Chapter 18

1K 32 19
                                    

Ang hirap magswitch galing sa utak ni Cadence papunta sa utak ni Leslie. Lol. May bagong story pala ako, everyday ang update doon. Kapag nagustuhan nyo yung prologue, ipagpatuloy nyo lang ang pagbabasa. Kapag hindi, edi exit na. Hahaha! Nagpromote pa. "Sing For Me, Cadence" ang title niya. Thank you!

**

"Leslie, pwede ka bang kunin bilang modelo ng mga dress na tinatahi ng nanay ko?"

Napalingon ako sa nagsalita. Break time namin ngayon at nandito lang kami sa loob ng room namin, nagkukwentuhan. I-te-text ko nga sana si Kuya Sandro na puntahan ako rito para may kalandian ako kaso naalala kong may klase nga pala sila ng ganitong oras. Ang bad trip naman, oh. Kaya naman naglaro na lang ako gamit ang phone ko. Ayos 'to. Pampadead batt din.

Nasa kasarapan ako ng paglalaro ko nang may umupo sa unahan ko. Hindi ko siya nilingon dahil nagpapalevel ako. Nang mapalevel ko naman 'yong nilalaro ko ay tsaka ako bumaling sa kanya. Si Nicole pala 'yong nagsalita. Sastre kasi ang nanay niya. Actually, maganda naman manahi 'yong nanay niya. Sa kanila nga kami nagpapatahi ng uniform namin, eh. Nananahi rin siya ng mga dress at gown at gusto kong magpatahi ng isa. Kaso ay nalilimutan kong dumaan sa shop nila kasi malayo rin 'yon sa amin.

Ngumiti lang ako kay Nicole. Hindi ko kasi siya masyadong naintindihan, eh. Busy kasi ako pagpapalevel.

"Ano, Leslie. Pinopromote kasi namin 'yong shop namin. Naisip naming baka dumami 'yong customers ni Mama kung gagawin ka naming model ng mga creations niya. Okay lang ba?" sabi ni Nicole. Bakit parang ang lungkot niya noong tinanong niya kung okay lang ba? Tingin ba niya ay hindi ako papayag? Papayag kaya ako! Ang cool cool kaya makapagsuot ng iba't ibang dress! Tapos libre pa. Oportunidad din 'yon!

Ngumiti ako ng malawak sa kanya.

"Oo naman 'no! Pangarap ko kayang magmodel ng mga damit! Kailan ba?" excited na sabi ko sa kanya.

Kumislap ang mga mata ni Nicole dahil sa sinagot ko. Agad niya akong finill with details. This Saturday daw 'yong photoshoot.

"Sige, sige. Salamat!" sabi ko.

"Umm," alinlangang sabi niya pagkatapos.

"Ano 'yon?" tanong ko sa kanya.

"Isasama mo ba si Sandro?" Hmm? Bakit naman kaya niya tinatanong si Kuya Sandro?

Nag-isip muna ako bago sumagot. Isasama ko ba si Kuya Sandro? Hmm. Pwede. Kung papayag siya. Eh, ang alam ko sa isang 'yon, eh, masyado 'yong mainipin. Kaya nga hindi ako noon sinasamahan kapag nag-sh-shopping ako, eh. Sobrang tagal ko raw kasing mamili. Ang dami dami ko raw sinusukat tapos isa o dalawa lang pala ang bibilhin ko. Inabot na kami ng limang oras pero iisang shop pa lang ang napupuntahan namin. Natatawa na lang ako kapag naaalala ko ang moment na 'yon. Kaya nga hindi na ako nakakabili ng bagong damit, eh. Hindi ko kasi maakit si Kuya Sandro.

Nakakamiss na talaga si Ate Jamie. Siya kasi ang kasama ko pag-sh-shopping, eh. Sa kanya rin ako humihingi ng opinyon tungkol sa mga damit kasi ano pa bang aasahan ko kay Kuya Sandro? Wala, hindi ba?

"Hmm. Titingnan ko kung isasama ko siya," sabi ko na lang kay Nicole.

"Ah, sige. Isama mo siya, ha? Sige, aasahan ko 'yon. Salamat, Leslie! Punta lang akong cafeteria," sabi niya at nagpaalam na sa akin. Tumango na lang ako at sinundan siya ng tingin. Hmm, if I know. Gusto lang niyang makasama si Kuya Sandro. Hindi naman akila sa aking halos kalahati ng populasyon ng klase namin ay may gusto sa ugok na 'yon. Akala ko nga ay mababawasan iyon simula nang maging kami ni Kuya Sandro, eh. Pero mukhang mas dumami pa yata. Napailing na lang ako sa sarili ko.

Tiningnan ko ang orasan sa phone ko. May isang oras pa ako bago ang sunod na klase namin. Ano ba 'yan! Ano kayang magandang gawin? Tinatamad na kasi akong maglaro, eh.

Ever Enough (Sanlie, #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon