Chapter 5

3.7K 177 10
                                    

Nag stretching muna ako. Ayaw ko ng pumasok ng school. Nakakamiss maglaro.

“I want to go home,” nakapuot kong sabi at binuksan ang pinto.

Nagulat ako ng bumungad sa akin si Dash na nakaupo sa sofa habang komportableng umiinom ng kape.

What is this jerk doing here? Napatingin siya sa akin.

“Hindi mo ba babatiin ang fiancé mo?” cold niyang tanong sa akin.

Ang tanong, fiancée ba ang turing mo sa akin? Duh parang stranger nga lang ang turing mo sa akin. Tsk!

“Anong ginagawa mo dito?” Tumayo siya, medyo kinakabahan ako. Parati kasi siyang bad mood pag nandito ako sa tabi niya.

Ayaw niya talaga kay Guin pero hindi ako si Guin!

“Hindi ka ba masaya ng makita mo ako?” tanong niya. Bakit naman ako sasaya? Sino bang taong sasaya sa cold mong atmosphere?! 

“Bakit ka ba nandito in the first place?” tanong ko sa kanya.

“Nasa harap mo ako no'n pero parang hindi mo ako nakita.” Huh? Ano bang pinagsasabi nito? I need my beauty rest. Pupunta pa ako bukas sa bahay nila. Kaloka! “Kailan ka pa naging close kay Elios? At bakit mas pinili mong sumama sa kanya kaysa sa akin.”

Hindi ko akalain na marunong pala siyang magselos. Sana ginawa nalang ni Guin 'to dati.

Napa cross arm naman ako, “Ikaw nga eh, masaya kayo nag uusap ni Saturn sa harap ko. But I didn't even bother you.”

“Alam mong—”

“Yeah I know na mahal mo siya.” Tinapik ko 'yong balikat niya. “Kung gusto mo, itigil na natin 'to.”

“What?”

“I mean para wala ng sagabal. Itigil na natin—” Napahinto ako ng makita ang batang babae sa likod ni Dash.

Shit! Nakalimutan kong isa pala sa target si Dash. Oops! My bad. Naglaho na 'yong batang babae.

“Are you going to abandon me, Guin?” cold niyang tanong sa akin. Napatingin ako sa kanya.

“Ha?” Diba dapat pumayag ka dahil gusto mo si Saturn. Hindi ko talaga maintindihan ang lalaking 'to. Kaya hindi na ako magtataka kung hindi kami magkakasundo.

“Akala ko ba mahal mo ako. Bakit ayaw mo na maging fiancé mo ako? Si Elios ba, siya ba ang papalit sa akin?” Tumikhim muna ako.

“Mahal kita kaya nga pinapalaya kita, Dash. I want you to be happy, kahit masakit para sa akin. Susuportahan kita, tanggap kong hindi ko mapapantayan si Saturn.” Kaya please! Umalis ka muna! Si Cale muna ang aatupagin ko!

“She's pretending.” Walang gana ko naman tinignan si Cassius.

“Kahit anong mangyari, tutuloy ang kasal,” cold na sabi ni Dash.

“W-what?!Nakita kong napa smirk ito bago umalis. Sinamaan ko naman ng tingin si Cassius.

“I know gusto mong makita si Cale. Pwede kitang tulungan.” Nangunot ang noo ko.

“And why would you help me?” Nginitian niya lamang ako.

“I just want you to remember something,mapaglaro niyang sabi sa akin.

Gaining LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon