Kasalukuyang lulan ng taxi si Sandra papunta sa bahay nila.
Huling araw na nang leave niya at plano na sana niyang gugulin na lamang ang sarili sa panonood at pagtulog sa unit ng matalik na kaibigang si Ella.
Inuutusan na lamang niya itong kumuha ng gamit sa unit niya kapag kailangan niya. Naiintindihan naman siya ng kaibigan kaya naman sumunod na lamang ito.
Kumakain siya kanina ng pineapple na galing pa sa Pangasinan na pasalubong ng boyfriend ni Ella. Lagi kasing ito ang inuungot niya sa kaibigan kaya kahit unay na umay na itong panoorin siyang nilalantakan araw araw ang pinya ay okay lamang dito.
Hindi pa siya tapos kainin ang pinyang siya rin ang nagbalat nang makatanggap siya ng tawag galing sa Kuya Walter niya. Hindi pa sana niya iyon sasagutin pero nagtaka na rin siya nang halos sampung beses itong tumawag at sunod-sunod ang text nito na may emergency daw sa bahay nila.
Pinakuha na rin kasi niya sa kaibigan ang cell phone niya dahil baka nga naman may ilang importante siyang mensahe o tawag galing sa opisina. Hindi niya rin mabilang ang text at tawag ng mga kung sinong numero na alam naman niyang si Jann.
Hindi ito tumigil na kulitin siya simula nang buhayin niya ang cell phone niya, ngunit ni wala kahit isa mang tawag o text nito ang binasa o sinagot niya.
Mas minabuti na kang niyang huwag nang kausapin pa si Jann at iwasan na lamang. Na hindi na niya haharapin pa ang binata at pinilit tanggapin na hindi na sila magkakaayos pa. Ayaw rin naman niya ng kumplikasyon kahit ilang beses din siyang kinausap ng matalik na kaibigan na si Ella na kausapin ito.
Para sa kanya ay hindi na rin kailangan pang malaman ni Jann na buntis siya at ito ang ama. Gagawa na lang siya nang paraan at isa ang pag-alis papuntang Australia sa mga planong iyon.
She needs to get away. Bahala na si batman basta ang mahalaga ay makaalis na muna siya ng Pilipinas. Tanging ang matalik na kaibigan lang na si Ella ang nakakaalam noon.
Habang lulan ng taxi papunta sa bahay nila ay sobra ang pag-aalalang nararamdaman ni Sandra. Hindi na rin niya natanong pa ang kapatid kung ano ang emergency pero dahil sa sobrang pag-aalala ay muntik na niyang liparin ang pauwi ng bahay nila.
Pagkababa na pagkababa ng taxi ay mabilis siyang pumasok sa bahay nila. Nagtatakang nagpalingon lingon siya dahil wala siyanh makitang tao sa paligid kaya naman mabilis na tinungo niya ang kitchen at dining area. Pati yata kwarto ay pinuntahan na niya pero wala ni isang tao.
Nagmamadaling nagpunta siya sa pool area ng bahay nila dahil ito na lang ang hindi pa niya napupuntahan nang bumungad sa kanya pagkapasoj ng pool area ang nakaluhod na si Jann.
He was holding a ring on his hands.
Natulala siya habang nakatingin sa binata. Tila natriple pa yata ang kaba na kanina ay nararamdaman niya nang tumawag ang kapatid at sabihin na may emergency daw sa bahay nila.
"W-what are you doing Jan?" nauutal na tanong ni Sandra. Nalilito.
Puno ng tanong at pagkagulat ang isip na nilingon ang paligid. She saw her parents, her brothers and her niece. Napamulagat pa siya nang makitang nakangiting kunakaway si Ella na prenteng nakaupo sa silya at nanunood sa kanila.
Akala niya ay iyon lang pero buong pagtataka niyang tiningnan ng maiigi ang mag-asawang nasa bandang kaliwa at magkayakap habang nakatingin din sa kanilang dalawa.
"T-that's Mr. & Mrs---"
"Paul Jann Embarcadero Sr." dugtong ni Jann.
"W-what are they doing here?" Mahinang tanong niya na nag-aalinlangan pang napalingon sa binata.
YOU ARE READING
The Doctor's One-Night Stand
RomanceProfessional, intelligent and almost perfect for being passionate for her job as a doctor, that's Sandra Olivares. She is the best doctor that PPS Hospital has and envied because of her incomparable talent. She also have a great and loving family n...