SANDRA'S POV
"These are the files you are asking last week, Dr. Olivarez." Nakangiting inabot sa akin ni Dr. Lopez ng CT-scan department ang folder na hawak niya. Last week ko pa ito ni-request pero dahil buwan na rin ang nakaraan simula nang mai-release ito kaya naman natabunan na ng iba pang results sa opisina niya.
"Thank you, Dr. Lopez."
"Hopefully makita mo ang hinahanap mo sa files ni Mr. Ynares."
"Sana nga, hindi kasi talaga nagma-match ang ilan sa test results ko nitong mga nakaraan sa kanya. Pinag-aralan ko na lahat ng nakuha kong results pero may hinahanap pa rin akong data na kailangan ko para makapag-proceed sa next step." Ngumiti naman ito bago ako lumabas ng opisina niya.
Mr. Ynares is my patient who suffers from CAD or coronary arteries disease. Kaya kailangan kong pag-aralang mabuti lahat ng mga test result na hawak ko kasama na 'yong mga past results niya.
Naglakad na ako pabalik ng elevator dahil kailangan kong bumalik agad sa office ko para matapos ko na ayusin ang mga nakapatong doon'g folder na kailangan ko ring basahin bago pirmahan. Pagkatapos kong sumakay sa elevator at pindutin ang floor kung saan ako patungo ay matamang pinagmasdan ko ang lab results ni Mr. Ynares. Salitan ang tingin ko sa tablet at folder na naglalaman ng ibang test result ni Mr. Ynares.
Habang abala ako sa binabasa ko ay tumunog naman agad ang elevator senyales na kailangan ko nang bumaba. Tiningnan ko na muna ang wristwatch ko saka naglakad sa hallway at itinuloy ang pagbabasa ng mga papel na hawak ko. Kapwa kong tinitingnan ang tablet at papel na dala ko para malaman kung nagma-match ba lahat ng detalye dito. Muntik ko pang mabitawan ang tablet dahil sa hawak ko naman sa kabilang kamay ko ang mga papeles na kinuha ko kay Dr. Lopez.
"Hi,"
Napakunot ang noo ko nang marinig ang boses ng lalaking alam kong halos nasa harapan ko na.
My eyes widened when I came across the smiling bearded man who is smiling while staring at me. I winced to look at his mustache and beard that I loved to shave using my scalpel.
"Good morning, again Doctor---" mataman nitong tiningnan ang coat na suot ko para mabasa ang pangalan ko na ngayon naman ay natatabunan ng yakap-yakap kong tablet at folder. Napahigpit bigla ang pagkakakapit ko sa mga ito para hindi ko mabitawan.
"W--- what are you doing here? And how on earth did you f..." tila may sumabit sa lalamunan ko dahilan para mapatikhim ako at hindi matapos ang sasabihin ko. What is this guy doing in our hospital? At paano nito nalaman na nandito ako ng ganito kaaga.
Nahuli ko itong titig na titig lang sa akin habang nakangiti. Parehas kaming natahimik ng ilang segundo bago ako nagkaroon ng lakas ng loob na magsalita ulit.
"Why are you here?"
"I found you..." tanging sagot nito na abot hanggang tainga ang ngiti.
"So, you are a doctor here?" Muling tanong nito sa akin. Humihingi nang kumpirmasyon.
Nagtatakang tiningnan ko ito dahil sa hindi ko maintindihang sagot nito sa akin na malayo sa tanong ko sa kanya. Di ko napigilan ang pagkunot ng noo ko habang dina-digest ang huling sinabi nito.
Anong problema ng lalaking ito?
"Hm... Have you had breakfast yet? Alam ko na ilang oras lamang ang naitulog mo." Ipinasok nito ang isang kamay sa bulsa at prenteng sumandal pa sa gilid ng hallway.
Magsasalita na sana ako ulit nang napalingon kami parehas sa kakabukas lang na elevator na iniluwa ang dalawang nurse na nagku-kwentuhan habang naglalakad.
"Good morning, Dra. Olivarez." Magkasabay na bati ng dalawa habang nakangiti. Tumango lamang naman ako bilang sagot sa dalawa. Malamang ay pupuntahan nito ang opisina ni Ella dahil sa distribution ng kanya-kanyang duties ng mga ito.
Tila naman uminit ang pisngi ko ng nginitian din ng dalawa si J bago tumingin ulit sa akin na tila may kung anong ibig sabihin.
"Good morning ladies," abot tainga na ngiting sabi pa ni J sa mga ito. Wala namang ginawa ang dalawang nurses kung hindi ay tingnan kaming dalawa na alam kong may kahulugan sa kanila.
I feel like I'm having a chili-red cheeks especially when J come a bit closer and wink at me before he speaks again. "Can we talk properly? I just want to say something important to you, S." Pakiramdam ko ay sinasadya niya iyong iparinig sa dalawa.
Alam kong plano na nang hudyong ito na talagang iparinig ito sa dalawang nurses kaya naman kinikilig na umalis agad ang dalawa. Sinamaan ko lamang naman ng tingin si J na ikina-halakhak pa ng mokong.
"What is your problem? What do you want?!" Pinanlakihan ko ito ng mata. Magsasalita pa sana ako ng muling tumunog ang elevator at iniluwa nito ang mga co-doctors ko na papasok pa lamang sa kanya-kanyang opisina.
"I'm just here to ret---" Hindi ko na pinatapos pa sa pagsasalita si J dahil agad ko na itong hinila papasok ng opisina ko.
Ayokong makita ng mga kasama ko ito dahil alam kong magiging laman ako ng balita sa buong ospital. Never pa kasi akong nagkaroon ng bisitang lalaki na pupuntahan ako ng alas nuwebe ng umaga maliban na lamang sa Daddy ko o kaya ay dalawang kuya ko. Nakita ko pa ang nakakalokong pag-ngiti nito kahit na may nakita akong bakas ng pagtataka sa mga mata nito.
"Hey! Relax. What's that for?" tanong nito agad pagka-pasok namin ng opisina ko.
"N... nothing. What are you doing here?" I'm trying to be calm and lower my voice even when I feel that my heart's beating so fast for some inexplicable reason.
"How did you know I was working here?"
"I brought you a coffee. Can I atleast sit?" Hindi na nito hinintay ang sagot ko dahil agad nitong tinungo ang upuan sa harap ng table ko.
Halos nanlaki naman ang mata ko ng makita ko na titig na titig ito sa glass desk name plate ko na pinadaanan pa nito ng mga daliri niya habang binabasa ang nakalagay roon.
"Dra. Lessandra Oliv---" mabilis kong kinuha iyon at pataob na ipinatong sa nakapatas na medical books sa gilid ng table ko.
"You're a doctor." he smiled at me.
"Obviously. So, can I ask what do you want and why are you here?" Kung pwede ko lamang itong ipagtulakan palabas ay ginawa ko na.
"You forgot something in my unit." Ipinatong nito sa table ko ang kanina pang hawak nito na paper bag. Nagtatakang tiningnan ko ito dahil wala naman akong maisip na naiwan sa condo niya kanina bago umalis.
"A coffee?" napataas ang kilay ko sa nakitang laman ng paperbag na ibinigay nito. Ngumiti ito ng pagkatamis-tamis na tila natuwa pa sa ekspresyon ng mukha ko.
"Oh..." May hinugot ito sa bulsa saka inabot sa akin. "Baka matapunan ng coffee kaya nailagay ko nga pala sa bulsa nang slacks ko.
Agad kong kinuha sa kamay nito ang cell phone ko. Baliw ka talaga Lessandra, pati cell phone ay hindi mo man lang naalala na nawawala pala.
Napatikhim lang ako saka ibinalik ang tingin sa kanya. "Thank you."
Inilagay ko saglit ang cell phone ko sa drawer saka binalingan ko ulit siya. "You may leave. I'm busy today."
"That's all?"
"What do you mean, that's all?"
"Hmmm... I'm hungry." Wika nito na natawa pa habang naka-upo. Narinig ko ang pagtunog ng tiyan nito na dahilan para muling tingnan ko ito.
"Then, you should go. There are a lot of retaurants ouside this hospital that offers breakfast." Kinuha ko na ulit ang folder na bitbit ko kanina at masuyong tiningnan iyon. I have to make myself busy para mapilitan na itong umalis kapag nakita nito na tila nakaka-abala na siya.
"Let's have a breakfast together." Nakapangalumbaba habang titig na titig sa akin na yaya nito.
YOU ARE READING
The Doctor's One-Night Stand
RomansaProfessional, intelligent and almost perfect for being passionate for her job as a doctor, that's Sandra Olivares. She is the best doctor that PPS Hospital has and envied because of her incomparable talent. She also have a great and loving family n...