Chapter 39

129 1 0
                                    

"Good morning, Doctor Olivarez." Masayang bati ng mag-asawang Embarcadero. Martes ng alas onse ngayon at maagang tumawag kanina si Mr. Paul Embarcadero na dadaan sila ng ospital para sa check up ng asawa nitong si Dianna.

May business meeting na pinanggalingan ang mag-asawa at dahil madadaanan ang ospital ay minabuti na nitong tawagan siya ng maaga kanina para makapagpacheck up na rin. Ay dahil sa si Sandra ang personal doctor ng mag-asawa ay agad namang binakante ni Sandra ang oras na iyon.

"Good morning, Mr. and Mrs. Embarcadero." Nakangiti ring bati niya sa mag-asawa.

"Ikaw talaga, hija. Sinabi ko naman sayo'ng Paul na lamang ang itawag mo sa akin. We don't need too much formality."

Ngumiti na lamang naman si Sandra.

"Wala namang ibang tao, hija. Saka parang hindi naman tayo magkakilala niyan." Si Mrs. Embarcadero na ang nagsalita.

"Kayo po talaga, Sir Paul at Tita Dianna." Ngiti na lamang ang tanging naisagot niya sa mga ito.

"Lalo kang gumaganda, hija. Wala ka pa rin bang nobyo? Sa ganda mong 'yan ay siguradong marami na talaga ang nagbabalak na ligawan ka."

"I already have a boyfriend, Tita Dianna." Sagot niya.

"Sayang naman! Single pa naman ang nag-iisang anak namin ni Dianna, iyon nga lang at napakababaero noon. Pero bagay sana kayo."

"Ay nako, Paul. Baka sumakit lang ang ulo ni Dr. Olivarez sa anak natin." Iiling iling ding sagot ng asawa nito.

"Finally, Sir Paul at Tita Dianna. Hindi na ako single. May nagoyo na po akong lalaki." Natatawang sabi rin ni Sandra.

"Ang swerte naman ng lalaking iyon, hija. Maganda ka na ay napakagaling mo pang doktor."

"Sabihin mo sa amin kapag babaero ha? At ipapahunting ko sa mga bodyguard ni Dianna." Pabiro pang sabi muli ni Paul na ikinatawa nilang dalawa.

"Ewan ko na lang po kung maghanap pa 'yon ng iba, Sir Paul. Tatanggalan ko siya ng kidney once na ginawa niyang lokohin ako. Sa ganda kong ito." Nakangiwing biro niya sa dalawa.

At muli namang napuno ng tawanan ang silid na iyon.

Maayos naman ang resulta ng lab report ni Mrs. Embarcadero. Maganda rin ang kundisyon ng puso nito ngayon at walang nakitang problema si Sandra.

Matapos ang check up ng matanda ay nagpaalam na rin ito agad dahil may lakad pa raw ang mag-asawa. Bago pa man makalabas ng opisina niya ang dalawa ay muling nagsalita si Mr. Embarcadero.

"Anyway, hija. I want you to save your Friday night. Kaarawan ng Tita Dianna mo. Aasahan ka naming makita sa bahay."

"Oo nga pala, it's my birthday on friday. Simpleng salo salo lang naman at kaunti lang ang imbitado. Ipapasundo kita sa family driver."

Ilang sigundo bago pa makasagot si Sandra. "I can't say yes, Sir Paul. But I'll check my schedule before friday. Tatawagan ko na lang po kayo kapag pwede ako."

"Malulungkot ako, hija kapag 'di ka nakapunta. Para na rin makilala mo ang anak namin at para din makapunta ka sa bahay."

"Maraming salamat po sa imbitasyon Tita Dianna. S-susubukan ko po."

Kumaway pa ang mag-asawa bago lumabas ng opisina niya.

Naging magaan na rin ang loob niya sa mag-asawang Embarcadero. Ito na yata ang pasyente niyang pinakamayaman pero hindi niya nakitaan ng pangit na ugali o kaya ay tinrato siya ng hindi maganda.

Kada dinadalaw siya ng mag-asawa para sa check up ng mga ito ay laging nagdadala ang mga ito ng prutas at bulaklak na ibinibigay sa kanya.

Kakasara lamang niya ng pinto ng pumasok naman si Ella na mabilis na naupo sa harapan ng table niya.

The Doctor's One-Night StandWhere stories live. Discover now