Chapter 19

979 30 11
                                    

Okay na kami ni Kuya Sandro.

Palagi namang ganoon ang eksena namin, eh. May gagawin siyang hindi ko magugustuhan, magtatampo ako, hihingi siya ng tawad, at magkakabati kami. Alam kong ang childish ng ginagawa ko. Hindi naman porke ako 'yong babae, eh, ako lang dapat 'yong iniitindi. Dapat marunong din akong umintindi sa mga nararamdaman ni Kuya Sandro. After all, tao lang din siya. May mga gusto siyang hindi ko gusto. And vice versa. Pero hindi dapat 'yon makahadlang sa vision namin bilang magkarelasyon. And that vision is to stay together forever.

Pero paano mangyayari 'yon kung palagi kaming nag-aaway? Alam ko, healthy naman sa isang relasyon ang mga away. Pero kung madalas? I doubt it. Paano rin kung puro ako hinala? Katulad na lang sa health condition niya? Isip ako nang isip ng mga negative things tapos hindi ko naman siya nako-confront tungkol sa mga doubts ko. Paano uusad ang relasyon namin? Paano kami mag-g-grow bilang individuals at bilang partners din, 'di ba?

You know what's missing in your relationship? Communication, sabi ng konsensiya ko.

Napatango ako sa sinabi ng konsensiya ko. Right. Wala kaming maayos na komunikasyon ni Kuya Sandro. Kaya lagi kaming naglelead sa arguments, eh. Kasi instead of talking things out, we jump into conclusions agad. Or rather, ako. Palagi akong observation and then conclusion agad. Eh, 'di ba hindi naman 'yon ganoon? 'Yon ang kailangan naming ayusin ni Kuya Sandro. At siyempre, 'yong trust. I trust Kuya Sandro, alright. Pero pinagkakatiwalaan ko nga ba siyang lubos kung nag-iisip pa rin ako ng negative things kahit na siya na mismo ang nagsasabi sa aking wala naman akong dapat ikabahala?

Communication and trust. Dalawa 'yan sa mahalagang sangkap ng isang malagong relasyon. Taliwas sa sinasabi ng ibang basta may pagmamahal lang ay sapat na 'yon upang masustain ang isang relasyon, hindi ako naniniwala roon. You can love someone and not trust them. Kapag nasa isang relasyon ka na, hindi lang pagmamahal ang kailangan mo. You also need commitment. Pwedeng mahal mo siya pero hindi ka naman nag-commit sa kanya. Balewala lang din, hindi ba?

Kakausapin ko si Kuya Sandro tungkol dito. Kung gusto naming magsama habambuhay, dapat ngayon pa lang ay madevelop na namin ang communication and trust at ang ilan pang sangkap upang mabuo ang equation ng isang long-lasting relationship.

But for the meantime, gigisingin ko muna si Kuya Sandro. Sabado na kasi ngayon at ngayon na 'yong photoshoot ko para kay Nicole. Hindi ko pa nasasabi kay Kuya Sandro ang tungkol doon kasi preoccupied ako the whole week.

Bumaba ako ng kama ko at dumiretso sa banyo sa kwarto ko upang maghilamos. Ngunit bago 'yon ay tiningnan ko muna ang orasan sa bedside table. It read 7:30 AM. Gising na kaya si Kuya Sandro? Usually kasi ay medyo late na ang gising niya kapag weekend, eh.

Matapos kong maghilamos ay lumabas na ako ng kwarto ko at pumunta sa katabing silid. Dahan dahan kong pinihit ang seradura at sinilip ang loob ng kwarto. Nakita kong tulog na tulog pa si Kuya Sandro sa kama niya. Balot na balot siya ng kumot hanggang ulo niya.

Pumasok na ako sa loob at pinagmasdan ang kabuuan niyon. Magkasinglaki lang ang mga silid namin. Ito ang unang beses na makakapasok ako dito dahil hindi ko naman naiisip dating pumunta dito. Ngayon lang. Isa pa, mas hilig ni Kuya Sandrong tumambay sa kwarto ko.

Naka-on ang air-con kaya sobrang lamig sa buong silid. Pinatay ko 'yon nang mag-cool down naman ang silid. Nakita kong nakabukas pa ang PC ni Kuya Sandro. Nakatulugan na yata niya ang pag-fe-Facebook kagabi. Nakabukas pa kasi 'yong tab sa profile ko, eh. Napailing na nangingiti na lang ako at sinulyapan ang nakatalukbong na si Kuya Sandro. Ini-stalk niya talaga ako palagi. Lagi nga niyang chinecheck 'yong mga pinopost ko, eh. Pati mga nilalike kong DP monitored din niya. Kaya minsan ay hindi na ako nagfefacebook.

Ever Enough (Sanlie, #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon