sinabihan ko siyang ipaalala sa akin 'yong dadaanan kong dress na pinatahi ko sa mommy noong kaibigan ko pero it ended up na ako pa rin ang nagpaalala sa sarili ko. Kapag tatanungin ko siya ng mga simpleng bagay, bigla siyang matitigilan at mag-iisip pa. Kagaya ng, anong oras ang uwi n'yo Kuya? Kukunot pa ang noo niya at parang mahihirapan pa sa pagsagot.

Nagiging mabagal na rin siyang magrespond at kumilos. I'm starting to get frightened. What is this all about? Nagiging behind na rin siya sa klase niya dahil sa mga nakakalimutan niyang assignments and projects.

And then I realized naaksidente nga pala siya. Nadamage ang ulo niya. Nagkaroon siya ng internal bleeding but he survived. Mabuti nga't hindi siya nagkaamnesia eh. Pero ito ang naging side effect niya. Naapektuhan ang reasoning, motor skills, at atensyon niya.

He also realized that. Kaya nga pakiramdam ko ay unti unti na ring nagbabago ang lahat sa pagitan naming dalawa.

The moment he realized that was the moment he slipped away from me. I fought the urge to cry dahil kahapon lang, he called it off between the two of us. Hindi raw niya kayang makitang nadidisappoint ako everytime may makakalimutan siyang bagay. Maliit man 'yon o mas lalo na kung malaki. I told him he doesn't have to worry about it. So what if he forgets? Andito naman ako para ipaalala 'yon sa kanya.

Ever Enough (Sanlie, #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon