Chapter 9

3.4K 172 7
                                    

“Baka gutom lang 'yan. Umuwi ka na.” Akmang aalis na ako pero nagulat ako ng hawakan niya 'yong wrist ko.

“Bakit ba gusto mong umalis ako? I've been with you for almost 5 years! So why?!”

“5 years?!” Woah! Matagal na pala silang nagsasama ni Guin. Kawawa naman si Lyon.

“Alam kong nawala na 'yong alaala mo pero ayaw mo bang maging alipin mo ako?” malungkot niyang tanong sa akin.

“Uhh... Why would i need a servant? I can help myself.” Napahinto ako ng naging 13 ang percent sa itaas ng ulo niya. Hala bakit bumaba?!

“Akala ko, nag alala ka sa akin kaya mo ako pinakawalan. But I was wrong.”

“Nag—”

“Ang tanga ko.” Hindi na niya ako hinintay na magsalita at umalis na siya.

Napatampal nalang ako ng noo. I don't get it, bakit bumaba ng 2 ang percent sa itaas ng ulo niya? Diba, 'yon naman ang gusto niya.

“Malapit ka ng mamatay.” Napapuot akong napatingin sa bata na 'yon. “Kahit pa tumalon ka sa lawa. Hindi ka pa rin makakabalik sa mundo mo. You have 51 days left.”

“Huh?” Hindi na siya nagsalita at naglaho na. “Hoy! Kailangan pa talaga may oras ako?! Nakakaloka!”

Hindi ko pa rin napapangiti si Cale. Hayst! Ang hirap naman ng mission na 'to! Nakakainis!

•••

Ayan tuloy! Hindi ako nakatulog ng maaga ngayon. Huhuhu! May pasok pa naman ako bukas. Swerte siya, dahil sa kanya! Kaya ako nagpupuyat ngayon.

Binuksan ko ang bintana.

“Mabuti nalang kasya ako dito.” Akmang papasok na ako pero napahinto ako ng magtama ang mata namin.

“Anong ginagawa mo?” tanong niya sa akin habang nakayakap siya sa teddy bear niya.

“Umm... Papasok sa kwarto mo?” Para siyang natigilan sa sinabi ko.

“Bakit naman?” Uso na ba ngayon ang parating tanong? Hayst!

Pumasok na ako at nag puppy eyes sa kanya.

“Na miss kasi kita.” 

“Nakita mo na ako. Umalis ka na.” Tsk, cute nga. Ang cold naman. Magkapatid nga sila ni Dash, pareho silang cold.

“Natatakot ka pa rin ba sa akin?” tanong ko sa kanya. Hindi lang siya nagsalita at nakatingin lang sa akin. “Bakit ka ba natatakot sa akin? Ang ganda ko kaya.”

“Hindi ako natatakot sa'yo.” Umupo ako sa kama niya.

“Wee, patunayan mo nga.” Nilahad ko ang kamay ko. “Hawakan mo ang kamay ko.”

Napabuga ito ng hangin at hinawakan ang kamay ko. Hinila ko naman siya at niyakap ng mahigpit habang nakahiga sa kama.

“What the—”

“Ang cute mo!” 

“Baliw ka na ba?!” Kumalas na ako sa pagkakayakap pero hindi ko pa rin binibitawan ang kamay niya.

Gaining LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon