Nagulat ako ng naging 100% ang sign of interest niya. What the— hindi ko alam kung anong mangyayari kapag naging 100 ito?
'Sana makahanap ako ng lalaking mamahalin ako, iyung baliw na baliw sa akin. Iyung ako lang ang nakikita at nag care sa akin. Gusto ko 'yong alam niya ang lahat tungkol sa akin.'
Natigilan ako ng maalala ko 'yong wish ko. Hindi kaya unti-unting natutupad ang wish ko.
Grabe no, piso lang 'yong isang lalaki.
“I don't want to see you running away from me. Mamamatay ako kapag wala ka, Guin. The one who truly love you is me.” Hinawakan niya ang kamay ko at nilagay ito sa dibdib niya. “Aagawin kita sa kanya kahit pa ikakapahamak ko.”
Char, may ganun.
“Hindi naman ako tatakbo kung walang multo, char.” Kita mo 'yon, bata ka! Complete na ang mission ko kay Azra.
Nagulat ako ng hinila niya ako at niyakap. I feel his warm body touches mine.
“Kung sa tingin mo nagbibiro ako? Gusto ko lang malaman mo na seryoso ako sa'yo. You're the first girl who steal me away from Saturn.” Grabe naman 'yong steal! Feeling ko magnanakaw ako niyan.
“Malay mo baka may second girl,” sabi ko sa kanya.
“Hindi mo talaga siniseryoso ang lahat.” Kumalas na siya sa pagkakayakap at ginulo ang buhok ko at naglakad na siya palayo.
“Siniseryoso ko naman ang lahat ah. Ayaw ko kaya mamatay.” Napailing nalang ako at natigilan ng mapagtantong nakatingin 'yong mga tao sa amin.
•••
4 o'clock na, kailangan ko ng bumalik sa school. May date pa kami ni Dash para naman akong cheater nito.
Wala akong magagawa. Iyun ang mission ko sa game na 'to, nakakaloka.
“Azra, kailangan ko ng bumalik sa school.” Nangunot ang noo niya dahil sa sinabi ko.
“Agad agad?” Wow! Ilang oras na kaya tayo nandito.
“If my mother finds out mapapagalitan ako,” ani ko sa kanya. He heavily sighed.
“Gusto ko pang makasama ka,” nakapuot niyang sabi sa akin. Shit! Ang cute niya! “Pero ayaw ko rin na mapagalitan ka.”
“Next time nalang, Azra. Nag enjoy ako,” nakangiti kong sabi sa kanya.
Natigilan ako ng hinalikan niya ako sa noo and he giggled. Luh, nakaka ilan ka na ha.
•••
“Dash!” Agad siya napatingin sa akin at kumaway ako sa kanya. Agad naman ako lumapit sa kanya.
“You're 20 minutes late,” cold niyang sabi sa akin.
“Sorry naman, atlease hindi naabutan ng isang taon,” sabi ko sa kanya.
“Bakit ka nag cutting class?” tanong niya sa akin. Napahinto naman ako sa kanyang tanong. “Kahit hindi pa nawala 'yong alaala mo. Hindi ka nag cutting class no'n.”
BINABASA MO ANG
Gaining Love
Romance(Completed) Portia Abellana a girl who accidentally enters a game called 'Gaining Love'. Kailangan niyang mapaibig ang pitong lalaki sa kanya kung hindi ay mamamatay siya. At hindi na siya makakabalik sa totoong mundo niya. Kapag hindi pa rin nagka...