Chapter 17

3.1K 156 6
                                    

Nag stretching ako ng kamay. May 2 hours pa ako, bago bumalik sa classroom. Doon nalang ako kakain sa garden. Ayaw ko munang pumunta sa cafeteria.

Ayaw kong makita kung gaano ka saya ang Saturn na 'yon. I don't think na makakaya ko 'to.

Ng makarating ako sa hardin ay napaupo ako sa bench.

“Ayaw ko na, gusto ko ng sumuko,” sabi ko sa sarili ko.

Kung alam ko lang sana na ganito ang mangyayari. Sana hindi nalang ako pumunta sa fountain na 'yon.

I never asked to be a different person.

Susuko saan?” Natigilan ako at gulat na tumingin kay Forest. Hindi ko napansin na nandito pala siya.

“Uhh....” I heavily sighed. “Ang liit ng score ko. Hindi kasi ako nakapag review.”

Mabuti nalang at nakahanap ako ng palusot pero totoo rin. Ang liit ng score ko sa exam.

“Ang busy mo kasi sa iba, bad influence ang mga kapatid ko sa'yo, Guin,” sabi niya habang nakangiti ng nakakaloko.

Sus! Kagaya ka rin sa kanila no! Baka nga ikaw 'yong pumatay sa akin?! Sa panahon ngayon, marami ng taong nagpapanggap na mabait.

“Pwede mo ba ako turuan?” nakangiti kong tanong sa kanya.

“Sure, but in one condition.” Nangunot ang noo ko sa kanyang sinabi. “Stay with me hanggang sa matuto ka na.”

“Bakit naman?” Napamewang ako. “At sigurado ako na kapag nakita tayo ng ibang tao. Mas lalo nila akong kamumuhian.”

“Bakit naman?”

“Forest, fiancé ko si Dash—”

“Papatayin ko lahat ng mga taong may balak na saktan ka.” Natigilan ako sa kanyang sinabi. “I'll protect you, Guin. As long as you stay beside me, nothing bad will happen.”

Eh paano si Zephyr?

“Ayaw ko, magre-review nalang ako na ako lang 'yong mag isa,” sabi ko sa kanya.

Ayaw mo talaga na kasama mo ako,” nakangiti niyang sabi sa akin.

“Hindi ah! Baka kasi kapag parati tayong magkatabi? Baka mabaliw ako dahil sa lakas ng pintig ng puso ko.” Natigilan naman siya sa sinabi ko.

At may 38% sa itaas ng ulo niya. Agad na ako umalis. Baka pilitin pa niya ako. Mabuti nalang at may natutunan akong sweet lines kay tita.

•••

Napahinto ako sa pagbabasa ng libro ng makita ko si Cale na parang nag aalala na parang hindi mapakali.

“Cale, anong problema?” tanong ko sa kanya at lumapit.

“S-si kuya Elios, nawawala kasi siya.... Ang sabi ko kila mama na hanapin siya pero ang sabi nila baka gumala lang daw 'yon.”

“Wala ka bang clue kung saan siya nagpunta?” Napailing naman ito. Baka nasa bahay ni Saturn?

Natigilan ako ng lumapit sa amin si Saturn.

“Cale, I found Elios.” Natigilan kami sa sinabi ni Saturn.

•••

Gaining LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon