Chapter 1

4.3K 67 23
                                    

Chapter 1

Five months earlier

Iminulat ko ang mga mata ko. I squinted as I felt the ray of light against my face. Ikinalat ko ang mga braso ko sa ibabaw ng kama ko nang may maramdaman akong bulto. Agad na napatingin ako sa gilid ko at napairit ng malakas dahilan upang magising ang bulto sa tabi ko.

"Ahhh!!!" malakas na sigaw ko sa gulat. Paanong-? Bakit-?

Tinakpan ni Kuya Sandro ang bibig ko. Nagpumiglas naman ako. Napabalikwas tuloy ako ng bangon

"Bubwit! Bakit ka ba sumisigaw diyan ah? Binubulahaw mo ang sangkatauhan," inaantok pang sambit niya habang kinukusot ang mga matang may muta pa.

"Kuya Sandro!" tawag ko sa kanya. Pinandilatan ko siya ng mga mata ko. "Anong ginagawa mo dito sa kwarto ko? Partikular na sa kama ko?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Hindi ko naramdamang tinabihan niya ako sa pagtulog ko kagabi eh. Pero nakaramdam nga ako ng bahagyang pag-iinit ng katawan ko. Hindi ko na lang 'yon pinansin dahil akala ko'y sanhi lang 'yon ng global warming. Kaya pala.

Bigla akong namula sa naisip ko.

Hinawakan ako ni Kuya Sandro sa magkabilang balikat ko dahilan upang magulat at mapatalon ako. Narinig ko naman ang marahang pagtawa niya sa likod ng tenga ko. Nakakakiliti.

"Relax ka nga bubwit," sabi lang niya.

Inalis ko naman ang pagkakahawak niya sa balikat ko at sinamaan siya ng tingin. Lalo lang lumakas ang pagtawa niya. Nakakaasar. Napamaang na lang ako sa kanya. Ang gwapo ni Kuya Sandro lalo ngayong bagong gising siya. Tousled hair, deep-set eyes... Napalunok ako habang nakatitig sa kanya.

Hinapit niya ako palapit sa kanya at tsaka niyakap. Bigla akong nag-init sa pisikal na kontak naming dalawa. His warmth is so welcoming. It feels like home. No, it is home.

He began nuzzling my neck. Napakagat-labi na lang ako sa sarap ng sensasyong dulot ng labi niya sa balat ko. Nakakatuliro si Kuya Sandro. Umagang umaga eh.

Bigla naman akong naasiwa sa naisip ko. Umagang umaga, naglalandian na agad kami ni Kuya Sandro. Eh ni hindi pa man lang nga kami nakakapagmumog eh.

Sinubukan kong kumalas sa yakap niya.

"Ano ba Kuya Sandro? Ang landi landi mo naman eh!" paangil sa sabi ko sa kanya. Nakakunot pa ang noo ko para effective ang drama ko.

"Anong malandi sa ginagawa ko? Wala naman ah?" painosenteng sagot lang niya sa akin. Ang sarap kurutin ng pisngi niya.

"Anong wala? Inaano mo ako eh!" nahihiyang sambit ko.

"Inaano kita bubwit?" may munting ngiting sumilay sa labi niya dahil doon. Inirapan ko naman siya. Kahit kailan talaga, ang lakas niyang mang-asar.

"Ewan ko sa'yo," sabi ko na lang para pagtakpan ang kahihiyang nararamdaman ko. Humalukipkip pa ako pagkatapos.

"Halika nga rito," hinapit niya akong muli. Tinampal ko naman ang braso niya.

"Ano bang problema mo bubwit?" naiinis na sambit niya.

"Ikaw kasi eh! Ang landi landi mo!" sabi ko na lang.

"Anong malandi sa ginagawa ko? Hindi ko na ba pwedeng yakapin ang girlfriend ko?"

Shoot. Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi ko na ba pwedeng yakapin ang girlfriend ko?

Napangiti ako sa naisip ko. Pinitik naman ni Kuya Sandro ang ilong ko dahilan upang mabalik sa kanya ang tingin at atensiyon ko.

Umiling siya at pumalatak pa. "Oh tapos ngayon ngingiti-ngiti ka? Halika na rito, 'wag ka nang magreklamo. Gusto mo rin naman eh," sabi niya and for the last time, he hugged me and I just let him. Masarap sa pakiramdam ang makulong sa mga bisig ni Kuya Sandro.

Ever Enough (Sanlie, #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon