Chapter 42

1.9K 99 5
                                    

Minulat ko na ang mata ko at muntik pa akong mapasigaw ng makita si Azra na nakatingin sa akin. Kanina pa ba siya nakatingin?

“Good morning.” Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa sofa. 

“Azra? K-kanina ka pa ba nakatingin sa akin?”

“Yes,” inosente niyang sabi sa akin.

Mabuti naman at hindi ka naboboringan sa mukha ko—I mean mukha ni Guin.

“Anong ginagawa mo? Kakain na ba?” Akmang magsasalita siya pero agad ako nagsalita. “Mamaya na, ligo muna ako.”

“Don't tell me nakalimutan mo?” cold niyang tanong sa akin. Natigilan naman ako. 

Ano bang nakalimutan ko?

“Ha?”

“Sabi mo magda-date tayo,” ani niya.

“Ha? Kailan ko sinabi—ayy naalala ko na.”

“Tsk.” Luh, nagtampo.

“Sorry na babe—charot.” Tumayo na ako. Maliligo na ako. Gusto mo ba sumabay?”

“H-ha?”

“Joke lang, wag mo ako sundan ha. Bad 'yan.” Hindi ko na siya hinayaan magsalita pa at umalis nalang.

•••

Ng tapos na ako maligo ay nag ayos na ako. Ng makalabas na kami sa bahay ay napahinga ako ng malalim.

Sa wakas nakalabas na ako sa bahay niya. Akala ko makukulong ako forever do'n, kaloka.

“Guin.” Napatingin naman ako sa kanya at hinawakan niya ang kamay ko. “Don't you dare try to escape.”

“Opo.” Napabuga naman ito ng hangin. 

•••

Ilang oras na kami naglalakad. Hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko.

“Wala ka bang balak bitawan ang kamay ko?” tanong ko sa kanya. 

Seryoso siyang napatingin sa akin at napaiwas nalang ako ng tingin. Ito naman masyadong seryoso. 

“Hindi ako tatakas pro—”

“Never pa akong naka experience na nangako kayo tapos tinupad niyo.” Napatikom nalang ako ng bibig dahil sa sinabi niya.

Sabi ko nga eh tatahimik na ako.

“Hala! May ice cream! Bilhan mo ako!” Napatingin naman siya sa ice cream at hinila pa naman ako papunta do'n.

Paano ako makakatakas nito? Napatingin naman sa akin ang tindero at ngumiti.

“Ang cute naman ng kapatid mo,” nakangiting sabi nung tindero.

“Kapatid?” Tinaasan naman siya ng kilay ni Azra.

“Talaga? Hehehe alam ko naman na cute ako pero wag mo naman ipamukha,” kinikilig kong sabi sa kanya.

“Patayin ko na kaya 'to?” cold niyang tanong sa akin. 

Namilog naman ang mata ko sa kanyang sinabi.

Gaining LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon