Chapter 31

125 1 0
                                    

Sandra is wearing her black two piece swimsuit. Naisip niyang patungan na lamang iyon ng isang white tshirt. Kasalukuyan niyang hinahanap ang white tshirt sa bag na dala dala niya nang pumasok naman si Jann na dala ang bag nito.

"What are you doing here?"

Natigilan si Jann ng makita si Sandra. Pakiramdam niya ay nahipan siya ng masamang hangin at hindi maalis ang mata niyang naka-glue na ata sa katawan ni Sandra.

Sino ba naman ang hindi matutulala kapag nakakita ng isang doktor na madalas ay naka-coat at balot ang buong katawan, at bigla mong makikita na naka two piece na lamang.

Lalong tumingkad ang kasexy-han nito at lalong pumuti ang kuminis ang balat nito dahil sa kulay itim nitong bikini. Pakiramdam niya ay sinisilaban ang buong katawan niya. Hindi dahil sa ininom niya kaninang black labeled drink na iniinom nila ng mga kapatid ni Sandra kung hindi ay dahil sa tanawing hindi niya napaghandaang makita ngayon.

"Hey! Ang sabi ko, what are you doing here?"

Tila natauhan siya sa boses ni Sandra habang magkasalubong ang kilay nito na lalo namang maganda sa paningin niya.

"T-this is our room, right? Dito ako itinuro ng Mommy mo, dahil occupied na daw ang iba. So, I guess we'll be sleeping in the same room."

"W-what?"

Pilit umiwas ng tingin si Jann. Kapag hindi niya iyon ginawa ay baka hilahin niya ito agad sa kama at paliguan ng halik.

"I'm sleeping here with you. Diyan ka sa kama. Dito ako sa baba, don't worry." Nagkunwaring abala siya habang inaayos ang gamit.

This lady is such a temptress.

"G-good." Tanging naisagot na lamang ni Sandra.

Kailangan niyang umalis agad sa kwartong iyon dahil hindi niya matatagalan na kasama ang dalaga na ganoon ang itsura nito. Ilang pulgada na lamang ng pagtitimpi ang kaya niya dahil habang tumatagal siya sa kwarto na iyon at nakikita niya si Sandra ay baka hindi na niya macontrol pa ang sarili.

He would grab and kiss her. Wala siyang pakialam kung bigyan pa siya nito ng sampong bukol sa mukha.

Aalis na sana siya nang muling magsalita si Sandra.

"D-do you have an extra white shirt? I don't think may nadala akong extra shirts. Masyado ka kasing nagmamadali kanina. Uhmm, ipapatong ko lang sa suot ko."

Tila napako siya sa kinatatayuan niya.

"Y-yeah. I have. Wait." Hindi na lang niya tiningnan ang dalaga. Pinuntahan niya ang bag na dala na ibinaba na kang niya sa kama at binuksan iyon.

Don't look at her, Jann. Bulong ng bahagi ng kanyang utak.

"Here. Use this. I always bring extra shirts, mabilis kasi akong pagpawisan."

"T-thanks." Sabi ni Sandra ng abutin iyon.

"O-okay, I'm going. Baka hinahanap na nila ako." Paalam niya sa dalaga.

"Wait! Can you put some moisturizing cream on me first?"

Nagsalubong ang kanyang kilay. Tama ba ang kanyang narinig? Is it really Doctor Lessandra Olivarez, ang mataray na doktor na lagi siyang sinasalubong ng nakakamatay na tingin ang nagsabi na gusto nitong magpalagay ng moisturizing cream sa balat?

Tama ba ang kanyang narinig o dahil lamang iyon sa ininom niya kanina at sa init na nararamdaman niya ngayon dahil sa doktor na ito.

"M-me?"

"May iba oa bang tao dito na hindi ko nakikita maliban sa 'yo? H-hindi ko kasi abot ang likod ko." Sunod na sabi nito.

"S-sure." He cleared his throat.

The Doctor's One-Night StandWhere stories live. Discover now