Teka? Paki explain nga 'to! Naguguluhan ako sa kanila eh.
“Umm guys—”
“Bitawan mo siya,” cold na sabi ni Dash.
“Pumunta ka na sa Saturn mo, siya naman talaga ang mahal mo, hindi ba? How dare you treat her like a trash?!” Woah! Ngayon ko lang nakitang galit si Zephyr. Infernes, mas lalo siyang gumwapo.
“Bumabawi na ako ngayon and she is my fiancée at hindi magbabago 'yon,” cold na saad sa kanya ni Dash.
“Kung hindi lang ako nahulog sa patibong niyo. Ako na dapat ang fiancé ngayon ni Guin.” Ha? Sumasakit ulo ko sa inyo! Bakit napunta ako sa usapan niyo?
Pinagkakaguluhan na kami ng mga tao at nakita kong alalang nakatingin sa amin si Saturn.
Feeling ko, pinag aagawan ako, char.
“Pero akin na siya. Alam na ng lahat na fiancée ko siya,” saad sa kanya ni Dash.
Zephyr chuckled. “Ano nalang kaya ang gagawin ni Guin? Kapag nalaman niya ang totoo? Siguro hindi ka niya mapapatawad.”
Nangunot ang noo ko sa kanyang sinabi. Anong totoo?
“Subukan mong sabihin sa kanya. Papatayin talaga kitang hayop ka! Baka makalimutan kong kambal tayo.” Namilog ang aking mata sa kanyang sinabi.
Akala ko ba patay na 'yong kambal niya?! Buhay pa pala! Luh! Umaandar 'yong pagka chismosa ko!
Zephyr giggled, “Matagal mo na akong kinalimutan, Dash. Hindi ko hahayaan na pati 'yong babae na dapat na nasa akin ay aagawin mo rin.”
Nagulat ako ng hinila niya ako papalayo kay Dash.
“Dash! Bibisitahin nalang kita mamaya! Make sure na nakahanda 'yong paborito kong pagkain?!” Bakit ba ang seryoso nila? Hindi ba pwedeng mag joke kahit sandali lang.
•••
“Z-zephyr, ang higpit ng pagkakahawak mo.” May galit ba sa akin ang bata na 'to?! Ang higpit ng pagkakahawak niya sa wrist ko. Feeling ko mapuputol na ito.
Huhuhu! Wag naman! Natigilan ako ng niyakap niya ako.
“Stop.... making me feel jealous. I can't bear it... It hurts, I think I'm going crazy.” Luh, gusto mo idala kita sa mental hospital? Baka lumala pa 'yan? Char.
“What are you talking about, Zephyr?” Kumalas ako sa pagkakayakap. At hinawakan ang noo niya. “Ayos ka lang ba?”
Ngumiti naman ito, “Let's go home, Guin.”
“May klasi pa ako. Mauna ka nalang.” Akmang aalis ako pero natigilan ako ng hinawakan niya ang wrist ko.
“Kung ayaw mong magwala ako dito, umuwi na tayo,” cold niyang sabi sa akin. Napalunok naman ako ng laway. Ewan ko, pero bigla akong natakot sa kanya.
“Sabi ko nga, uuwi na ako. Kukunin ko lang 'yong bag ko.” Napatingin ako sa wrist ko na hindi pa niya binibitawan. Wala ba siyang balak bitawan ako?
Binitawan naman niya ako at umalis na ako. Actually, wala akong balak na bumalik.
Duh! May exam pa ako! Kapag bumalik talaga ako ng grade 10?! Siya talaga ang ipapasok ko sa school.
BINABASA MO ANG
Gaining Love
Romance(Completed) Portia Abellana a girl who accidentally enters a game called 'Gaining Love'. Kailangan niyang mapaibig ang pitong lalaki sa kanya kung hindi ay mamamatay siya. At hindi na siya makakabalik sa totoong mundo niya. Kapag hindi pa rin nagka...