"What do you mean?"
Inubos muna nito ang hawak na kape bago nagsalita. "I mean, what happened to you and what are you doing in the road in the middle of the night?"
Nakatitig lamang siya dito habang nag-iisip ng sasabihin.
"Mabuti na lamang at napadaan ako. My plane landed that's why I'm in that area."
"Next time, 'wag ka nang magda-drive ng ganoong oras. Hindi mo alam ang takbo ng isip ng mga taong nasa paligid mo. Paano na lamang kung hindi ako napadaan 'don." Tuloy-tuloy na sabi ni Jann habang seryosong nakatingin sa kanya.
"Nagtaon lang naman na nasiraan ako sa area na 'yon. But, T-thank you J. Galing kasi ako sa trabaho. Nagkayayaan lang kami ng bestfriend ko..." Hindi niya alam kung bakit siya nagpapaliwanag dito.
"A boy or a girl?"
Halos maibuga niya ang kape na iniinom niya. Ano ba ang pakialam nito kung babae o lalaki ang bestfriend niya.
Nang tingnan naman niya ito ay nahuli niya itong nakatitig lang sa kanya.
"Thank you for the help and the coffee J but I really need to go, may pasok pa ako sa trabaho mamaya." Tatayo na sana siya ng magsalita ito ulit.
"Just tell me if your bestfriend is a 'he' or a 'she'."
Sinalubong niya ang mga titig nito na hanggang ngayon ay nakatuon parin sa kanya. "So what if my bestfriend is a boy or a girl? What is it to you?"
Hindi ito sumagot sa sinabi niya. Tahimik lamang itong pinapanood siya habang inaayos ang mga gamit niya.
"Iniiwasan mo ba ako?"
"I told you, I need to go. May pasok pa ako sa trabaho bukas."
"Stay a litle bit S, let's talk." Hindi naman niya pinansin ang muling pagsalita nito dahil para sa kanya ay wala naman silang dapat pag-usapan pa. Ang tanging gusto lamang niya ngayon ay kumaripas nang takbo at lumayo sa lalaking ito.
"Until now, you are not giving me even your first name. I don't even know what to call you or where to find you."
"I don't think we really need to know each others real name J, we are just going to complicate things."
Rinig na rinig niya ang pagpakawala nito ng hangin pagkatapos niyang magsalita. "Then atleast answer this, why did you leave without waking me up that morning, S?"
Tila napako siya sa kinatatayuan niya nang marinig ang sinabi nito. Pakiramdam niya ay nahihirapan siyang huminga dahil sa malakas na pagkabog ng dibdib niya.
Nagpakawala siya ng isang malakas na buntong-hininga bago hinarap ang lalaki. "What do you want to hear from me? Na sabihin ko na 'Oy salamat ha, alis na ako'." Nanginginig na siya pero ayaw niyang ipakita dito. She have to be strong in his eyes.
"Look J, we have our different lives here. Whatever happened in that island stays there. Kung ako sa'yo kalimutan mo nalang kung ano man ang nangyari noon dahil simula ng bumalik ako dito, kinalimutan ko na rin lahat."
"That's the best thing to do." Nakipaglaban siya dito ng titigan.
Ang binata naman ay pilit na binabasa ang mga nasa mata niya at hindi inaalis ang kanina pang pagtitig niya dito. "I never expected you would say that."
Tumayo ito at naglakad para abutin ang towel nitong nakasabit sa rack.
Nangangatog man ang tuhod sa kaba ay pinilit ni Sandrang 'wag itong ipahalata sa lalaking kaharap niya. Ayaw niyang makita nito na mahina siya.
"I should go. Thank you for the help." Mabilis na hinablot niya ang bag na nasa ibabaw ng sofa.
"That's all? You will just leave again like nothing happened? You're unbelievable."
Tila wala siyang narinig habang dire-deretso ang paglakad niya papunta sa pintuan. Wala na siyang iba pang gustong mangyari kundi ang maglaho ito sa pangingin niya.
"You will not ask anything? Or maybe get my name?"
"Is that how it goes these days for womens like you?" Pahabol nito.
Parang may kung anong pumitik sa tenga niya dahilan para mainis niya. Hinarap niya ito at sinalubong ng masamang tingin. Kung inaakala nito na kagaya siya ng ibang babae diyan na siya pang maghahabol sa lalaki, doon ito nagkamali.
"What? You want me to get your name? What for? I already said thanks to you for helping me with my messed up tires. What else do you want me to say, huh?"
"And I also don't care kung iisipin mo na wala akong utang na loob or whatever. Bahala ka sa gusto mong isipin!" She unbelievably look at him.
Tumawa naman ito na tila naaliw sa sinabi niya. Tila naaasiwa naman siyang makita ito habang nakaboxer na basa habang nakatingin sa kanya kaya iniwasan niyang alisin ang pagkakatitig sa mga mata nito.
"Look lady, it's not just about me fixing your tires... You know what I'm talking about. You're just avoiding us to talk about it."
Alam ni Sandra kung ano ang tinutukoy na 'it' nito pero pinili niyang 'wag nang pansinin iyon. "I don't want to waste my time here okay? I told you I have work to be prepared of later and I already said thank you. Can I go now?"
"Ibang-iba ka sa 'S' na nakilala ko sa isla." Umiling-iling naman ito saka humalukipkip.
Inirapan na lamang niya ito saka tinungo ang pintuan.
"Wait, S. Hey!" Tawag ulit nito bago siya tuluyang makalabas ng pinto.
"It's not what I mean okay? Can we just talk first before you leave?"
"May trabaho pa ako mamaya at kailangan kong matulog kahit saglit. I have to go."
"Can I visit you to where you are working, then?"
"No! Puwede ba, huwag mo nang gawing kumplikado ang lahat, J. And please, alam ko namang busy ka rin kaya mas okay siguro na mas maging abala na lamang tayo sa totoong nakasanayan natin."
"I am not busy." Sagot lamang nito.
"Whatever! Ako ang busy kaya 'wag ka na na na ngang makulit, good bye!" Mabilis na isinara niya ang pintuan saka inilang hakbang ang daan papunta sa elevator. Pagkapasok na pagkapasok ay mabilis niyang pinindot ng paulit-ulit ang closing button. Dinaig niya pa ang may tinatakbuhang holdaper sa ginagawa niya.
Napapitlag pa siya nang makita ang mukha ni J na may sinasabi habang pasara ang elevator. Nang magsara naman ito ay saka lamang siya napahawak sa railings nito para makaipon ng lakas. Pakiramdam niya ay hinang-hina siya kasabay ng mala-tambol na pagtibok ng puso niya.
Pagkabukas na pagkabukas ng elevator ay halos takbuhin niya ang kinaroroonan ng kotse niya at agad pinaandar 'yon. Walang lingon-likod na pinasibad niya iyon para lamang makalayo sa lugar na pinanggalingan niya. She wanted to cry for no reason but still nangingibabaw pa rin ang inis niya sa lalaking ito na ayaw na niyang makita pa.
Tila bumabalik lahat ng ala-ala ng gabing nagkakilala sila hanggang mangyari ang bagay na ayaw niyang bumalik sa memorya niya.
Pagkarating niya sa condo niya ay dali-dali siyang umakyat at pabagsak na ibinaba ang mga gamit niya.
Hindi niya lubos maisip na magkikita pa sila ulit ng lalaking iyon pagkatapos ng halos dalawang buwan.
Pagkatapos buksan ang ref at kumuha ng mineral water doon ay pasalampak siyang naupo sa sofa habang hinihilot ang sentido at nag-iisip.
YOU ARE READING
The Doctor's One-Night Stand
RomanceProfessional, intelligent and almost perfect for being passionate for her job as a doctor, that's Sandra Olivares. She is the best doctor that PPS Hospital has and envied because of her incomparable talent. She also have a great and loving family n...