Baliw na ba 'tong lalaki na 'to? Nagbibiro lang naman ako nung sinabi kong baliw na baliw na sila sa akin pero bakit parang nagkatotoo?
Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari kapag natupad ang hiling ko. Sana hindi nalang ako humiling.
Ayaw ko naman mag stay dito. Ayaw kong makasama ang pitong lalaki na parang mga psychopath or psychopath talaga sila?
“Dash,” banggit ko sa pangalan niya habang nagbabasa siya ng diyaryo. Kanina pa siya nandito parang binabantayan ako. Tsk! “Baka hinahanap na ako ni mama?”
“So?”
“Uwi na ako, pwede?” Hindi lang siya nagsalita at napahinga nalang ako ng malalim. “Sige na please! Matagal pa tayo ikakasal! Kaya sige na! Iuwi muna ako!”
“Wag mong hintayin itali kita para hindi ka na makaalis.” He looked at me with his cold eyes. “You know that I don't want you to leave me.”
“Sabi ko nga dito na ako.” Napatango naman siya at napatampal nalang ako ng noo.
Tumayo naman ako at kita kong tumingin na naman siya sa akin. Akala niya siguro tatakas ako?
Tatakas naman talaga ako pero hindi pa sa ngayon. Naglakad-lakad ako at pinagmamasdan ang paligid. Mukhang wala naman siyang pake dahil hinayaan lang niya ako.
Pumasok ako sa isang silid na nakaagaw ng atensyon ko. Napakunot ang noo ko na may mga alikabok na nasa silid na ito. At natatambakan na ng mga hindi na ginagamit na bagay.
Dahan-dahan akong lumapit sa mini desk at natigilan ako ng may nakita akong kwentas at parang may dugo ito.
“Kanino 'to?” Parang gusto ko ng umiyak. Hindi ko alam pero kusa nalang tumulo 'yong luha ko.
“Anong ginagawa mo dito?” Agad naman ako tumingin kay Dash at parang nagulat siya ng makitang tumulo 'yong luha ko. “Guin, anong nangyari? Bakit ka umiiyak?”
Pinunasan ko naman 'yong luha ko, “Kanino 'tong kwentas?”
Natigilan naman siya ng tanungin ko siya.
“Wala 'yan. Hali ka na, nakahanda na 'yong pagkain,” sabi niya sa akin. Hinawakan niya naman ang kamay ko at hinila palabas. “Guin, wag ka na sana bumalik sa silid na 'yon.”
“Bakit naman?” nagtataka kong tanong sa kanya.
“Basta, sundin mo nalang ako.” Napatango nalang ako. Hindi ko naman kasi bahay 'to.
Pero bakit feel ko familiar ang kwentas na 'yon?
Habang kumakain ako ay hindi maalis sa aking isip ang kwentas na 'yon. Gusto kong bumalik do'n. Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa akin?
Eh patingin na kaya ako sa doctor?
“Bukas, aalis tayo.” Natigilan naman ako sa sinabi niya.
“Saan tayo pupunta?” tanong ko sa kanya.
“Lilipat na tayo ng ibang bansa.” Nangunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.
“Ha? Bakit naman tayo lilipat? Ayos naman 'tong bahay mo ah?” nagtataka kong sabi sa kanya.
“Kilala ko ang mga kapatid ko, Guin. Hindi sila titigil hanggang sa hindi ka nila mahahanap.” Hinawakan niya naman ang kamay ko. “Wag ka mag alala. Walang makakapaghiwalay sa atin.”
“Dash, magpahinga ka muna.” parang mas lalo siyang nababaliw.
“Para makatakas ka?”
“Hindi ako tatakas...” Naputol ang sasabihin ko ng hinawakan niya 'yong pisnge.
“Manloloko ka, Guin. Alam ko 'yan.” Hindi ako makapagsalita dahil sa kanyang sinabi. Totoo naman eh, pero ouch pa rin. “Pero mahal pa rin kita. Kahit anong gawin mo mahal pa rin kita.”
“Wee? Mahal mo nga si Saturn noon.” He chuckled dahil sa sinabi ko.
Anong nakakatawa? Totoo naman eh. I remember kung paano siya napapangiti ni Saturn pero ngayon. Nagbago na ang lahat.
I can make him smile if i wanted to.
“Hanggang ngayon ba? Nagtatampo ka pa rin?” Hindi ako makapaniwalang tinuro ang sarili ko.
“Me? Nagtatampo?” Ako pa? Ako pa talaga? Baka ang totoong Guin?! Hindi ako magtatampo dahil lang sa ganyan!
“Matutulog ako mamaya.... pero katabi ka.” Tinaasan ko naman siya ng kilay. “Ayaw kong tumakas ka.”
“Tsk.” Tanggalin ko nalang kaya 'yong mata niya para hindi na niya makita ang pagtakas ko.
•••
I admit it, ang boring dito. Pinapabawal pa ako mag cellphone. Baka kasi humingi ako ng tulong?
Wala talaga siyang tiwala sa akin. Hayst! Parang dito na ako mamamatay ah.
“Kantahan mo ako,” saad niya sa akin.
“Hindi ako marunong kumanta. Baka marinig mo boses ko baka bumagyo pa?” Tumawa naman siya dahil sa sinabi ko.
Pinagtatawanan niya pa talaga ako. Hintay ka lang, mare. Kapag nareincarnate ako. Sisiguraduhin kong maganda na boses ko pag kumakanta—char.
Pinikit na niya ang mata niya. Mas lalo siyang gumwapo kapag nakapikit ang mata niya. Wag nalang kaya siya magising?—joke lang.
Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Ang boring naman kasi dito. Napakamot nalang ako sa batok ko. At tumayo, akmang aalis ako pero agad niya hinawakan ang wrist ko.
“Ah!” Napahawak naman ako sa dibdib ko. “Ano ka ba?! Gusto mo ba ako ma heart attack?”
Nagmana ka lang sa dyosa na 'yon eh. Ang hilig niyong manggulat.
“Saan ka pupunta?” he asked.
“Dito lang po, chill. Tinitignan ko lang 'yong mga gamit mo.” Nagulat ako ng hinila niya ako dahilan para mapahiga ako sa kama at niyakap niya ako. “Hoy! Nakaka ano ka na ha?!”
Namalayan ko nalang na nakatulog na ito. Hindi naman ako bad kaya hinayaan ko nalang.
•••
Dahan-dahan ko minulat ang mata ko. Hindi ko akalain na makakatulog pala ako. Muntik pa akong mapasigaw ng makita ko siyang nakatingin sa akin.
Ngumiti naman ito. Ewan ko ba, kinakabahan ako sa kanya parang may binabalak siyang gawin sa akin? Or imagination ko lang 'yon.
“Dito ka lang muna. Magluluto muna ako ng pagkain.” Napatango nalang ako sa sinabi niya.
May nakita akong libro sa mini desk niya. Binasa ko ito at maganda naman 'yong story. Na eenjoy ko 'yong story.
Natigilan ako ng dahan-dahan bumukas ang pinto. Hala, ano 'yon multo?
Nangunot ang noo ko ng makita ko si Elios. Agad siya lumapit sa akin.
“Guin, kailangan na natin umalis dito,” mahina niyang sabi sa akin. Hinila na niya ako. “Nakita kong may nilagay si Dash sa pagkain mo. He's trying to kill you, Guin?”
“A-ano?”
BINABASA MO ANG
Gaining Love
Romance(Completed) Portia Abellana a girl who accidentally enters a game called 'Gaining Love'. Kailangan niyang mapaibig ang pitong lalaki sa kanya kung hindi ay mamamatay siya. At hindi na siya makakabalik sa totoong mundo niya. Kapag hindi pa rin nagka...