Chapter 36

115 1 0
                                    

"Open it for me, please?" Nakangiting pakiusap ni Sandra sa binata. Nasa resort na sila at kasalukuyang nasa kitchen ng resort dahil kanina pa siya inuutusan ng dalagang balatan ang pinya na hindi naman niya alam kung paano.

Alas singko na ng umaga at malapit na rin lumiwanag.

"Sige na, last favor na 'yan."

"I really don't know how to peel this. Sure ka ba na gusto mong kumain ngayon?" Nangingiwing sabi ni Jann.

"Sige na, love, please?" Nagpapacute na lambing nito ma ikinangiti ni Jann. Ito kasi ang unang beses na tinawag siya nito sa ganoong endearment.

"Okay, basta ikaw." Nakangiting sabi niya sa dalaga.

Hindi man alam kung paano ito balatan ay kinuha nito ang pinya at inumpisahang tanggalin ang balat.

"Inuubos mo naman ang laman, eh!" Salubong ang kilay na sita nito sa binata.

"'Di ko kasi talaga alam paano balatan 'to. Wait."

Naiinis man ay bahagya na ring natawa si Sandra sa ginagawa ni Jann. Kahit hindi nito alam ang ginagawa ay sinunod pa rin siya nito para lamang maging masaya siya at makakain na.

Nang matapos balatan at hiwain bago ilagay sa plato ay nilantakan naman ito ni Sandra. Hindi maipinta ni Jann ang sariling mukha habang nakatingin sa dalaga habang kumakain. Isa kasi ito sa prutas na ayaw niya. Simula pagkabata ay hindi siya nito kumakain dahil weird ito sa panlasa niya.

''Ayaw mo na?" Nagtatakang tanong niya nang makitang inilalagay na nito ang tirang prutas sa ref. Isang piraso lamang ata ang nakain nito.

"Busog na ako, I feel sleepy."

''A-ano?! Agad-agad? P-pinaghirapan nating hanapin ang pinya na 'yan sa kung saang sulok ng Batangas at hindi ako magkaintindihang balatan 'yan tapos isang piraso ang lang kinain mo?"

"Parang tinikman mo lang 'yon, ah?"

"I'll eat it again tomorrow. Let's sleep."

Bago pa siya makasagot ay nauna na itong naglakad pabalik ng kwarto nila. Iniwan na siya na tila walang nangyari.

Hindi makapaniwalang sumunod na lamang siya sa dalaga dahil inaantok pa rin naman siya kagaya nito.

Pagkatapos maglinis ng mukha at ayusin ang sarili ay mahihiga na sana siya sa sahig kung saan may nakalatag pa ring foam nang biglang magsalita si Sandra. "Ayaw mo na bang tumabi sa akin?"

Pakiramdam ni Jann ay nabuhay lahat ng dugo niya at napatalon sa saya ang puso niya dahil sa narinig.

"Of course, gusto ko! Gustong-gusto!" Nakangiting sagot niya na mabilis pa sa alas-kwatro na pumanhik sa kama.

"Just don't get too close."

"Yes, Doc." Mabilis na sagot niya dito.

Kahit hindi man niya mayayakap ang dalaga ay masaya na siyang sa iisang kama lamang sila matutulog.

Masaya na siya doon.

"Good night, love." Nakangiting sabi niya.

"G-good morning."

"Yeah. Good morning."

Hindi na sila parehas umimik. Nagpapakiramdaman. Alam ni Jann na hindi pa tuluyang natutulog ang dalaga base sa hinga nito at minsanang pag galaw.

"Love..." mahinang tawag niya dito.

"What..." tugon naman nito.

"Let's be a couple." Pagkatapos sabihin ay pigil ang hiningang nakinig si Jann sa magiging sagot nito.

The Doctor's One-Night StandWhere stories live. Discover now