Chapter 10

1.5K 53 13
                                    

May surprise ako, diba sabi ko doon sa group noong minsan? Click the external link to read on SALVACION. Merry Christmas na Craps! Love you all! Mwah.

**

Chapter 10

Nagising ako sa amoy ng bacon. Pagmulat ko ng mga mata ko ay bumungad sa harapan ko ang tray na puno ng pagkain. Hawak iyon ng lalaking mahal na mahal ko, si Kuya Sandro. Akmang tatayo na ako nang pigilan niya ako.

"Good morning! Breakfast in bed for mi lady," masiglang aya niya sa akin at tsaka ipinatong ang tray sa ibabaw ng kama. Nakangiting napaupo na lang ako doon habang kinukusot ang mga mata ko. Humikab pa ako ng isa.

"Good morning Kuya Sandro," sabi kong hindi natatanggal ang ngiti sa mga labi. Inilapit ko pa ang ilong ko sa tray na may lamang kanin, bacon, eggs, slices of fresh fruits, at malamig na fruit juice. "Wow, looks delicious," sabi ko pang takam na takam na. Kumuha ako ng isang piraso ng sliced apple at inilagay sa bibig ko. Nakangiting bumaling naman ako kay Kuya Sandro noon.

"Hmm! Sweet!"

Tahimik lang si Kuya Sandro habang nakamasid sa ginagawa ko. Bakas sa mukha niyang maligaya siyang pinapanood ako. Hindi ko na siya pinansin at isa-isang nilantakan ang mga pagkaing idinulog niya sa akin.

Halos mangalahati na ako doon sa kanin nang magsalita siya.

"Hindi mo man lang ba ako aayaing kumain, bubwit?" may panunudyo sa kanyang tinig na tanong ni Kuya Sandro sa akin.

Napatigil ako sa pagsubo at tumitig sa kanya. Ibinaba ko naman ang tingin ko sa tray ng pagkain. May dalawang kanin doon, dalawang baso ng fruit juice, dalawang serving ng ulam, at mga prutas. Obvious na para sa dalawang tao ito. Napalunok na lang ako sa sarili ko at bumaling ulit sa kanya. Nagsasayaw ang kanyang mga mata habang pinaglalaruan ng kanyang daliri ang labi niya. Masayang nakatitig lang siya sa mukha ko.

"Uh, gusto mo?" Nababahalang tanong ko sa kanya. Humalakhak siyang ikinakunot ng noo ko. Bakit siya humahalakhak? Eh inaalok ko lang naman siya ng pagkain?

Umiling siya habang humahalakhak pa rin. "Sige lang, bubwit. Kumain ka lang. I enjoy watching you eat," tumatawang tanggi pa niya. Lalo namang kumunot ang noo ko doon. Ha! Una, tinanong niya ako kung hindi ko ba siya aayaing kumain sa pag-aakalang gusto niya ring kumain pero nang tanungin ko naman siya ay tumanggi siya. Napailing na lang ako sa sarili ko.

Tapos na akong kumain nang abutin ko ang isa pang plato ng kanin. Sinulyapan ko si Kuya Sandro at nakataas ang isang kilay niya sa akin. Nagbabadya na naman siyang tumawa pagkatapos. Pasimpleng inirapan ko na lang siya at naglagay ng bacon at itlog sa plato. Ngumisi naman si Kuya Sandro doon.

Iminuwestro ko sa tapat ng bibig niya 'yong kutsarang may lamang kanin at bacon. Tumaas na naman ang kilay niya doon.

"'Wag mo akong taasan ng kilay. Isubo mo na ito bago ko pa ito ilagay sa bunganga ko," banta ko sa kanya. Itinaas na lang niya ang dalawang kamay niya at isinubo 'yong pagkain. Nginuya pa niya ito ng mabagal habang nakatitig sa akin. Tinitigan ko na lang din siya.

Kinuha niya 'yong baso ng fruit juice at uminom. Matapos 'yon ay ngumuso siya sa akin.

"Apple please?"

Aba't! Inutusan pa talaga ako, ah?

Pabalagbag na ipinasak ko sa bunganga niya 'yong pinakamalaking slice ng apple. Halos mabilaukan siya sa ginawa ko. Ngumisi na lang ako.

Umubo siya ng kaunti. "Sweetheart, lambingan mo naman ng kaunti," malumanay na sabi niya. Sari sari na lang talaga si Kuya Sandro. At may sweetheart pa siyang nalalaman ha.

Ever Enough (Sanlie, #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon