Nakatingin lang ako sa paligid. Nandito ako sa balkonahe at 8:00 na ng gabi.
“Kunti nalang na oras ang natitira sa'yo. Handa ka na bang mamatay?” Sinamaan ko naman ng tingin ang bata.
“Akala ko ba, magkatotoo 'yong hiling ko? Bakit ganito? Scam ba 'to?” tanong ko sa kanya.
“Lahat ng hiling may kapalit, Guin. Kung gusto mo mag stay dito. Hindi ka na mamamatay pa at hindi mo na kailangan hanapin 'yong taong pumatay kay Guin. But.... You have to handle those 7 boys who is obsessed with you.” Natigilan naman ako sa sinabi niya. “Iyun ang hiling mo, hindi ba?”
Napahinga nalang ako ng malalim, “Hoy gurl, paano ko mahahanap 'yong killer? Eh hindi ko nga maalala ang past ni Guin?!”
“Why don't you kill them all?” Halos hindi ako makapagsalita, dahil sa sinabi niya. “Para maging madali na matapos ang game na 'to?”
“Hindi naman ako ganun ka sama—”
“Sometimes, kailangan mong maging masama para lang ma protektahan 'yong sarili mo, Portia,” cold niyang sabi sa akin. Tumingin siya sa likod niya. “He's here.”
Agad na siya naglaho ng lumapit na si Dash sa akin.
“Ayos ka lang ba, Guin? Bakit namumutla ka?” alala niyang tanong sa akin.
“Ayos lang ako,” sabi ko sa kanya.
“Bukas na pala 'yong kasal natin.” Namilog ang mata ko sa sinabi niya.
“Kasal?! Dash! High school palang tayo!”
“Ayaw mo bang ikasal sa akin? Diba pangarap mo naman 'to dati? Guin, ito na. Matutupad na ang pangarap mo.” Hinawakan niya naman ang pisnge ko.
Si Guin 'yon! Hindi ako! Tinulak ko naman siya.
“Noon 'yon, Dash—”
“Bakit Guin? May mahal ka na bang iba? Kaya hindi mo ako kayang mahalin ulit?”
“Hindi naman sa ganun—”
“Guin, I'm sorry kung hindi kita minahal dati! Sobrang nagsisisi na ako! Takot na takot na ako! Ayaw kong maagaw ka nila sa akin,” malungkot niyang sabi sa akin.
“Dash! Hindi ako si Guin!” Natigilan naman siya sa sinabi ko, pati ako nagulat. Ang tanga mo talaga! Portia! “I mean, hindi na ako ang dating Guin na nakilala mo! Hindi kita kayang mahalin!”
“Hindi! I'm sure na kapag bumalik na 'yong alaala mo! Mamahalin mo na ako, Guin!” Hinawakan niya naman ang kamay ko.
Hindi na babalik ang alaala ni Guin dahil patay na siya at once na umalis na ako dito sa game na 'to. Katawan nalang ang naiwan dito na walang kabuhay-buhay.
So it means, naghihintay ka lang sa wala.
“I'm sorry, Dash. Sana mapatawad—”
“Bakit ka ba nagso-sorry? Wala ka namang kasalanan, Guin. Mahalin mo lang ako, iyun lang ang gawin mo.”
Natigilan naman ako ng may naalala ako kunti. Nakita ko si Guin na umiiyak habang pinipilit si Dash na mahalin siya habang blangko pa rin ang ekspresyon ni Dash.
‘Mahalin mo lang ako please! Iyun lang ang gawin mo, Dash! I'm begging you! Please! Love me!’
Kawawa naman pala si Guin. Nagmamakaawa siya kay Dash na mahalin siya pero hindi lang siya pinansin ni Dash.
Pero teka? Bakit ko ba 'to naaalala?
“Hindi 'yon ganun kadali, Dash,” cold kong sabi sa kanya.
“You can—”
“Hindi mo nga ako kayang mahalin noon kahit ano pa 'yong gawin ko.” Natigilan naman siya sa sinabi ko.
“Paanong—”
“Hindi mo ako naintindihan, Dash. So please, itigil mo na 'to,” sabi ko sa kanya.
Aalis na sana ako pero nagulat ako ng agad niya hinawakan ang wrist ko.
“Selfish na ako kung selfish pero hindi ko na hahayaan na makalayo ka sa akin. Hinding-hindi na kita papakawalan pa,” saad niya sa akin.
“Hindi mo ako kilala! Dash! Hindi na ako ang dating Guin na nakilala mo! Kaya itigil mo na 'to! Hindi na babalik ang feelings ko sa'yo!” Natigilan ako ng marealize ko 'yong sinabi ko.
Lagot na! Hindi ko na kasi mapigilan ang sarili ko. Nakakastress 'tong game na 'to. Kunti nalang ang natitira sa akin.
Hindi na ako nagsalita at umalis nalang. Hindi rin siya gumalaw. Mukhang wala siyang balak na habulin ako.
•••
Ng makalayo-layo na ako sa bahay niya ay napahinga nalang ako ng malalim.
“Ano ng gagawin ko ngayon?” Nauuhaw na ako.
Pinatuloy ko pa rin ang paglalakad ko hanggang sa makita ko si Cassius na nakatingin sa akin ng seryoso.
Akmang magsasalita ako pero agad niya nilahad sa akin ang tubig.
“Hay! Mabuti naman at matalino ka—” Natigilan ako dahil agad niya nilayo ang plastic bottle na may laman na tubig. Seriously?! Ano bang trip niya? “I need... Water.”
Papatayin mo ba ako? Uhaw na uhaw na ako. Natigilan ako ng ininom niya 'yung tubig.
Napatampal nalang ako ng noo pero mas lalo akong nagulat ng dinampi niya ang labi niya sa labi ko at may naramdaman akong tubig at nalunok ko ito.
I blinked. Nag lo-loading 'yong utak ko. Hindi ako makapag isip ng maayos—charot lang.
“Welcome back,” nakangiti niyang sabi sa akin.
Inaakit ba ako ng lalaking 'to? Ang hot eh. Char.
Pumasok naman ako sa bahay niya 'ata. Pansin ko bago na 'yong bahay nila. Umupo naman ako sa sofa at napabuntong hininga.
Nakakapagod. Naliligo na ako sa sariling pawis ko ngayon.
“Magbihis ka.”
“Wala akong damit.”
“May damit ako na binili para sa'yo.” Napatingin naman ako sa kanya. “Alam ko kasing darating ka kaya naghanda na ako.”
“Ay bet.” Tumayo na ako at agad pumunta sa silid na tinuro niya ng makapasok na ako ay agad ko binuksan ang kabinet.
And wow! Ang ganda! Napatingin naman ako sa likod ko dahil naramdaman kong nasa likod ko siya.
“Para sa'yo 'yan.”
“Hala sure! Omo! Thank you! The best ka talaga!” Agad naman ako pumili ng damit na susuotin ko.
Kapag umalis na ako dito. Dadalhin ko talaga lahat ng damit na binili niya para sa akin. Ang ganda eh.
“I want to be your perfect husband in the future.” Natigilan naman ako dahil sa sinabi niya at napatingin sa kanya. Ngumiti naman ito.
“Seryoso?”
“Ipapangako kong ikaw lang ang babaeng papakasalan ko sa hinaharap,” mahinahon niyang sabi sa akin. Lumapit naman siya sa akin. “Kahit ayaw mo sa akin. Ipipilit ko pa rin.”
BINABASA MO ANG
Gaining Love
Romance(Completed) Portia Abellana a girl who accidentally enters a game called 'Gaining Love'. Kailangan niyang mapaibig ang pitong lalaki sa kanya kung hindi ay mamamatay siya. At hindi na siya makakabalik sa totoong mundo niya. Kapag hindi pa rin nagka...