Chapter 29

118 2 0
                                    

Lulan sina Sandra at Jann ng Ford Everest na sasakyan ng binata habang binabaybay ang daan ng Alabang. Papunta sila ngayon ng Batangas kung saan may family outing ang pamilya ng dalaga.

Noong una ay ayaw talaga niyang magpunta ng Batangas lalo na at kasama ang lalaki pero wala na rin siyang nagawa ng tawagan siya ng kanyang Mommy Josephine at sinabing magkita kita na lamang sila doon. Na ini-expect na sila parehas ng kanyang mga kapatid. At kapag hindi siya pumunta ay ayos lang daw naman na si Jann na lang ang tumuloy. Alam naman niya na sinabi din iyon ng kanyang Daddy dahil alam nitong hindi rin siya papayag.

Ayaw din naman niyang hayaang si Jann lamang ang pumunta doon at wala siya. Siguradong gigisahin ito ng buhay ng kanyang mga kapatid. Kinausap na rin naman niya ito na 'wag nang tumuloy pero hindi ito nagpapigil sa kanya.

Sinabi pa nitong kesyo nangako na daw ito sa parents niya na pupunta silang dalawa kaya naman wala na rin siyang choice kung hindi ay sumakay sa sasakyan nito. Wala rin kasi siya sa mood magmaneho lalo na at medyo malayo ang Batangas. Mabigat din kasi ang mga pilik niya at pakiramdam niya ay makakatulog na lamang siya bigla kahit pigilin niya. At alam niya ang dahila niyon.

Dahil iyon sa batang unti-unti nang nabubuo sa sinapupunan niya.

"Are you okay?" Natauhan siya sa boses ni Jann na nilingon pa siya sa likod. Sinabi nito na sa harap na lamang siya umupo dahil mukha daw siyang driver pero hindi siya nakinig. Naiimbyerna siya sa mukha ng lalaki. Hindi niya alam pero pakiramdam niya ay naiinis siya kada nakikita niya ito.

"Will you just look in the road and focus in driving at 'wag mo akong kausapin. Hindi maganda ang gising ko."

"Sabi ko nga... tinatanong lang naman eh." tanging naisagot na lamang nito na kumamot pa sa ulo.

"Wala kang mukukuhang matinong sagot sa akin. Kung ba't ka pa kasi pumayag na yayain ka sa trip ng mga magulang ko, eh!" Inirapan pa niya ang lalaki.

"Because I want to know you more... Kasama na doon ang pamilya mo."

"For what? Why?" Tanong niya na hindi man lang ito tiningnan.

"Dahil nga gusto kitang mas makilala pa."

"Of course, that's your answer." Walang ganang sabat niya dito.

"Bakit ba napaka-sungit mo? "

"Eh ano naman sa 'yo?"

"Masungit ka na naman noong una pa, pero parang naging times four ata ngayong araw na 'to."

Sa halip na sagutin ay inirapan niya lang ito.

Nang hindi na siya sumagot ay tumahimik na rin ito at nagfocus na lamang sa pagmamaneho. Pero ilang minuto lang din ang nakalipas at muli na naman itong nagsalita.

"I'm going to court you, Sandra. Either you like it or not or stop me, I don't care."

"Are you asking my permission or are you threatening me?"

"Both." Tumingin ito sa salamin para silipin siya.

"I'm saying it for you to know and for you to keep it in your mind that I won't give up easily until I get what I want."

"Ohhh, really Mr. De Vaux? Let's see..." sagot niya dito.

"So, payag ka na na ligawan kita?" Bakas sa mukha nito ang katuwaan at ang malawak na ngiti nito.

"Tingnan natin kung tatagal ka."

"I'm not threatened, love." Iginalaw pa nito ang kilay nang magtama ang kanilang mata sa salamin.

"Stop calling me that!" Naiinis na sabi ni Sandra dito.

"You wish."

"W-what did you just say?" Tila kumukulo talaga ang dugo niya dito.

The Doctor's One-Night StandWhere stories live. Discover now