Nakikita niya sa peripheral vision niya na nanggaling ang boses na 'yon sa taong kagaya niya ay nakaupo sa gilid ng dalampasigan. Di niya alam kung kanina pa ba ito o kakaupo lang din dahil kanina pa siya lutang sa mga iniisip niya habang nakatingin sa papalubog na araw.
Alam niya na nakatingin ito sa kanya pero di man lang siya nag-aksaya ng oras para tingnan ito o kausapin.
"Nakakalibang talagang tingnan ang papalubog na araw lalo na kapag nandito ka sa tabing dagat nakaupo... It's mesmerizing." Sabi ulit nito pero di parin niya ito nililingon. Ayaw naman niyang mag-assume na siya ang kausap ng lalaking nasa gilid niya dahil alam niya sa sarili niyang walang nakakakilala sa kanya dito. At hindi niya rin ugaling makipag-usap sa taong di naman niya kilala maliban na lamang kung pasyente niya ito o di kaya ay may emergency o nag-aagaw-buhay at may nangangailangan ng tulong niya.
Nagpunta siya sa tahimik na lugar na ito para makahinga siya at makapagpahinga naman ang utak niya sa kaka-isip sa parents niya. At para na rin makapag-break na din sa stress sa trabaho niya. Hindi kasama sa plano niyang makipagkilala o makipagkwentuhan sa kung sinong lalaki na nagbabalak na kausapin siya o magpalipad-hangin Dahil unang-una ay hindi naman siya dumayo pa dito para makipag-kilala lang sa kung sino-sinong lalaki.
"I don't think it's a good idea to drink alone while sad and looking at the ocean. Specially, you're a lady. Many guys would think they can easily make friend with you or ask you for a drink."
Tila nainis siya sa sinabi ng lalaki dahil wala naman itong pakialam kung gusto man niyang uminom ng kahit ano o kahit saan mang gustuhin niya. It's her free will to decide whatever she wants to do. Hindi talaga mawala sa paligid ang mga taong mahilig makialam sa business ng iba, kagaya na lamang nang lalaking ito.
Pinili nalang niyang pigilin ang sarili niyang pandilatan at sagutin ito dahil sa pagiging pakialamero nito. She just ignore the guy who continue talking like he knows her, kaysa naman makipag-usap dito na di naman niya ugali. Malay ba niya na manyakis ito o kaya naman playboy na akala ay lahat ng babae ay easy to get at madadala sa mga palipad hangin nito.
"I know you are new in this island."
"And I also think, hindi maganda na umiinom ka ng mag-isa lalo na sa lugar na kagaya nito specially pababa na ang araw.."
Halos magpanting ang tenga niya sa narinig mula sa lalaking pakialamero na kanina pa niya gustong panlakihan ng mata kung di lang siya nagtitimpi. Ka-lalaking tao nito pero tinalo pa ang babae dahil sa pagiging madaldal at pakialamero.
"Well Mister. I also think na hindi ka dapat nakikialam sa kung ano mang gusto ko dahil di naman tayo close at imposibleng mangyari yun! Don't you think it's rude to give comment to people you don't even know?"
"Will you mind your own business? I can drink whatever i want and whenever i wanted to dahil sarili ko 'to at nasa tama naman akong edad at pag-iisip!" Doon na siya tumayo habang hawak parin ang kopita at wine na iniinom niya. Okay na sana ang lahat ng pag-eemote niya kung 'di lang dahil sa pakialamerong lalaki na binabasag ang araw na gusto niyang matapos ng tahimik at mag isa.
"I was just concern Miss."
"The are a lot of suicidal ladies that visiting this island..." Pagak pa itong tumawa na tila nagustuhan pa ata ang pagkainis niya.
Naubos na lalo lahat ng pagtitimpi na hawak ni Sandra dahil sa sinabi ng lalaki. 'Di niya akalain na suicidal na pala ang dating niya dito while ang gusto lamang naman niya ay uminom ng mag-isa habang nag-iisip at kinakalma ang sarili.
"Suicidal?! Who? Me?" Doon na niya hinarap ang bastos na lalaki na basta basta nalang siya kinausap dahil lang sa mukha daw siyang may balak na magsuicide.
Napataas pa ang kilay niya ng makita ang itsura nito na sa pakiramdam naman niya ay mas mukhang problemado pa sa kanya dahil sa mukha nito na 'di man lang nagawang mag-ahit base sa balbas nito. Malas lamang ng lalaki dahil pinaka-ayaw niya sa lalaki ang may balbas at bigote. Pakiramdam niya kasi ay madumi at dugyot tingnan kapag nakakakita siya ng mga lalaking hinahayaang tumubo ang balbas o bigote at kahit mahabang buhok ng mga ito.
Lalo lamang niya itong kina-inisan dahil sa pagtitig nito sa kanya na parang pinag-aaralan ang buong pagkatao niya. Kung makatitig kase ito sa kanya ay tila doktor din itong pinag-aaralan ang katawan ng sariling pasyente at binasa pati ang buong pagkatao niya.
Wala naman itong dapat ikatitig sa katawan niya dahil nakasuot naman siya ng above the knee na short at lose white tshirt. Mukha pa nga siyang nasa bahay lang dahil sa itsura niya. Matatanggap niyang titingnan siya nito ng malagkit kung naka-two piece siya o kaya naman ay bikini.
"Sa susunod Mister whoever you are wag kang makikialam sa business ng iba lalo na kung 'di mo naman kilala."
"Pakialamero!" Singhal pa niya na bahagyang ikinagulat nito. Inirapan niya na lang ang lalaki habang nagdadabog na naglalakad palayo rito. Ayaw niyang maubos ang pasensya niya at tuluyang uminit ang ulo niya sa walang kwentang lalaki kagaya na lamang ng bastos na 'yon.
"Wait Miss... It's not what you think it i---"
Naririnig pa niya ang boses nito habang palayo siya pero 'di na siya nag-abalang pakinggan 'yon at lingunin ito.
Di niya hahayaang masira ang dalawang araw na dapat ay pahinga at pag-re-relax niya dahil lang sa isang komento ng bastos na lalaking pakialamero.
Minabuti na lamang niyang bumalik sa resort at sa kwarto na lamang niya ituloy ang pag-inom ng wine kesa ma-buwisit lamang sa kung sino mang pakialamero at bastos na lalaki sa isla.
Akala pa naman niya ay matatapos ang dalawang araw niyang bakasyon ng wala siyang iisipin. Na sa dalawang araw ay mababawasan ang stress niya at mag-eenjoy siya sa wine na pinag-isipan pa niya ata ng limang beses bago bilhin.
Di na niya naubos ang kalahati ng wine na iniinom niya dahil sa bwisit niya kanina. Kaya naman ng makita niya sa wrist watch niya na pasado alas otso na ng gabi ay bumaba na lamang siya para maghanap ng pwede niyang kainan o kaya naman ay coffee shop para tambayan. Balak niya rin kaseng magbasa ng libro na dala niya habang nagpapalipas ng oras, maaga pa din naman kasi para matulog. Bago rin kadi siya pumunta sa isla ay bumili na siya ng libro para basahin sa byahe o kapag nagpapalipas-oras siya. Isa kase ito sa hilig niya kapag wala siyang ginagawa o pinapatay niya ang oras hanggang antukin.
Napangiti naman siya ng di pa siya nakakalayo ng resort ay natanaw niya ang isang coffee shop kung saan pwedeng naka-upo sa buhangin o kaya naman ay sa mga pillow habang nagkakape. Perfect para magbasa ng libro lalo na at may open area ito kung saan makikita mo ang kalangitan habang nag-i-star gazing dahil sa liwanag gawa ng mga bituin.
Nakangiting tinungo niya agad ito.
YOU ARE READING
The Doctor's One-Night Stand
Lãng mạnProfessional, intelligent and almost perfect for being passionate for her job as a doctor, that's Sandra Olivares. She is the best doctor that PPS Hospital has and envied because of her incomparable talent. She also have a great and loving family n...