Chapter 49

1.7K 96 7
                                    

At 'yon, nakabalik ako sa bahay niya. Napabuga nalang ako ng hangin at nilibot ang paningin ko sa paligid.

Sundan ko kaya siya? Ang boring naman kasi dito.

Lumapit ako sa pinto at bubuksan sana ito pero ayaw mabukas. Nakalimutan kong nilock niya pala.

“Saan ba ang ibang daanan dito?” tanong ko sa sarili ko.

Naglakad lakad ako. Umaasang may makikita akong ibang daanan palabas. Napangiti nalang ako ng nakakaloko ng may nakita akong bintana sa abandonadong silid.

Agad ko binuksan ang bintana at doon lumabas ng bahay.

Nakita ko si Dash na naglalakad papalayo. Palihim ko siyang sinundan. Hindi naman pwede akong lumayo sa kanya dahil mahihirapan akong patayin siya.

Akala ko kailangan ko lang landiin sila para makalabas dito. I never thought na magiging killer rin ako.

Palaging sinasabi nung dyosa na wala akong kasalanan. Hindi naman kasi sila nag exist.

Pero parang totoo na sila para sa akin. I can't kill him, kahit na fictional character lang siya.

Napahinto ako sa paglalakad at napakunot ang noo ko ng makita siyang nasa bahay ni Forest.

Anong ginagawa niya diyan? Akala ko ba hate na niya 'yong kapatid niya. Palihim akong pumasok sa bahay ni Forest at nawala si Dash sa paningin ko. Saan 'yon nagpunta?

Muntik pa ako mapasigaw ng may narinig akong nabasag. Agad ako pumunta sa itaas at natigilan ako sa nakita ko.

Nakahandusay sa sahig si Forest habang duguan ang ulo. He slowly looked at me, pati na rin si Dash na may hawak na basag na vase. May dugo na rin sa kamay niya dahil sa basag na vase.

G-guin,” tawag sa akin ni Forest.

Akmang lalapit ako kay Forest para sana tulungan siya pero laking gulat ko ng agad sumigaw si Dash.

“Wag kang lumapit sa kanya kundi papatayin kita!” Halos hindi ako makagalaw dahil sa sinabi ni Dash.

Totoo ba talaga ang sinabi nung bata? Kung hindi ko siya papatayin, siya ang papatay sa akin?

D-dash.”

G-guin! Lumayo ka sa k-kanya! He's a monster!” Tumawa naman ito.

“Halimaw ka rin! Forest! Baka nakakalimutan mo?! Kapatid tayo!” sigaw niya.

“Dash, bakit mo ba 'to ginagawa?” tanong ko sa kanya.

“Can't you see?! Ginawa ko 'to para sa'yo!” Hinawakan niya naman ang pisnge ko. May dugo sa kamay niya. “Para sa ating dalawa 'to, Guin. If i kill my brothers now, wala ng aagaw sa'yo. Wala ng salot sa buhay natin.”

“Hindi naman sila salot eh. Actually, cute sila...” Tumigil na ako kasi kitang-kita ko ang pamumula ng mukha ni Dash, pulang-pula na sa galit.

Oopss! Dahan-dahan siyang napatingin kay Forest na wala ng malay. Agad ko naman siya niyakap.

“Please! Wag!”

“Bakit ba ayaw mo akong hayaan na patayin siya?! Hayaan mo nalang ako!” sigaw niya.

“Masamang pumatay! Dash! Alam mo 'yon!” Agad naman niya ako tinulak pero mahina lang ito.

He chuckled, “Matagal na akong masama, Guin.”

“Matagal? Hindi na ba mababago 'yan? Wala na bang natirang awa sa puso mo?” alala kong tanong sa kanya. Hindi lang siya sumagot. Maawa ka naman sa kapatid mo, Dash.”

Nakita kong binitawan na niya 'yong basag na vase at umalis. Napatingin ako kay Forest na ngayon ay wala ng malay.

I heavily sighed. Kung hindi ko sinundan si Dash, siguradong patay na si Forest ngayon.

•••

Ng tapos ko ng nilagay ang bandage sa ulo niya ay umalis na ako. Hindi ko na nakita si Dash.

Bumalik na ako sa bahay ni Dash and nakita ko siyang umiinom ng alak.

“Dash, itigil mo na nga 'yan. Bawal sa'yo ang alak. Hindi ka pa matanda, kaloka,” saad ko sa kanya.

“Guin!” Tumawa naman ito. Tuluyan na talaga siyang nabaliw pero infernes ang cute niya. “Takot ka na ba sa akin?”

Tumayo siya at muntik pa siya matumba. Napabuga nalang ako ng hangin.

“Matulog ka na. Sa susunod, wag ka na uminom ng alak,” sabi ko at napailing-iling pa.

“Guin, do i look like a monster to you?.... K-kaya gusto mo akong patayin?” Natigilan naman ako sa tanong niya.

Alam niya na may balak akong patayin siya? Agad naman siya napahandusay sa sahig.

“Ito na ang pagkakataon mo, Guin. Patayin mo na siya,” cold na sabi sa akin nung bata.

“Ha? As in, ngayon na?” Napatingin ako kay Dash na walang malay.

Binigay naman sa akin ng bata ang kutsilyo habang seryoso niya akong pinagmasdan.

“Oo ngayon na, kill him kung gusto mo pa mabuhay?” Napalunok ako ng laway.

“Pwede ikaw nalang? Hindi ko kaya eh.” Napairap naman ito at napailing bago naglaho. “Hoy! Wag mo ako iwan! Hoy!”

Kaloka.

•••

Imbes na patayin ko siya ay dinala ko siya sa kwarto niya at hinintay na magising.

“Ang bobo ko talaga. Hayst, saan ba ako nagmana?” walang gana kong sabi sa sarili ko.

Natigilan ako ng gumalaw na siya at dahan-dahan niyang minulat ang mata niya.

G-guin,” banggit niya sa pangalan ko.

Grabe ka! Ang tagal mong gumising! Hindi na ako natulog dahil sa'yo. Huhuhu! I'm sure ang pangit ko na.

“Dash, ayos na ba ang pakiramdam mo?” I asked.

Nagulat ako ng agad niya ako niyakap.

“Don't ever... disobey me again, Guin.” Namilog ang aking mata ng nilagyan niya ng pusas ang dalawang wrist ko.

D-dash, ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!” natataranta kong tanong sa kanya. Tanggalin mo 'to! Ano ba?!”

“Kung hindi nawalan ng malay si Forest, I'm sure. Makukuha ka na niya. Bakit ang tigas ng ulo mo?”

“Actually, matigas naman talaga ang ulo ng tao?” Sumeryoso na naman 'yong tingin niya sa akin.

Bakit parang nagalit siya? Totoo naman sinabi ko eh. Matigas 'yong ulo ng tao. Except nalang kung mahulugan ng malaking bato or kahoy.

“Kailan ka ba magseseryoso?” tanong niya sa akin.

“Kapag naging akin ka na, yieee!” Pinitik niya ang noo ko. “Ouch!”

“Gaga, sa'yo na ako kahit hindi mo pa sabihin.” Ehe, enebe.

Char lang. Nagbibiro lang ako.

“Sorry na, wag ka na magalit uwu—hahahahha! Nakakatawa 'yong nakita ko sa tiktok...” Tumigil na ako dahil parang nainis na talaga siya.

Sabi ko nga eh tatahimik na ako.

Gaining LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon