Akala ko ba mahal niya ako? Bakit balak niyang patayin ako?! Scam ba 'yon?!
Hindi pa ako nakapagsalita ay agad na ako hinila ni Elios at nagtago muna kami sa silid kung saan nakita ko 'yong kwentas.
Niyakap niya naman ako at parang natatakot ito. Dapat nga ako 'yong matakot pero mukhang siya pa 'yong mas natatakot.
“Proprotektahan kita, Guin. Hindi ko hahayaan na gawin niya sa'yo ulit 'yon.” Nangunot ang noo ko.
“Gawin sa akin? Bakit ano ba 'yong ginawa niya?” nagtataka kong tanong sa kanya.
Ngumiti naman siya pero alam kong peke ito.
“Wag mo na alamin. Mas nakakabuti kung hindi mo na malaman pa.” Mas lalo akong na curios dahil sa sinabi niya.
“Ano—”
“Guin! Where are you?! Guin! Wag mo ako iwan! Wag mo naman ako takutin ng ganito! Please!” I blinked.
Napatingin ako kay Elios na ngayon ay nakatingin lang sa akin na blangko ang ekspresyon. Hindi ko alam kung anong iniisip niya.
Nilagay niya sa labi niya ang hintuturo niya sign na tumahimik ako.
Para naman akong si tanga. Sumunod rin sa kanya. Kung totoo talaga ang sinabi ni Elios na may balak na patayin ako ni Dash.
Siguradong dito na ako mamamatay at hindi na ako babalik pa sa dati kong mundo.
Kitang-kita ko ang takot sa mata ni Elios. Hindi ko sila maintindihan. Nakaka stress naman 'tong game na 'to.
“Elios,” mahina kong banggit sa pangalan niya. Sumeryoso ang tingin ko sa kanya. “Si Dash ba ang nagtangkang pumatay sa akin noon?”
“Paano—”
“Sagutin mo nalang ang tanong ko. Siya ba?” cold kong tanong sa kanya.
“Oo.” Nagulat pa ako nung sinabi niya 'yon.
Si Dash ba talaga? Kung ganun, kailangan ko siyang patayin.
“Aalis na tayo dito. Delikado si Dash, baka patayin ka niya ulit? Hindi ko hahayaan 'yon, Guin. Gusto pa kitang makasama,” mahina niyang sabi sa akin.
Tinulak ko siya ng mahina dahilan para matigilan siya.
“I'm sorry.” Akmang aalis ako pero agad niya hinawakan ang wrist ko.
“Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?” tanong niya sa akin.
“Hindi ako sasama sa'yo—”
“Hanggang ngayon ba, mahal mo pa rin si Dash?” Natigilan ako sa sinabi niya. Kung sasabihin kong 'oo' lulubayan niya ba ako?
“Oo, mahal ko pa rin siya kahit nawala na 'yong alaala ko.” Napakunot ang noo ko ng mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak niya sa wrist ko. “E-elios, nasasaktan ako.”
“Hindi pwede, Guin.... Hindi.” Mukhang mali na nagsinungaling ako. Gaga ka talaga! Portia!
“Dash—” Nagulat ako ng agad niya tinakpan 'yong bibig ko.
“Hindi, hindi ko hahayaan na sumama ka sa kanya. Paano mo nagawa sa akin 'to, Guin? Akala ko ba mahal mo ako? Akala ko lang pala.” Hindi na naman ako makapagsalita. Hindi ko naman kasi ginusto paglaruan sila. Letseng game na 'to.
“I'm sorry—”
“Ano bang magagawa sa sorry mo? Maaayos ba ang lahat kapag nag sorry ka? Mababago ba ang lahat?” Nagulat ako ng hinila niya ako at niyakap. “Wag mo ako iwan. Maawa ka sa akin.”
BINABASA MO ANG
Gaining Love
Romance(Completed) Portia Abellana a girl who accidentally enters a game called 'Gaining Love'. Kailangan niyang mapaibig ang pitong lalaki sa kanya kung hindi ay mamamatay siya. At hindi na siya makakabalik sa totoong mundo niya. Kapag hindi pa rin nagka...