“Hindi ka pa rin bumabangon? Malalate ka na sa school,” sabi ni Dash.
“Pumunta ka na do'n.” Nakatakip ako ng kumot at katabi ko si Zephyr na nakatingin lang sa akin.
“Hihintayin nalang kita dito,” ani niya.
I giggled, “Papanoorin mo ba akong magbihis, Dash?”
“M-maghihintay nalang ako sa labas.” Rinig ko ang pagbukas ng pinto.
Kaya agad ko na inalis ang kumot sa katawan ko.
“Kaloka, muntikan na 'yon. Hey, may balak ka bang siraan ako?!” inis kong tanong sa kanya. Natigilan ako ng makita ko siyang seryosong nakatingin sa pinto. “Ayos ka lang?”
“Yes, I'm fine. Mukhang close na kayo ni Dash,” nakangiti niyang sabi sa akin.
“Hindi naman,” nakangiti kong sabi habang napakamot ng batok. “Kilala mo ba si Dash?”
“Ate, baka malate ka na sa school?” Napahinto ako sa kanyang sinabi.
Oo nga pala! Kailangan ko pang pumunta ng school, hayst!
•••
“Bakit mo ba ako pinapunta dito?” tanong ni Cale sa akin.
“Here.” Nangunot ang kanyang noo at tinanggap ito.
“Ano—”
“Gift ko 'yan sa'yo.”
“Bakit tuta ang stuff toy na pinili mo?” tanong niya sa akin.
“It reminds me of you,” nakangiti kong sabi sa kanya. Napaiwas naman ako ng tingin habang napapuot. “Medyo nagseselos kasi ako ng binigyan ka ng teddy bear ni Saturn.”
“Nagseselos... ka?” Napatingin ako sa kanya at napatango. Namula naman ang kanyang pisnge.
“Btw mas cute pa 'yan. Maganda kaya ako mamili,” sabi ko sa kanya.
Dahan-dahan niyang tinakpan ang mukha niya ng teddy bear at sobrang pula na ng kanyang tenga.
“Ayos ka lang?” Baka nilagnat rin ito kagaya ni Cassius? Teka, kamusta na kaya si Cassius?
May nakita akong 28% sa itaas ng ulo niya. Agad naman siya tumakbo. That's it! Kailangan ko na talaga makita ang batang babae na 'yon! Mukhang may sira na talaga ang game na 'to!
•••
Hindi ko nakita si Cassius. Nasaan na ba 'yon? Hindi ko pa rin nagagawa ang mission ko.
“Nandoon siya sa clinic.” Agad ako napatingin sa batang babae.
“Nilalagnat pa rin ba siya?” tanong ko sa kanya.
“Oo, baka maunahan ka ni Saturn. Pupunta siya do'n.”
“Hey, bata parang may sira—”
“The game is completely fine kaya wag ka na mag alala. If I were you, worry about yourself. Kunti nalang ang natitirang araw mo,” sabi niya sa akin. Bago naglaho.
BINABASA MO ANG
Gaining Love
Romance(Completed) Portia Abellana a girl who accidentally enters a game called 'Gaining Love'. Kailangan niyang mapaibig ang pitong lalaki sa kanya kung hindi ay mamamatay siya. At hindi na siya makakabalik sa totoong mundo niya. Kapag hindi pa rin nagka...