Chapter 43

130 2 0
                                    

Nang dumating si Lessandra sa mansiyon ng mga Embarcadero ay ipinakilala siya ng mag-asawa sa ilang malalapit na kaibigan nito pati na rin sa ilang kamag-anak ng mga ito na mabibilang din sa daliri.

Halos parehas lang ang narinig niyang pagbati sa kanya ng mga bisita at naroroon.

Na napakaganda niya at kahit sino mang tanungin ay hindi aakalain na bente nuwebe na ang edad niya. Na napakaganda niyang doktor at sinabi pa ng pinsan ni Mrs. Embarcadero na si Pauliee na dapat ay nasa mundo daw siya ng modeling o beauty pageant kaysa sa ospital.

Pinili niyang isuot ang isang black na off shoulder high slit na dress na iniregalo pa sa kanya ng matalik na kaibigang si Ellaiza. Sanay naman siyang magpunta sa mga celebrations dahil na rin sa propesyon niya kaya hindi na rin siya nahirapan na maghanap ng isusuot.

At dahil ipinakilala siya ng mag-asawang Embarcadero na malapit na kaibigan at siyang personal doctor ay naging maayos at magaan naman ang pakikitungo ng lahat sa kanya.

Katunayan ay may kaibigan pa ito na nagsabi na ipapakilala daw si Sandra aa dalawang anak nitong lalaki na kapwa businessman at wala pa ring asawa. Natawa na lamang siya nang marinig iyon.

Hindi na rin siya nagbukas pa ng kahit anong topic patungkol sa pribadong buhay niya kagaya nang kung may boyfriend na ba siya o kung ano pa man. Kapag siya ay tinatanong ng nga ito kung available pa siya ay tanging iling lamang ang sagot niya at matamis na ngiti.

Malawak ang garden ng mga Embarcadero kung saan ginanap ang simpleng pagtitipon. Mababasa sa paligig ang kakaibang disenyo at mamahaling mga gamit na alam niyang may presyo. Kilala rin kasi ang mga Embarcadero dahil sa  naglalakihang mall at businesses na pagmamay ari ng mga ito.

Narinig niya sa speech ni Mr. Paul Embarcadero na may isang anak ang mga ito at parating na rin naman galing daw sa business trip nito. Tanging ang anak lang ng mga ito ang nag-aasikaso ng lahat at ayaw na rin daw nitong nagtatrabaho ang mga magulang.

Dahil doon ay marami ang humanga sa anak nito.

Naisip rin ni Sandra na siguro ay mahirap din ang posisyon ng anak ng nga ito dahil sa kaakibat na obligasyong ito lamang ang gumagawa ngayon lalo na at may edad na ang mag-asawa.

Dahil ayaw na rin naman ni Sandra na tumagal pa doon ay nagdesisyon siyang uuwi na rin siya bago mag alas-nuwebe. Nakailang hikab na rin siya na pinipigilan lang niya dahil nahihiya naman siya sa mag-asawa.

Nagpaalam din naman siya ng maayos kay Mrs. Dianna Embarcadero at hindi na rin naman siya pinigilan pa. Naiintindihan daw nito na pagod rin siya sa ospital kanina at masaya na ito na kahit papaano ay talagang gianwan niya ng paraan para mapaunlakan ang paanyaya ng mag-asawa.

"Sayang, Hija. Natraffic ata si PJ, gusto ko ring makilala mo siya." Tukoy nito sa nag-iisang anak nito.

"It's okay, Tita Dianna. Siguro po naman ay makakasalubong ko iyon o makikitang kasama niyo once dumaan po kayo ng ospital." Nakangiting turan niya dito.

"I don't think that would be possible. My son hates going on hospitals. Ayaw niya ng amoy ng dugo." Nakangiwing kwento nito.

"Bakit naman po Tita? Did something happened before that caused the trauma? " nakaramdam siya ng awa sa anak nito.

Ikinwento ng Ginang na noong kolehiyo daw ito ay kasama ito sa kotse ng asawang si Paul ng tambangan sila at balaking kidnapin ang nag-iisang anak.  Dahil daw sa nabasag na salamin at pagyakap ng ama nito para protektahan ay nasugatan ang braso ng ama nito dahilan para kumalat ang dugo sa mukha mismo ni PJ at inakalang napaano ang ama.

Simula daw noon ay tila nagkaroon ito ng takot na makakita ng dugo. Pero sa ngayon naman daw ay bahagya nang nawala ang takot na iyon.

Hindi pa tapos ang kwentuhan nila nang makaramdam naman si Sandra nang pagbigat ng pantog. Kaya naman nagpaalam siya sa Ginang.

"Mrs. Dianna, excuse lang po saglit. Kailangan ko lang gumamit ng rest room."

Itinuro naman siya ng Ginang sa kanang bahagi ng hardin. May visitors lounge daw doon at may napakalaking restroom.

Pagkatapos magpaalam ay tinungo niya rin iyon agad dahil ayaw niya sa lahat ang pinipigil niya ang pakiramdam na naiihi. Matapos gamitin ang banyo at ayusin ang sarili sa salamin ay nag-isip na rin siya ng sasabihin sa mag-asawa oara makapagpaalam. Pakiramdam din kasi niya ay napakabigat ng talukap niya at gusto na niyang humiga.

Kakalabas niya lamang ng rest room at kasalukuyang hinahagilap ng mata ang alinman sa mag-asawa nang hindi sinasadyang napapatingin siya sa bandang kanan. May maliit na table doon kung saan nakaramdam ng bahagyang kaba si Sandra nang makita ang nakaupo doon.

Tinitingan niya ng maigi ang mukha ng lalaki na nakaupo katabi ang isang maganda ring babae. Masayang nag-uusap ang dalawa at makikita ang pagiging sweet nito sa isa't-isa base sa paghawak ng lalaki sa mga kamay nitong nakapatong sa lamesa.

Tila nagdilim ang paligid ni Sandra. Lalong lumakas ang tibok ng dibdib niya habang tumatagal na nakatitig siya sa lalaki. At halos nanlambot ang tuhod niya nang makitang niyakap nito ang babae habang hinahaplos ang likuran.

Hindi siya pwedeng magkamali. Malinaw na malinaw ang mata niya at alam niyang ang lalaking iyon ay walang iba kung hindi ang kanyang boyfriend, Si Jann.

Nag-urong sulong ang kanyang mga paa dahil sa pag-aalinlangan kung lalapitan ba ito o kaya naman ay hindi.

This is not her house, not her party. At ayaw niyang gumawa ng eskandalo at mapahiya sa harap ng tao.

She composed herself. Pinilit niyang tatagan ang nga tuhod na kanina'y nanginginig dahil sa galit at nararandamang selos.

Kaya pala hindi na niya nakita pa si Jann. Kaya hindi na nito nagawang magparamdam ay dahil may iba na naman itong babaeng hinaharot.

Wala na siyang pakialam pang alamin kung bakit ñandito ito sa bahay ng mga Embarcadero. Kung ano ang ginagawa nito dito, marahil ay business partner o kaya naman ay kaibigan ng sino man sa nandoon.

She doesn't care anynore. Sarado na ang kanyang utak. Tama na ang nakita niya.

Isa lang ang ibig sabihin noon. Sinayang lang ni Jann ang tiwalang ibinigay niya dito.

Matapos niyang huminga ng malalim at pigilin ang luhang malapit nang pumatak ay naglakad siya sa harapan ng mga ito. Wala siyang dapat ikahiya.

Ang tanging gusto niya lamang ay malapagpaalam sa mag-asawang pasyente niya at mabilis na makaalis sa lugar na iyon.

Nang nasa tapat na siya halos ng mesa kung nasaan si Jann at ang babaeng kasama nito ay halos maupos sa pagkakaupo si Jann nang hindi sinasadyang makita siya. Natigilan ang lalaki habang nakatitig sa kanya. Tila nagtataka. Sinisigurado kung tama ba ang nakikita niya.

Hindi niya ito tinapunan ng kahit anong tingin.

Dumiretso agad siya sa kinatatayuan ng mag-asawang masayang nag-uusap dahil talagang gusto na niyang biglang maglaho sa lugar na iyon.

"Hija, have you seen what you are looking for?" Tanong sa kanya ng ginang na ngumiti ng matamis sa kanya.

"Y-yes, Tita. Uhm... I-I need to go. May bigla lamang pong emergency sa hospital." Pagsisinungaling niya. Paano nga naman niya masasabi iyon kung iniwan niya ang cell phone niya sa unit niya.

"Gustuhin man naming makasama ka pa ng matagal at para na rin mag-abot kayo ng anak naming si PJ, that's more important..."

"Thank you Mr. & Mrs. Embarcadero." Pilit niyang ipinapakita ang malawak na pagkakangiti kahit gustong gusto na niyang umiyak.

Pagkatapos yumakap sa kanya ng Ginang at makapagpaalaman ng maayos ay mabilis na siyang umalis.

Nang tawagin ni Paul ang personal driver nito agad-agad at sinabing kailangan na niyang makaalis ay agad din naman itong tumalima kaya mabilis din siyang nakaalis sa lugar.

Habang nasa kalsada sila ay sinabi niya sa driver kung saan siya magpapababa. Kailangan niyang ilabas lahat ng luhang kanina pa niya pinipilit na pigilin.

The Doctor's One-Night StandWhere stories live. Discover now