Chapter 40

130 1 0
                                    

Marami nang changes na nangyayari sa katawan si Sandra. Kasama na rin ang mood swings niya na kahit siya ay hindi na rin maintindihan ang sarili.

Naging maayos naman ang nagsisimulang relasyon nila ni Jann. Hindi pa man nito naikukwento ang tungkol sa buong pagkatao nito at sa pamilya nito ay hindi na niya gaanong iniisip iyon.

Ang mahala ay masaya sila at nararamdaman naman niya na mahal siya nito. Masyado pa rin namang maaga at angsisimula pa lamang sila sa relasyon.

Alam niya na kapag handa na itong magkwento ay ito mismo ang magsasabi sa kanya at ipapakilala din siya sa pamilya nito.

Katatapos lamang niya magshower at kasalukuyang nag-aayos ng susuutin kinabukasan nang marinig niya ang doorbell.

Inisip niya na baka si Ella dahil tinawagan niya ito at sinabing kapag pwede ay daanan siya at ibili siya nang mangga dahil talagang naglalaway siya. Nasa stage kasi siya ng paglilihi kaya nagiging weird ang panlasa niya.

"J-Jann?" Nabungaran niya ang boyfriend na malawak ang pagkakangiti sa kanya.

"Hi, love." Hahalik sana ito nang namewang siya sa harapan nito.

"Hindi sa lahat ng oras na trip mo ay pwede kang sumugod dito sa condo ko. At isa pa, napakabaho mo! Saan ka na naman nanggaling?"

"Wala ba akong kiss?" Sa halip ay lambing nito.

Namumula ang buong mukha nito pati ang tainga at naaamoy niya dito ang alak na ininom nito.

"I told you to fetch me after work dahil pagod na akong magdrive, tapos pupuntahan mo ako dito ng ganitong oras at lasing ka pa?"

"Sa palagay mo ba matutuwa ako?" Kung pwede lamang niya itong hampasin ng walis para mahimasmasan ay ginawa na niya.

"Sorry, love..." ngumiti pa ito at sumandal sa gilid ng pintuan.

"And how did you even drive eh mukhang hindi ka na nga makalakad ng maayos?"

"It's..."

"Hi, bunso." Nagsalubong ang mga kilay ni Sandra ng biglang sumulpot ang Kuya Gian niya na naka-office attire pa at halatang kagagaling lang ng trabaho.

"Patulugin mo na 'yan. Nilasing na naman ni Daddy at Kuya Walter."

"Here, nasa kotse niya 'yong bag niya. I'm sure may damit siya doon. Kunin mo na lang."

"W-what? Ano ba naman 'to Kuya Gian! Mukha ba akong taga alaga ng lasing? Saka bakit niyo naman hinayaang malasing ito ng sobra?"

Nakaramdam ng inis si Sandra sa kapatid pati na rin sa kanyang ama. "Kaya pala kanina pa ako hintay ng hintay sa ospital ng sundo, paano pa ako nito masusundo kung nilunod niyo sa alak!"

"Don't get mad, love..." mahinang saway ni Jann. "I'm fine..."

"Fine? Papaano mo pa nasasabi 'yan? Tingnan mo nga ang sarili mo sa salamin. Kuya?!"

"I don't know, okay? Malay ko ba na umiinom sila or what. Nasa office ako kanina. Tinawagan na lang ako ni Mommy na lasing nga daw sila ni Kuya kaya ihatid ko daw."

"Tulog siya buong byahe sa sobrang kalasingan kaya 'di ko matanong kung saan ko ba ihahatid. Kaya naman dito ko nakang dinala. Boyfriend mo naman 'yan kaya 'wag ka nang mag-inarte."

"Sige na, baka hanapin na ako ng Ate Jessie mo." Mabilis itong humalik sa pisngi niya.

"Here, susi nga pala. Magta-taxi na lang ako."

"B-but..."

"I need to go. Ikaw na bahala diyan kay Jann. Patulugin mo na lang muna bago pauwiin. Baka mapano pa siya."

The Doctor's One-Night StandWhere stories live. Discover now