Halos hindi ako makagalaw dahil sa gulat. Pinikit na niya ang mata niya at mukhang natulog na naman ulit ito.
Nakakailan na sila! Tangina!
Agad na ako umalis, baka ano pang mangyari dito? I took a glance at him at natigilan ako ng naging 60% ito.
28% lang 'yon kanina? Bakit agad naging 60% ito? Hindi kaya halik lang ang paraan para mas madaling tumaas 'yong percent ng sign of interest nila?!
Kailangan kong gawin 'to kay Lyon!
Agad na ako lumabas ng kwarto ni Cale at tumakbo. Natigilan ako ng makita ko si Cassius.
Nangunot ang noo niya ng makita niya ako.
“Guin? Anong ginagawa mo dito?” tanong niya sa akin.
“Umm, binibisita lang 'yong fiancé ko?” Lumapit siya sa akin at napangiti ng nakakaloko.
“Liar, how dare you do this to me?” Kahit nakangiti ito ay nakaramdam pa rin ako ng kaba and at the same time takot na rin.
Napabuga nalang ako ng hangin, “I have no choice. Gusto mo bang kunin ako ni Zephyr?!”
Natigilan siya sa sinabi ko parang sumeryoso siya ng na mention ko si Zephyr.
“That boy, he didn't stop.” He sighed at hinawakan ang kamay ko. “Matulog ka nalang sa tabi ko. Babantayan kita.”
“Hindi pwede, baka hanapin ako ni Lyon?”
“Mas importante pa ba si Lyon kaysa sa akin?” tanong niya sa akin.
“Pwedeng both?” Napailing nalang ito sa sinabi ko. Ang hirap pumili eh.
“Kalimutan mo muna siya, may ipapakita ako sa'yo.” Agad niya ako hinila at hindi na ako nagsalita pa.
Ng makalabas na kami sa mala palasyo nilang bahay ay pinaupo niya ako sa damuhan at sinandal ang likod ko sa puno.
“Anong ginagawa natin dito?” tanong ko sa kanya. Tumabi naman siya sa akin at may tinuro sa langit.
“Tignan mo.” I stunned when i saw the pink moon.
“Woah! Ang ganda!” Ngayon lang kasi ako nakakita ng pink moon.
Kinapa ko 'yong bulsa ko. Shit! Nakalimutan kong dalhin 'yong cellphone ko. Huhuhu sayang naman!
“Anong problema?” tanong niya.
“Hindi ko nadala 'yong cellphone ko. Pi-picturan ko sana.” He chuckled.
“Silly, kahit pa picturan mo 'yan. Hindi maaninagan ng camera ang kagandahan ng buwan na 'yan.”
“May point ka diyan.” Pinagmasdan ko nalang 'yong pink na buwan.
Naalala ko si Luna kapag nakakita ako ng buwan.
“Hubarin mo 'yang suot mo.” Namilog ang aking mata at napatingin sa kanya. Niyakap ko naman ang sarili ko.
“Hoy! Wag kang ano!”
“Anong ano?” tanong niya habang nakangiti ng nakakaloko. Halatang inaasar ako.
“Bakit ko naman huhubarin 'yong suot ko?! You pervert!” He giggled.
“Ayaw kong nakikita na suot mo ang damit ng karibal kong kapatid.” Napatingin ako sa suot ko.
Oo nga no, nakalimutan kong suot ko pala ang damit ni Lyon.
BINABASA MO ANG
Gaining Love
Romance(Completed) Portia Abellana a girl who accidentally enters a game called 'Gaining Love'. Kailangan niyang mapaibig ang pitong lalaki sa kanya kung hindi ay mamamatay siya. At hindi na siya makakabalik sa totoong mundo niya. Kapag hindi pa rin nagka...