Chapter 26

1.1K 40 12
                                    

Song for this chapter is: Hot N Cold by Katy Perry.

**

Taas-noo akong naglakad palayo sa table nina Kuya Sandro. With tear-stained eyes, isa isa kong sinalubong ang tingin ng mga estudyanteng nagbubulungan sa pagdaan ko. Mga tsismoso! Hindi na lang ba nila atupagin ang pagkain nila imbes na makiusyoso pa sa business ng ibang tao. They make me look more pathetic than I actually am. At ayoko ng ganoon. Ayokong magmukhang kawawa. Ako na nga ang naloko, kakawawain pa nila ako? At hahayaan ko ba silang kawawain ako? Hindi ba ako magtitira ng kaunting respeto sa sarili ko?

Nang makalabas ako ng cafeteria ay tumakbo ako papuntang c.r. Binuksan ko lang ang pinto at ni-lock iyon nang makapasok ako sa loob. Umupo ako sa may lababo at inalis ang doll shoes na suot ko. Napatingin ako sa mga paa ko. They were sore. Namaga pala iyon kakatakbo paghahanap lang kay Kuya Sandro. Akala ko kung saan na siya pumunta. Nasa cafeteria lang pala siya kasama ang nag-iisang Krishanie Lee. Ano bang meron sa kanilang dalawa? Bakit lagi silang magkasama? Siya ba ang dahilan kung bakit minsan ay hindi na nakakasabay mag-lunch si Kuya Sandro? Mas importante pa ba 'yong ginagawa nilang dalawa kaysa sa makasabay akong mag-lunch? Nagsasawa na ba siyang sumabay sa akin kaya kay K na siya sumasabay ngayon?

Kung ganoon, bakit hindi man lang niya sinabi sa akin? Bakit instead na sabihing, 'bubwit, time out muna. Makikipaglunch lang ako kay K ngayon.' ay 'bubwit, hindi ako makakasabay mag-lunch kasi may biglaan akong kailangang gawin ngayon, eh.' ang sinabi niya? If it's not a threat to our relationship, then why the hell did he have to lie to me? Maiintindihan ko naman kung sasabihin niya, 'di ba? Nagkausap na kami, 'di ba? Sabi ko sa kanyang babawasan ko na ang pagiging selosa basta maging open lang siya sa akin. Mas iintindihin ko siya basta 'wag lang siyang magsisinungaling. Pero ano? Bakit ganito? Ano bang ayaw niyang malaman ko? Hindi ba ako karapat dapat sa kahit katiting na eksplanasyon man lang?

With that thought ay sunod sunod na nagsipatakan ang mga luha sa mga mata ko hanggang sa mapahagulhol na ako. Umeecho sa loob ng c.r. ang pag-iyak ko. Saksi ang lugar na ito sa lahat ng sakit, pait, at hinagpis na nararamdaman ko ngayon.

"Ang sakit. Ang sakit sakit," sabi ko sa pagitan ng pag-iyak ko. May tumulo pa ngang sipon sa ilong ko, eh. Bakit ganoon, ano? Kapag umiiyak ka, bigla kang nagkakaroon ng sipon.

I clutched my heart para mapigilan ang pagkirot nito. I didn't know loving someone could be suicide. Oo, alam kong masakit, pero hindi ko aakalaing ganito pala kasakit.

Nasa ganoon akong estado nang bumukas ang pinto sa isang cubicle. Gulat na napatingin ako sa babae. Bakit ba hindi ko muna chineck kung may tao sa c.r. bago ako mag-emote ng ganito? Ngayon, sinong napahiya sa kalalagayan niya? Ako, malamang.

Lalo akong nagulat nang makita ang babae. Siya iyong nagsabi sa akin kaninang nasa cafeteria na raw si Kuya Sandro.

Sinundan ko siya ng tingin nang dire diretso siyang pumunta sa may pwesto ko at naghugas ng kamay niya. Pinatuyo niya lang iyon at hindi man lang siya bumaling sa akin. Wala. Parang hindi niya ako nakikita. Nang akmang aalis na siya ay tsaka naman siya tumingin sa mga mata ko. Walang ekspresyon ang mga mata niya. Bored. Ganoon.

"Kung nasasaktan ka na, bakit hindi mo bitawan? Bakit hindi mo pakawalan? Kasi mahal mo? Eh, saan ka ba dinadala niyang pagmamahal mong 'yan, ha, Leslie?" iritang sabi niya kapagkuwan. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Kilala niya ako?

Hindi ako makasagot sa sobrang gulat. Kinakausap niya ako? Pero bakit siya galit?

"Kilala ko si Sandro. Kilala rin kita. Alam kong mahal na mahal ninyo ang isa't isa. Saksi naman kaming lahat dito sa school sa pagmamahalan ninyo, eh. Pero this past week? I'm sorry to say this pero ang nakikita ko na lang ngayon ay ikaw na lang itong nagmamahal sa inyong dalawa," pagpapatuloy niya habang ako ay nakatitig pa rin sa kanya. Huh? Ano raw ang sinabi niya? Pansin niyang ako na lang ang nagmamahal? Ibig sabihin, hindi na ako mahal ni Kuya Sandro, ganoon?

Ever Enough (Sanlie, #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon