Chapter 19

3K 157 6
                                    

Akmang magsasalita ako pero agad may sumabat.

“Guin, Can i talk to you?” Medyo natigilan ako ng kinausap ako ni Saturn.

Hindi kasi kami close at hindi rin kami nagpapansinan. Why would a female lead wants to talk to a villainess?

Char lang, si Guin 'yong villainess  hindi ako.

“Pwedeng makinig sa usapan niyo? Curios lang ako,” nakangiting sabi ni Forest.

Loko talaga 'to! Aminin mo nalang kasi, ayaw mo akong iwan. Char lang, napaka pelingera ko.

“Wag kang chismosa do'n ka muna,” sabi ko sa kanya.

“As you wish, my princess.” Napailing nalang ako sa inasta niya at umalis na siya.

“Guin, since you change. Nagbago na rin ang magkapatid na Montero. Mag iingat ka, Guin. Kahit pa ganyan na ang nangyayari sa buhay mo. Don't let your guard down. Malapit lang 'yong taong papatay sa'yo.” Natigilan ako sa sinabi niya.

“Then, kilala mo kung sino ang pumatay sa akin noon? Nakita mo, hindi ba?! Kung paano niya ako pinatay?!” Kinabahan na ako letse!

“Guin, stay away from the Montero. It's not safe for you pero na sa'yo na ang desisyon.” Pagkatapos niya sabihin ang mga katagang 'yon ay umalis na siya.

Hindi ako pwedeng lumayo sa Montero. Hindi ko pa nagagawa ang mission ko.

•••

Sa simula palang, hindi ko talaga alam kung nagsasabi ba ang bata na 'yon ng totoo. Paano kung pinaglaruan niya lang ako?

I'm here, playing this game that can end my life?! One wrong move at mamamatay ako.

Parang ginawa niya ang game na 'to para patayin ako. I'm sure may kasalanan ako sa kanya.

Pero wala naman akong natandaan na may nagawa akong mali sa iba.

“Guin—”

“Ah! Gago!” Natigilan ako ng namalayan ko ang sinabi ko.

“Ayos ka lang ba? Bakit parang takot na takot ka?” alala niyang tanong sa akin.

“Huh? Ah w-wala.”

“Natakot ka ba kay Zephyr?” he worriedly asked.

“Natatakot? Bakit naman—”

I should have stopped Zephyr from being obsessed with you back then pero hindi ko ginawa.” Dahan-dahan namilog ang aking mata sa kanyang sinabi.

Obsession? Noon pa? So it means gusto niya talaga si Guin from the start?! Hala akala ko lahat ng tao kinamumuhian si Guin pero may isang tao pa palang nagmamahal sa kanya.

“Alam kong hindi mo 'yon naalala. Ikaw lang ang sadya niya dito,” sabi niya sa akin.

“P-paano ba kami nagkakilala ni Zephyr?” tanong ko sa kanya.

Nung 10 years old ka, he fell in love with you.” Napangiwi nalang ako sa kanyang sinabi.

10 year old?! Eh nung bata ako, wala ngang nanligaw sa akin?! Eh mas hamak na maganda pa ako kaysa kay Guin!

Gaining LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon