Chapter 51

1.8K 93 7
                                    

Kinuha ko 'yong cellphone. Pinayagan ako ni Dash na mag cellphone. Mabuti nalang at mabait siya.

Bigla na naman bumukas ang bintana at nakita ko si Cale. Habang nakangiti ng nakakaloko.

“Bakit nandito ka na naman?” irita kong tanong sa kanya. Tumayo ako at lumapit sa kanya. “Kapag nakita ka talaga ni Dash, malalagot ka talaga.”

“Hindi mo ba ako pro-protektahan?” nakapuot niyang tanong sa akin. Niyakap niya naman ang katawan niya. “Ang liit ko po. Hindi ko po makakayang talunin si Dash.”

Oo, tama nga sinabi ni Cale. Maliit siya. Mukha nga siyang babae kapag nagsuot siya ng wig.

“Kumain ka kasi ng marami. Ayan tuloy ang payat mo,” sabi ko sa kanya. Napatingin naman siya sa akin and I chuckled.

Ang cute niya kasi.

“Marami kayang nagsasabing cute ako. Maraming may gusto sa akin, Guin. Ikaw lang 'yong may ayaw,” ani niya.

Tumawa ako ng marahan at pinisil ng mahina 'yong pisnge niya.

“Ang cute cute mo,” nakangiti kong sabi sa kanya.

Natigilan ako ng dahan-dahan bumaba ang tingin niya at huminto sa labi ko. Tinignan na naman niya ako sa mata na parang inaakit ako. Dahan-dahan niyang nilapit ang mukha niya sa akin.

Hahalikan niya na sana ako pero agad ako umatras.

“Cale, anong iniisip mo?” Napangiti naman ito ng nakakaloko dahil sa tanong ko.

“I'm a man, Guin. Alam mo 'yon.” Tinaasan ko siya ng kilay.

“Ano naman ang connect do'n?”

Hinaplos niya naman ang buhok ko dahilan para tumindig ang balahibo ko.

“Minsan mahihirapan kaming pigilan ang sarili namin sa taong mahal namin.” Ano bang pinagsasabi—namilog ang aking mata dahilan para mapatawa siya ng mahina.

“Hindi magandang biro 'yan!”

Pananagutan ko naman, Guin. Don't worry.”

“Ayaw ko! As in ayaw ko! Ang bata-bata mo pa! Iyan na iniisip mo! Kaloka ka!”

Agad ko naman niyakap ang katawan ko.

“Guin—”

“Wag ka lalapit! Don't you dare?!” Tumawa naman ito dahilan para mapahinto ako. Ginulo niya naman ang buhok ko.

At ito ako, naguguluhan.

“I will respect you decision, Guin.” Nilapit niya ang mukha niya sa akin at napaatras ako kunti. “Until na kaya mo na ibigay ang sarili mo sa akin.”

Pagkatapos niya sabihin ang mga katagang 'yon ay umalis na siya.

“Tsk, hindi mangyayari 'yon.” Umupo na ako sa kama at nag cellphone nalang.

•••

Binuksan na naman ni Dash ang pinto at napatingin siya sa paligid. Sinong hinahanap niya?

“Sino kausap mo?” he asked.

“Ha? Wala, kinakausap ko lang sarili ko.” Lagot ako.

Gaining LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon