Chapter 7

1.3K 51 30
                                    

Chapter 7


Hinanap ng tingin ko si Kuya Sandro at nakita kong nasa kabilang dulo siya, nakatitig sa akin. Tinitigan ko lang din siya at hinayaan siyang lumapit pero hindi niya ginawa. Nanatili siyang nakatayo sa kabilang dulo habang pinagmamasdan ako. Nang bumaba ang tingin niya sa katawan ko ay bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko at kinilabutan.

Napababa din ang tingin ko sa katawan ko at naalala kong naka two-piece nga lang pala ako.

Narinig ko naman ang mahinang pagtawa niya habang lumalapit sa akin. Nakatungo lang ako kahit ramdam kong nasa harapan ko na siya. Nahihiya kasi ako sa suot ko eh. Ito kasi ang unang beses na nakita niya akong nakaganito. Siyempre, nakakahiya talaga 'yon 'no. Mas lalong nakakahiya pa dahil tinititigan niya ako. Oh my God! Can earth swallow me whole now? Nahihiya na talaga ako. Nakakaasiwa! Kung ano ano na naman kasi ang pumapasok sa butihing isip ko eh.

Hinawakan niya ang baba ko at inangat ang ulo ko. Wala tuloy akong nagawa kundi ang tumingin sa mata niya. Pero nang magkalebel na ang mga mukha namin ay iniwas ko na lang ang tingin ko at tiningnan sina Tiffany at Kuya Miguel na nilalanggam na sa tagiliran ko. Lalo namang tumawa si Kuya Sandro dahil doon. Ipinihit niya ang mukha ko paharap sa kanya.

"Bubs, tingnan mo nga ako." Bakas sa boses niya ang panunudyo. Kitang kita ko rin sa kislap ng mga mata niyang naliligayahan siya sa mga pangyayari.

Pero teka, ano raw? Bubs?

Tumaas ang isang kilay ko roon.

"So pinanindigan mo na 'yong bubs na sinabi ni Kuya Charlie kanina, ha, ugs?" Kunwari ay mataray na sabi ko sa kanya. Humalakhak na siya and threw his head in the air sa sobrang kaligayahan. Hindi ko maintindihan kung bakit masyado yata siyang masaya.

"Oo, bubs. Kyut naman eh," kumikislap pa rin ang mga matang sabi niya. Tumahimik na lang ako at mataman siyang tinitigan. Nang mapansin niya ang pagtitig ko ay bigla siyang tumigil sa pagtawa at sumeryoso na ring tumitig sa mga mata ko. Kainis! Mas mabuti pa kaninang tumatawa siya, at least hindi ako naaasiwa sa kanya. Pero ngayong titig na titig siya sa mga mata ko ay halos maloka na ako at matuliro.

Lumapit pa siya sa akin at nakita kong gumalaw ang Adam's apple niya. Kinakabahan din kaya siya kagaya ko? Hindi na ako makagalaw dito sa kinatatayuan ko. Nanigas na ako at hindi ko alam kung anong gagawin ko. Pipikit ba ako at nanamnamin ang pagtitig niya? O mananatili akong nakadilat upang tingnan kung ano pa ang susunod na gagawin niya?

Inangat niya ang kamay niya at inihaplos sa pisngi ko. Kusang napapikit ang mga mata ko nang lumapat ang malambot na palad niya sa balat ko. Nakukuryente ako sa simpleng pagdampi nito sa balat ko. Baka hindi ko na makayanan kung lumandas pa ang haplos niya sa iba pang parte ng katawan ko.

Oh geez! Stop it, Leslie!

Lumapit siya sa tainga ko at may ibinulong.

"Ah, bubs. Magdamit ka na. Baka malamigan ka."

Nablangko ako sa ibinulong niya. Hindi ko kasi inaasahang iyon ang sasabihin niya eh. Natatangang tumango na lang ako at ngumiti sa kanya. Nanatili namang nakatitig siya sa akin habang kinukuha ko 'yong damit ko. Papunta na ako sa restroom nang marinig ko ang pagsigaw ni Kuya Charlie.

"Boating naman tayo pamparelax! I-tu-tour na rin daw tayo ni Manong!"

Hyper na hyper talaga 'tong si Kuya Charlie. Hindi ko alam kung anong nakain nito at ang hyper nito ngayon. Siguro ay sinasagad lang niya ang bakasyong 'to upang magsaya. Dahil alam kong hindi naman talaga siya masaya. Kailan ba 'to huling naging masaya talaga? Noong nandito pa si Ate Jamie, I guess.

Ever Enough (Sanlie, #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon