Minulat ko na ang aking mata at nakita kong wala na sa tabi ko si Cale. Hindi kaya nabawasan 'yong percent niya?
Luh, malalagot talaga ako nito!
•••
“Guin.” Napatingin ako sa tumawag sa akin. Napangiti naman ako ng makita ko siya at niyakap ang braso niya.
“Lyon! Nandito ka lang pala! Kanina pa kita—”
“Siguro naman pwedeng dumistansiya naman kayo sa isa't-isa.” I looked at Elios. At akmang didistansiya ako pero agad niya hinawakan ang kamay ko.
“Wala namang masama kung malapit si Guin sa akin diba?” Palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Hindi ako nainform na close pala silang dalawa.
“Alam mo naman siguro na may fiancé siya diba?”
“Ano naman? Ikaw nga lapit ng lapit ka sa kanya, kahit alam mong may fiancé siya,” nakangiting sabi ni Lyon.
Bakit parang iba 'yong atmosphere dito? Parang may kuryente sa mata nilang dalawa.
“Umm guys, punta nalang tayo sa library,” nakangiti kong sabi sa kanila.
“Huh? Pero magsisimula na—” Naputol ang sasabihin ni Elios ng agad ako sumabat.
“Hayaan mo na, babalewalain rin naman ng teacher.” Dahil kami ang dahilan kung bakit sikat itong school nila? Kaya nirerespeto nila kami.
Niyakap ko 'yong braso nila at hinila.
•••
Ng makapasok na kami sa library ay nakita ko si Cassius na nakatingin sa amin habang may hawak na libro.
“C-cassius?”
“Bakit kasama mo ang mga kapatid ko?” Hinila niya naman ako dahilan para mapalapit ako sa kanya. “Hindi ka dapat sumasama sa kanila. Nag iisa ka lang na babae. Paano kung may mangyaring masama sa'yo?”
“I'm not a bad person, Cassius. Dapat sa'yo siya lumayo, Baka ano pang gawin mo sa kanya?” nakangiting sabi ni Elios.
“You—”
“Chill Cassius, wala namang mangyayaring masama sa akin. Besides, maraming tao dito o.” Hinawakan naman ni Lyon ang kamay ko at hinila na niya ako papalayo sa kanila at nagsimula ng maglakad.
Sinundan naman kami ni Cassius at Elios at napahinto ako sa paglalakad ng makita ko si Dash.
“Dash.” Napatingin si Dash sa akin. Nakita ko rin si Forest, Cale, Azra.
Ngayon ko lang napansin na minsan lang sila magkakasama kaya mas maganda kung magkasama na sila ngayon. Hinila ko si Lyon at tumabi ako kay Dash. Syempre fiancé ko siya.
Hinawakan niya naman ang kamay ko at lahat ng kapatid niya ay nakatingin sa amin. Bakit parang nagmumukha akong playgirl nito?
“Umm.... P-paturo lang sana ako—”
“Mabuti pa sumama ka nalang sa akin, Guin. Alam mo naman na matalino ako,” nakangiting sabi sa akin ni Cassius.
BINABASA MO ANG
Gaining Love
Romance(Completed) Portia Abellana a girl who accidentally enters a game called 'Gaining Love'. Kailangan niyang mapaibig ang pitong lalaki sa kanya kung hindi ay mamamatay siya. At hindi na siya makakabalik sa totoong mundo niya. Kapag hindi pa rin nagka...