Pwede bang patulugin muna ako? Anong oras na oh? Napahinto ako ng nilapit niya ang kutsara na may laman na pagkain.
Is he trying to feed me?
Kinain ko na lamang ito.
“Mmh! Ang sarap!” Napangiti naman ito sa sinabi ko.
“Mabuti naman at nagustuhan mo,” sabi niya.
“Ano 'yan?”
“It's called icebox cake, niluto ko 'yan para sa'yo,” sabi niya.
“Huh? Weee, ikaw nagluto nito? Akala ko, mga maid ang nagluto nito?”
“Marunong kaya ako magluto.” Napatango nalang ako at kinain ang cake.
Ang sarap talaga! Nalalasahan ko ang chocolate at cream.
“Mabuti pa mag chef ka nalang! Ang galing mo!” Nag thumbs up ako.
“Malabong mangyari 'yon?”
“Huh? Bakit naman?”
“Kaming magkakapatid kailangan kami mag kompetensya para sa kompanya. Si papa ang magdedesiyon kung sino ang susunod na tagpagmana sa kompanya ng Montero.”
“Ayaw mo talaga sumali sa kompetensya?” tanong ko sa kanya.
“Yes, but my mother forced me. Many people expect me to be the next owner of the Montero company,” sabi niya. Nahahalata kong malungkot siya. “She even killed my twin brother.”
Napahinto ako sa kanyang sinabi, “May kambal ka?”
“Oo, sobrang close kami. Wala akong ebidensiya na si mama ang pumatay pero sigurado ako na siya ang pumatay sa kapatid ko.” Grabe naman! Ang creepy naman pala ng pamilya nila. Napailing nalang ako. Kung ganito lang ang pamilya nila. Ayaw ko talaga magpakasal sa kanya, baka 'yon pa ang dahilan ng ikamatay ko. “I don't know why I'm saying this to you pero salamat sa pakikinig.”
“Don't worry, your secret is safe with me. Mas mabuti na rin na nasabi mo ang problema mo, nakakagaan kasi ng pakiramdam kapag hindi mo tinatago ang problema mo,” nakangiti kong sabi sa kanya.
May nakita akong 25% sa itaas ng ulo niya. Woah!
“You really changed a lot, Guin.”
•••
“Guin, gising na.” Anong ginagawa ni Elios dito?
“Ayaw ko, gusto ko pa matulog,” sabi ko habang nakapikit ang mata.
“Pero malalate ka na sa school.” Hindi lang ako nagsalita. “Nagpuyat ka na naman kagabi no?”
“Para ka namang tatay ko.” He giggled.
“Guin, ano 'yan? Multo?”
BINABASA MO ANG
Gaining Love
Romance(Completed) Portia Abellana a girl who accidentally enters a game called 'Gaining Love'. Kailangan niyang mapaibig ang pitong lalaki sa kanya kung hindi ay mamamatay siya. At hindi na siya makakabalik sa totoong mundo niya. Kapag hindi pa rin nagka...