Chapter 12

3.3K 167 8
                                    

Mukhang narealize niya 'yong sinabi ko.

“I-i'm sorry, dahil lang siguro 'to sa sobrang pagod.” Ngumiti naman ako at binigay sa kanya ang hamburger.

“Binili ko 'to kanina, kung nagugutom ka. Kainin mo nalang.” Tinanggap niya naman ito at ngumiti.

“Thanks, Guin.” Tumayo na siya at sinundan ko lang siya ng tingin. “Pupuntahan ko muna si Saturn.”

Tumayo na ako at napatango. Nagsimula na siyang maglakad palayo at tumingin siya sa akin ulit. Bago tuluyan ng umalis.

I saw a 35% sa itaas ng ulo niya. Nag increase 'yong percent pero ang weird. Bakit parang iniiwasan niya ako?

Tatanungin ko nalang 'yong bata kapag nagkita kami ulit. Baka may sira ang game na 'to?” Umalis na ako.

Pero bakit ganun? Feeling ko may nakatingin sa akin?

•••

Minulat ko na ang aking mata at parang may nakayakap sa akin. Umupo ako at nagulat ako ng makita ang isang cute na batang lalaki na nasa kwarto ko.

Anong ginagawa niya dito?! At naka lock ang pinto. So bakit nakapasok siya dito?

Dahan-dahan na niyang minulat ang kanyang mata. Woah, ang gwapo rin ng batang ito.

He have white hair and blue eyes, pale white skin. Maliit ang katawan at sobrang cute niya.

Kinusot niya ang mata niya.

Mmmh ate..”

“S-sino ka?” Hindi kaya kapatid ito nung batang babae?

“Anong problema, ate?” Ate? May kapatid ba si Guin?

“Bata, nasaan 'yong parents mo?” mahinahon kong tanong sa kanya. Kailangan kong kumalma, bata lang 'to.

“Wala akong parents,” inosente niyang sabi sa akin.

“Anong pangalan mo?” tanong ko sa kanya.

“Ako si Zephyr.”

“Surname?”

“Hindi ko po maalala,” nakangiti niyang sabi sa akin.

“At paano ka napunta sa kwarto ko?” nagtatakang tanong ko.

Nginitian niya lang ako at niyakap.

“Ate, nakikita kong may mga lalaking nakapaligid sa'yo. Pwede bang lumayo ka sa kanila?” nakapuot niyang tanong sa akin. Woah! Ang cute. “Ate, akin ka lang ha.”

“Excuse me? Hindi kita kilala. Sorry little guy, pero baka hinahanap ka na ng mama mo.” Pinisil ko ng mahina ang pisnge niya.

“Wala akong parents, ate.” Niyakap niya ako ulit. “Gusto ko dito lang ako sa tabi mo. Ayaw mo ba sa akin? I promise, hindi ako magiging pabigat.”

Oh boy, napatampal nalang ako ng noo.

•••

Gaining LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon