Chapter 22

1K 32 9
                                    

To everyone reading this, I changed its title from Twisted Happiness (Season 2) to Ever Enough. I have plans kasi. Sasabihin ko naman 'yon once I finish this story. As far as my schedule is concerned, tapos na ang S2 by third week of May.

Thanks for patiently waiting for the updates! 'Wag kayong mag-alala, nakaschedule naman na ang lahat so all you have to do is WAIT.

ps, I'll create a playlist for S1 & S2 once matapos 'to.

For the meantime, soundtrack for this chapter is: Don't Give Up On Us. Happy reading!

**

Simula nang malaman ko ang kalagayan ni Kuya Sandro ay mas naging extra sweet at maalaga ako sa kanya. Iyon kasi ang kailangan niya, eh. Hindi niya kailangan ang childish antics ko dahil hindi iyon makakatulong sa kondisyon niya.

But I admit, I heaved a huge sigh of relief nang malaman kong wala namang nakamamatay na sakit si Kuya Sandro. Ang akala ko talaga ay iiwan niya na naman ako, eh. Hindi pala. Nagpapasalamat na rin ako kasi ito lang ang nangyari sa kanya. Mahirap, siyempre, pero wala lang 'to para sa babaeng sobrang nagmamahal.

At tsaka, 'di ba? Kung mahal mo ang isang tao, hindi ka magrereklamo. You wouldn't think na pahirap ang lahat ng ito. Hindi ka magkukwenta. Hindi ka maghahanap ng kapalit. You'll just do everything because you love the person. Ang tawag doon, unconditional love.

I'm so proud of myself. Kung ibang teenager siguro ang nakaranas ng mga dinaranas ko ngayon, malamang nabaliw na. Malamang ay nag give up na. Malamang ay hindi na 'yon maniniwala sa pag-ibig, o kahit sa forever. Pero dahil ako si Leslie Ann Nathalie Flores Ortega, kinakaya ko ang lahat. Hindi ba nakakabilib 'yong ganoon? Kahit sobrang daming pasakit at paghihirap ang dinanas ko kay Kuya Sandro ay nandito pa rin ako, patuloy na minamahal siya. Martir ba ang tawag sa akin? Nope. Kasi alam kong mahal din ako ni Kuya Sandro. At alam kong ginagawa rin niya ang makakaya niya upang iparamdam iyon sa akin, despite of the situation we are in right now. At isa pa, naniniwala ako sa one great love, eh. Isang beses lang sa buhay natin tayo ma-i-inlove. Kaya kapag naramdaman mo na iyon, gaya ko, ay 'wag mo na iyong pakakawalan pa. Dahil hindi mo na ulit iyon mararamdaman pa sa ibang lalaki.

Bumangon na ako sa kama matapos ang ilang minutong pag-iisip. Ganito pala ang nagagawa ng sobrang aga kung gumising. Nakakapagmuni muni tungkol sa mga essential thing on earth.

Nag-unat unat ako ng mga braso ko at humikab ng pagkalawak lawak.

"Hayyyy," sabi ko.

"Good morning, Sunshine! Today is a great day so seize it, Leslie!" pagbati ko pa sa sarili ko. May ngiti sa mga labing nagtungo ako sa banyo ng kwarto ko at naghilamos. Nagmumog na rin ako. Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko ay lumabas na ako ng kwarto ko at dumiretso sa katabing silid ko, ang kwarto ni Kuya Sandro.

Hindi na ako kumatok pa. Baka kasi magising si Kuya Sandro, eh, balak ko pa namang ako ang gigising sa kanya. Mabuti na lang at hindi nag-l-lock ng kwarto niya si Kuya Sandro kaya malaya akong nakapasok doon.

Gaya noong unang beses na makapasok ako rito ay tulog na tulog pa rin ang anghel. Nakatalukbong na naman siya ng kumot hanggang sa ulo niya. Naka-on ang aircon kaya nagyeyelo na sa lamig sa buong silid niya. Hindi naman naka-on ang pc this time pero nakahiga sa tabi niya ang pinakamamahal na gitara niya.

Lumapit na ako sa kanya at nakita kong may notepad din sa ibabaw ng kama niya. Pagtingin ko roon ay may unfinished lyrics na nakasulat. Pero dahil parang kinahig ng manok kung magsulat si Kuya Sandro, hindi ko maintindihan 'yong nakasulat doon.

Hindi, biro lang. Magandang magsulat si Kuya Sandro. Maliliit na pantay pantay. Sinilip ko 'yong kaunting lyrics at ito ang nakalagay:

You've done everything to keep it going

Ever Enough (Sanlie, #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon