Chapter 32

2.2K 134 6
                                    

“M-may balak kang patayin ako?” Luh, anong kasalanan ko sa'yo?

Binalaan na kita, but you still follow me.” Lumapit siya sa akin at napaatras ako. Alangan naman lumapit rin ako sa kanya. Baka sa isang iglap wala na akong tiyan dahil sinaksak niya ng ilang beses? Char.

“Nagbibiro ka lang diba?” Akmang magsasalita siya pero agad ako nagsalita. “Wag naman! Mahal ko pa ang buhay ko! At saka, mamamatay rin naman ako eh—teka, bakit ba gusto mo ako patayin?”

Hindi lang siya nagsalita at maya-maya pa ay tumawa na ito. Hala, tumawa na siya. Yieee.

“I can't believe this.” Nangunot lang ang noo ko pero ng mga ilang segundo ang lumipas ay tumigil na siya sa kakatawa.

He sighed, “You're the reason why my sister died.”

Namilog ang aking mata. Don't tell me pinatay ni Guin 'yong kapatid niya?! May pagka psychopath rin pala ang babaeng 'to!

“P-pinatay ko ba siya?” Umiling ito. Mabuti nalang talaga na hindi pinatay ni Guin ang kapatid ng lalaking 'to—so bakit parang kasalanan ko pa?

“Ikaw dapat 'yong namatay.... pero akala ng killer siya si Guin kaya pinatay niya 'to.” So, hindi siya ang killer?

“I-i'm sorry, wala akong maalala,” sabi ko sa kanya dahilan para matigilan siya.

“Wala kang maalala?” tanong niya. Mukhang hindi niya alam na nawalan ng alaala si Guin. Hindi nga pala ako si Guin kaya syempre wala akong maalala sa past ni Guin.

“Nawala 'yong alaala ko, simula nung muntik na akong mamatay.” Akala ko talaga ikaw 'yong killer, nakakaloka ka. Kinabahan ako saglit.

“Hindi pa rin siya tumitigil hanggang ngayon?” Tumikhim naman ako.

“Umm... N-nakita mo ba ang pumatay sa kapatid mo?” tanong ko sa kanya.

“Yes, mukhang same age lang kayo,” sabi niya sa akin. Napatango naman ako. “Siguro may ginawa kang kasalanan sa kanya. Kaya gusto ka niya patayin.”

Tinuro ko 'yong sarili ko, “Ako?”

“I heard Guinevere is a bad person since kid. She is a spoiled brat, everything she sees, she hates it.” Nangunot ang noo niya. “Pero I think ibang-iba ka ngayon.”

Dahil hindi ako si Guin, nakakaloka. Gusto ko talaga sabihin na Portia ang pangalan ko at hindi Guinevere!

Napahinga nalang ako ng malalim. Hinawakan niya naman ang buhok ko at ginulo ito.

“Ang swerte mo dahil nawala 'yong alaala mo,” nakangiti niyang sabi sa akin. Napatingin siya sa likod ko. “Nandito na 'yong prinsepe mo.”

Napatingin ako kay Lyon na ngayon ay alalang nakatingin sa akin.

“We were looking for you anywhere?! Alam mo ba kung gaano kami nag alala sa'yo?!” alala niyang sabi sa akin.

Napakamot naman ako sa batok ko, “Hehehe, sorry. Nakalimutan ko kasi ang daan pabalik.”

Natigilan ako ng agad niya ako niyakap.

Akala ko hindi na kita makikita,” sabi niya sa akin. Mas lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. “Sigurado na ako sa nararamdaman ko.”

“Ha?” Kumalas siya sa pagkakayakap and he smiled at me warmly.

Ano ba namern 'yang ngiti na 'yan, nakaka fall.

Gaining LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon