“Umm.... Uwi na ako, may kailangan pa pala akong gawin,” sabi ko sa kanya akmang aalis na ako pero agad niya hinawakan ang wrist ko.
“Akala mo, hindi ko alam?” Nangunot ang noo ko. Ano bang pinagsasabi nito?
“I know na nakatira 'yong kambal ko sa bahay niyo,” sabi niya sa akin dahilan para mamilog ang mata ko.
Luh, stalker ba 'to? “Eh kasi, wala naman siyang matitirahan. Kaya hindi ko siya kayang paalisin.”
“I really trust you, Guin. But I can't trust him. Hindi natin alam kung anong gagawin niya sa'yo?” I giggled.
“Wag ka nga mag overthink. Alam kong walang gagawin na masama sa akin si Zephyr.” Nakita kong napakuyom ito ng kamao dahilan para itikom ko ang bibig ko.
“Do you.... like my twin brother?” he coldly asked.
“Yes, I like him.” Masaya kasi siyang kasama, para ko na siyang nakakabatang kapatid. Kahit mas matanda pa siya sa akin.
Ang cute niya kaya kapag naging bata siya.
“Don't worry, kahit anong mangyari. I'm still your fiancée. Wala kang dapat ikatakot,” nakangiti kong sabi sa kanya.
Natigilan ako ng makitang nag red 'yong percent sa itaas ng ulo niya.
•••
Pagbukas ko ng pinto. Nakita ko si Zephyr na nakaupo sa sahig habang yakap ang sariling tuhod.
Bata na siya ngayon dahil gabi na. Ang cute niya talaga pag naging bata. Kung may kapatid ako sana ganyan ka cute ang kapatid ko.
“Zephyr, Nagdala ako ng pagkain para sa'yo,” nakangiti kong sabi sa kanya.
Agad naman ako lumapit sa kanya at nagulat ako ng niyakap niya ako.
“I miss you so much, I really miss you.” Anong nangyari sa bata na 'to?
“Parati naman tayo nagkikita. Kung makaasta ka parang ilang taon na tayong hindi nagkita.” Napatingin siya sa akin at nakita kong tumulo 'yong luha niya dahilan para matigilan ako.
“Narinig ko sa mama mo na kukunin na daw nila ako. Ibabalik na daw nila ako sa kambal ko,” malungkot niyang sabi sa akin.
“B-bakit ka malungkot? Diba, dapat maging masaya ka? Makakasama mo na rin 'yong kambal—”
“I don't like him! I really hate him!” Pero sa pagkakaalam ko. Mahal ni Dash 'yong kambal niya. Nagalit nga siya sa mama niya dahil akala niya pinatay ng mama niya si Zephyr. “Parati nalang niyang inaagaw 'yong dapat na nasa akin. Ako dapat 'yong fiancé mo?! Hindi siya?!”
“Z-zephyr....”
“I like you so much, Guin. Gustong-gusto kita, hindi ko kayang makita kang masaya kasama niya.” Mas lalong humigpit ang pagkakayakap niya. “Parang mababaliw ako, Guin. Hindi ko na alam ang gagawin ko.”
Mas hindi ko alam ang gagawin ko! Kaloka, na stress na ako sa pito. Dumagdag ka pa, charot lang.
Kung pwede lang sana sabihin na patay na 'yong Guin na mahal niya.
BINABASA MO ANG
Gaining Love
Romance(Completed) Portia Abellana a girl who accidentally enters a game called 'Gaining Love'. Kailangan niyang mapaibig ang pitong lalaki sa kanya kung hindi ay mamamatay siya. At hindi na siya makakabalik sa totoong mundo niya. Kapag hindi pa rin nagka...