Chapter 54

1.9K 82 5
                                    

Nagulat ako ng hinila ako ni Cale.

"Cale! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!" natataranta kong tanong sa kanya.

"I can't take it anymore! I don't want to see you kissing another man! Guin! Gusto ko ako lang ang tinitignan mo! Love only me! Ako lang! Ako lang dapat halikan mo! Ayaw kong may kahati ako sa'yo! I want you mine! Iniimagine ko lang na may kasama kang iba! Gusto ko ng patayin 'yong lalaking gusto kang agawin sa akin!" sigaw niya. Napasandal ang noo niya sa balikat ko. Hindi ako makagalaw dahil sa inasta niya. "Ikaw ang rason kung bakit halos mabaliw ako. You made me fall in love with you! Those stupid sweet words!"

"Cale! Please! Mamamatay ako-"

"Ganyan ka ba talaga kabaliw kay Dash?! Para magpakamatay ka?!" inis niyang tanong sa akin. "Ano bang nakita mo sa kanya, Guin?!"

"That's not it!" Mamamatay ako! If hindi ko pa siya napatay! Pero hindi ko ito pwede sabihin sa kanya or else mamamatay rin ako.

I'm not Guin! Kailangan kong bumalik sa totoo kong mundo.

"I don't want to listen to you anymore!" Mas lalo niya pa nilakasan ang paghila sa akin.

•••

Hanggang sa nandito na kami sa bahay niya. Is this the end? Ilang days nalang ang natitira sa akin.

"Don't worry, Guin. I won't let you die." Dahan-dahan akong napatingin sa kanya. Walang alam si Cale. Mukhang kailangan ko siyang intindihin.

Ngumiti naman ako, "I'm sorry."

Natigilan naman siya sa sinabi ko pero sumeryoso din ang tingin niya sa akin.

"Wag ka mag sorry, parang pinapamukha mo sa akin na nagsisisi ka?" Agad niya naman ako hinila at niyakap. "I will protect you, Guin. Just stay by my side. Sapat na ikaw lang 'yong kasama ko. Just don't leave me."

Nakatingin lang siya sa akin na parang hinihintay ang sagot ko. I can't stop him. Kahit pa anong gawin ko.

Hayst! Bahala na nga si batman!

Dahan-dahan akong napatango at napangiti naman ito at niyakap ako.

"By the way, kumain ka na ba?" Napailing naman ito. "Kaya pala ang payat-payat muna."

"Wala akong gana kumain."

"Gusto mo ba mamatay?" Ngumiti naman ito.

"Mamamatay ako... Kasama ka." Hehehe! Ayaw ko, mahal ko pa buhay ko eh.

"Ikaw nalang mauna. Susunod lang ako." He giggled.

"As long as you stay by my side and love me forever. I won't kill you, my love."

Hala seryoso? Papatayin niya talaga ako? Napalunok naman ako ng laway dahil sa sinabi niya.

"Nagbibiro ka lang, hindi ba?" I try my best na hindi niya mahalata na takot ako.

Ngumiti lang ito at pumunta na sa kusina. Agad ko naman siya sinundan.

Gaining LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon