Chapter 16

3.1K 149 15
                                    

Agad ko siya tinulak.

“A-ano.... s-sa tingin mo ang ginagawa mo?!” Hala 'yong first kiss ko?!

“Diba sabi ko, may ibibigay ako.” Napatingin ako sa percent niya. Kanina pa ito nag re-red.

Muntik na malaglag ang panga ko ng naging 80% sa isang iglap ang sign of interest niya. What the heck?!

“A-anong ibibigay mo?” Pera ba? Sana madala ko 'yan sa totoong mundo ko, pangbili lang ng load. Hehehe joke lang!

He smiled at me, “I'll give you my heart.”

Edi patay ka kung ibigay mo sa akin ang puso mo.

Lumapit siya sa akin.

“My body, my soul, everything that is mine.... Ay sa'yo na rin.... I love you, my precious doll.” H-ha?

Wait, hindi ko alam kung ano ang mangyayari. If maging 100% ang sign of interest nila.

“Umm.... Nagugutom n-na rin ako. Kain na tayo.” Akmang aalis ako pero hinila niya ako.

“I order you to fall in love with me.” At sino ka naman para utusan ako?! Char. Baka mapatay ako nito?

“Ano bang pinagsasabi mo? Nagbibiro ka lang ba?” Natigilan ako ng hinaplos niya ang pisnge ko.

“Seryoso ako sa'yo... Nobody else will love you except me.” Kumalma ka lang, Portia. Game lang 'to.

“Let's enjoy this moment together, Azra,” nakangiti kong sabi sa kanya. 

Ngumiti naman ito.

•••

Ng tuluyan na akong makalabas sa bahay ng Montero ay napabuga ako ng hangin.

“Good.” Napatingin ako sa batang babae.

“Huhuhu! Hoy! Wala na! Iyung first kiss ko!” Napairap naman ang bata.

“Okay lang 'yan, hindi mo naman 'yan katawan,” sabi niya sa akin.

Napaisip naman ako sa sinabi niya, “Oo nga no, may point ka diyan—By the way, ano palang nangyari sa percent niya bakit nag red 'yon kanina?”

Ewan ko, pero biglang umiba ang tingin niya sa akin.

“Unti-unti ng nagkakatotoo ang hiling mo,” sabi niya sa akin bago naglaho.

Huh?

Wait, ano bang hiniling ko? Nakalimutan ko na kasi. Ang dami kasi ng inisip ko. Basta ang alam ko lang. Nag jo-joke lang naman ako no'n?

Hayst! Ang gaga mo talaga, Portia!

•••

“Ate!” Agad naman ako niyakap ni Zephyr. Kahit saan anggulo talaga tignan. Bata talaga siya.

Ang cute cute niya pa! Tumalungko ako upang mapantayan siya at pinisil ang pisnge niya.

“Sorry, kung natagalan ako.”

“Ayos lang, as long as nandito ka na.”

“Wait, ilang taon ka na ba?”

Gaining LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon