Chapter 28

1.2K 40 13
                                    

Maybe we're trying, trying too hard
Maybe we're torn apart
Maybe the timing is beating our hearts
We're empty
- Empty, The Click Five

Question to answer before reading: Ano man ang mabasa ninyo sa baba, do you think you can trust me enough to read till the epilogue?!

Song for this part is Empty by The Click Five.

**

I feel empty.

Patuloy sa pagtulo ang luha sa mga mata ko pero walang kumikirot sa puso ko. Tumatawa ako pero wala akong maramdamang saya. Wala. Lahat ng emosyon ko ay wala na. Ubos na. Said na. Wala nang natira. Bakante.

Tinitigan ko ang litrato sa screen ng computer. Dalawang tao, isang babae at isang lalaki. Magkadikit ang mga pisngi habang nakangiti sa harap ng camera. They look so inlove. Buti pa sila may nararamdaman. Paano naman ako? Wala nang natira sa akin. Paano, tinangay na nila, eh.

Kahit anong pilit kong magalit sa kanila, hindi ko magawa. I'm too drained to do that. Ano pa bang magagawa ko ngayon, 'di ba? Wala na. Talo na ako.

Napatingin ako sa bintana sa silid ko nang makarinig ako ng tunog ng sasakyan. Pinakiramdaman ko ito. Wala akong naririnig na ingay. Malamang na hindi sina mommy iyon. Malalaman mo kung sina mommy 'yong dumating o hindi. Kapag sina mommy 'yon, asahan mong iingay. Pero dahil tahimik lang ngayon, malamang si Kuya Sandro iyon.

Nang marinig ko ang pagbukas ng front door ay hinanda ko ang sarili ko at lumabas ng silid ko. Wala pang ilang minuto ay paakyat na rin si Kuya Sandro. Nagulat siya nang makita ako pero hindi siya umimik. Pinigilan ko ang sarili kong magburst out sa kanya. Pero kahit anong kalma ko pala, puputok at puputok pa rin ako makita lang ang pagmumukha ng sinungaling na ito.

Humarang ako sa daraanan niya kaya napahinto siya at tumingin sa akin. I remained impassive. Ayokong magpakita ng kahit na anong emosyon sa harap niya. Gusto kong malaman niyang kayang kaya ko rin siyang balewalain.

"Wow," manghang manghang panimula ko. "Buti naman at naisipan mo pang umuwi. Akala ko kasi, eh, sa mansiyon ka na tutulog, eh. You know," sabi ko sa kanya. Namutla siya at napalunok. Ha! Akala mo, ha!

Hindi na ako nakapagpigil. Sinampal ko na siya. Iyong tipong umaalingawngaw sa tainga niya ang lakas ng impact noon. Napapikit siya. Nasaktan siya. Pero wala akong pakialam.

"That is for lying to me," matigas na sambit ko. Bumilang ako ng tatlo at sinundan ng isa pa ang sampal na iyon. This time, mas malakas sa una. Nag-iwan ng marka ang palad ko sa pisngi niya. Pinigilan ko ang mapangiti.

"That is for admitting you lied to me." Nakatitig lang siya sa akin habang sinasabi ko iyon. Mas lalo akong nagagalit dahil sa hitsura niya. Parang hindi siya nasasaktan, eh. Bakit ganito? Umangal ka naman, oh! Ipakita mo namang nasasaktan ka!

Buong gigil na ibinigay ko ang pangatlong sampal sa pisngi niya. Pulang pula na iyon.

"That is for fooling me." This time, lumalambot na ang hitsura niya. Ayan, tama 'yan. Ganyan nga. Ilukot mo ang mukha mo. Ipakita mo sa aking nasasaktan ka. Ang saya lang makitang nasasaktan mo rin ang taong sinaktan ka kahit na magkaibang lebel ang sakit na nararamdaman ninyo. Fulfilling pa rin kasi, eh.

With that thought in mind, ibinigay ko na ang buong pwersa ko para sa panghuling sampal ko sa kanya. Ito na iyong kasukdulan ng hapding nararamdaman ko. Gusto kong isalin sa kanya ang lahat ng sakit para maramdaman niya kung paano maging Leslie.

"And that? That is for killing me." I enuciated each word. Iyong tipong magslice sa buong pagkatao niya ang bawat salitang bibitawan ko.

"Do you actually know that you can kill someone just by breaking their heart? That's what you did. You killed me by breaking my heart."

Ever Enough (Sanlie, #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon