Simula nung mangyari 'yon. Hindi na ako kinausap ni Elios. It's been 2 hours. Nag alala na ako, baka mabawasan 'yong percent?
Napabuga ako ng hangin. Ano bang problema niya? Hindi ko naman siya inaway at wala naman akong nasabi na masama sa kanya.
“Hindi ko talaga sila maintindihan.”
“Anong hindi mo maintindihan? Pwede kitang turuan?” Nagulat ako ng makita ko si Azrael.
5% ang nasa itaas ng ulo niya. I heavily sighed.
“Bakit ka nandito? Hindi naman kita classmate ah.” Ngumiti lang ito sa akin.
“From now on, classmate mo na ako,” sabi niya sa akin. Niyakap niya ang braso ko. “So, I hope that we can be friends, Guin.”
Bakit parang medyo nakakatakot 'tong lalaki na 'to? Napahinto ako ng magtama ang mata namin ni Cale pero umiwas rin ito ng tingin.
Iyung mga classmate ko parang natatakot sila kay Azrael. Bakit naman sila matatakot?
“Hindi pa naman nagsisimula 'yong klasi. Gusto mo bang gumala muna?” Ayaw kong mapansin niya ang mood dito.
“Okay, as long as kasama kita.” Tumayo na kami at hinawakan ko ang kamay niya, parang nag slowmo ang lahat ng malagpasan namin si Saturn.
Hindi nakatingin sa akin si Saturn. Nakatingin siya kay Azrael. Luh anyare, parang may hindi ako nalalaman dito ah?
Actually, wala talaga akong alam sa story ng game na 'to. I sighed, I enter this game without knowing the plot.
“Mas mabuting punta nalang tayo sa rooftop. I'm sure, walang tao do'n. Tayong dalawa lang,” nakangiti kong sabi sa kanya. Nakatingin lang siya sa akin, hindi ko mahulaan kung anong iniisip niya.
Pero hindi ko na pinansin 'yon. Hinila ko na siya papunta sa rooftop at tama nga ako. Walang tao dito, kami lang dalawa.
Binitawan ko na 'yong kamay niya pero napahinto ako ng hinawakan niya ang kamay ko habang nakatingin sa paligid.
“Hindi ko alam na may rooftop pala dito.” Woah! Ako na baguhan! Alam na ang lugar na 'to! Siya na matagal na dito? Hindi pa?! What the heck?!
“Nakakaloka.” Napahinto ako ng nilock niya ang pinto. “Bakit mo nilock ang pinto?”
Napangiti ito ng nakakaloko, “Bakit mo ba ako dinala dito? Alam mong tayo lang ang dalawa dito. Lalaki ako, Guin.”
Papalapit ito ng papalapit sa akin. Pasalamat ka nga, nilayo pa kita sa kanila. Tsk! Tapos ngayon, may balak kang takutin ako?!
“Gusto lang naman kitang ilayo sa kanila,” bulong ko. Natigilan siya parang narinig niya 'yong sinabi ko. “I mean, gusto ko kasi magpahangin. Ikaw bahala kung gusto mong umalis.”
Ngumiti naman ito at umupo sa sahig habang sinandal ang likod niya sa pader. Tumabi naman ako sa kanya at natigilan ako ng sinandal niya ang ulo niya sa balikat ko.
“What if we created a world ng tayong dalawa lang ang nakatira, Guin?” Nangunot ang noo ko.
Luh, pwede ba 'yon?
“Huh? Paano ka naman gagawa ng mundo? Eh ang laki kaya ng mundo!” Azrael giggled. Pinitik niya naman ang noo ko. “Aray!”
“Ang slow mo.”
“Huh? Hindi naman ako mabagal ah,” sabi ko sa kanya. Napailing nalang ito at napatawa nalang ako ng marahan.
BINABASA MO ANG
Gaining Love
Romansa(Completed) Portia Abellana a girl who accidentally enters a game called 'Gaining Love'. Kailangan niyang mapaibig ang pitong lalaki sa kanya kung hindi ay mamamatay siya. At hindi na siya makakabalik sa totoong mundo niya. Kapag hindi pa rin nagka...