Chapter 25

113 1 0
                                    

"Bes, sige na. Kahit first name nga lang no'ng kung sino mang Adan na 'yon na napakaswerteng nakakuha nang virginity mo at naka one point pa. Masaya na ako sa first name." Pangungulit ni Ella sa matalik na kaibigan na ngayon naman ay abala pa ring nakatutok ang mata sa laptop nito.

"Huwag ka ngang magulo, Ellaiza Marie. Baka may makarinig pa sa 'yo." Pinandilatan nito ang kaibigan.

Tatlong araw na rin simula nang malaman ng kaibigan ni Sandra ang pagbubuntis niya nang aksidente nitong makita ang pregnancy kit sa banyo niya. Nagkausap ang dalawa na isekreto na muna ang lahat habang hindi pa halata ang tiyan niya.

Nakiusap rin si Sandra sa matalik na kaibigan na wala na muna sanang makaalam kahit sa mga kaibigan at lalo na sa pamilya niya hanggat hindi pa siya nakakaisip ng dahilan at kung paano iyon maitatago.

Wala naman talaga siyang balak itago ang pagbubuntis sa kanyang pamilya lalo na sa kanyang mga magulang. Kailangan lang talaga niya ng tamang tyempo kung paano sasabihin ang lahat.

She needs to be honest. Kasalanan rin naman niya, kung hindi dahil sa pagiging tanga niya ay hindi sana nangyari ang lahat. Hindi niya na iniisip kung ano ang sasabihin ng iba, lalo na sa kanyang trabaho bilang doktor sa isang pribadong ospital. Ang mahalaga sa ngayon ay alagaan ang sarili niya pati ang baby na unti-unting nabubuo sa tiyan niya.

"Sige na kasi, any clue? Kung taga-saan ba si Adan at kung ano ang pangalan? Bat naman kasi hindi mo naisipang itanong ang pangalan at number?"

"Tigilan mo na nga ako, Ella. Tapos na 'yon. Malay ko rin ba kung nasaang lupalop ang lalaking 'yon." Pagsisinungaling niya sa kaibigan.

Sa totoo lang ay ilang gabi na rin niyang naiisip si Jann. Kung dapat ba niyang kalimutan ang lalaki dahil ilang araw na rin itong walang paramdam.

Nang huling beses na nakausap niya ang kanyang Ama ay sinabi nito na alas kuwatro na daw ng umaga pinayagang umuwi ng kanyang ama ito. Lasing din daw kasi ito kaya pinaidlip na muna daw nila sa kwarto niya mismo. Hindi na rin siya nakaangal pa dahil isang araw na rin naman ang lumipas bago niya sinagot ang tawag galing sa kanyang ama.

Pagkatapos noon ay wala na siyang narinig sa lalaki. Ni anino nito ay hindi na niya nakita pa. For her, it's a good thing. Naisip niya rin na baka may asawa na ito o sariling pamilya.

Hindi niya maamin sa sarili kung mas okay mga na hindi na sila magkita pa at 'di na siya bulabugin nito pero may banda sa isip niya na gusto din itong kausapin.

Iyon nga lang at naisip niya kung bakit pa. Kung para saan pa at kailangang kakausapin niya ito. Hindi na dapat pang malaman ng lalaking iyon na nabuntis siya nito. Ayaw niya sa pakiramdam na mapipilitan lamang itong kausapin siya dahil lamang sa pagbubuntis niya.

She can handle herself. Mahihirapan siya sa una dahil lalabas siyang malandi o pokpok dahil pumatol siya sa lalaking hindi niya kilala matapos magpakalasing. Pero tapos na iyon. Wala na siyang magagawa. Buntis na siya at hindi na iyon mababago pa. Kahit noon unang nalaman niya na buntis siya ay hindi niya inisip na hindi niya tanggap ang nangyari. Na ayaw niya sa ipinagbubuntis niya.

She is happy. She's afraid but she is happy. Sa wakas ay may makakasama na siya hanggang sa pagtanda niya. Inisip niya rin na hindi niya kailangan ng sino mang lalaki sa tabi niya.

All she have to do is taking good care of herself for her baby. She needs to be more healthy and cautious. May inaalagaan siya sa tiyan niya at iyon na lamang ang kanyang dapat isipin muna sa ngayon. Hindi rin maitatago na masaya siya kahit papaano dahil magkaka-baby na siya sa edad niya. Hindi man maganda sa mata ng iba o kaya ay hindi sa tamang proseso pero kaya niyang harapin ang lahat. The baby inside her is making her strong.

Kahapon lamang ay nagpasama siya sa kanyang kaibigang si Ella sa Makati para puntahan ang isang obygyn  na pinsan ni Ella. Mas minabuti niya na pasekreto na munang magpacheck up habang hindi pa halata ang tiyan niya. Nalaman niya rin na tatlong buwan na siyang buntis.

"Bes naman, eh. Akala ko ba wala ka nang itatago pa sa akin? Pati ba naman pangalan man lang ng Daddy ng aking magiging inaanak ay hindi ko pwedeng malaman?"

"Heh! Tatlong buwan pa  lang ito, Ellaiza Marie. Saka sinabi ko na nga sa 'yo, 'di ba? Hindi ko talaga alam ang pangalan ng hudyong 'yon."

"Pambihira ka naman, bes! Naka---"

"Shhh! Hinaan mo nga ang boses mo! Baka biglang pumasok si Felicity. Napakadaldal mo talaga."

"Ayaw mo pa kasing sabihin. Alam ko naman na kahit papaano naman siguro ay may alam ka doon sa lalaking 'yon."

"Fine, fine, fine. His name starts with J." Inirapan pa niya ang matalik na kaibigan. "That's all I know about him. We both drunk that night... I don't know what else happened. Nagising na lang ako na... 'yon. Then as I told you. I left his room. After that. I never saw him again because I leave early that day."

"That's all, okay? After that, w-wala na talaga akong alam..." nauutal na sabi niya.

She's lying to her best friend. Alam niyang maiintindihan din siya nito sa tamang panahon. Kapag dumating na ang araw na kailangan na niyang sabihin ang lahat lahat. Lahat pati na rin ang tungkol sa ama ng kanyang ipinagbubuntis.

Si Jann De Vaux.

"Pogi, no? Don't deny that."

"Pwede ba, Ella. That's not important."

"Oy, gwapo no? Aminin mo na? Hindi ka naman kasi makikipag---"

"Lumayas ka na nga, Ellaiza Marie. Marami pa akong ginagawa." Iwas niya dito habang pinipilit magkunwaring abala sa laptop niya.

"Biro lang. Ikaw naman, bes..." tatawa-tawang sabi nito.

"Anyway, naisip mo na ba kung paano na? For sure malalaman at malalaman din nina Tito at Tita. Soon ay mahahalata na 'yan. Nako, nako! Baka ipahunting ni Tito kung sino man ang lalaking iyon." Tanong nito muli.

Itinigil naman muna ni Sandra ang pagtingin sa hawak na laptop. "I-I don't know, yet.  Hindi ko pa talaga alam kung anong gagawin ko. Kung papano ko sasabihin. I know my father well."

"'Di ko alam, bes..." nabahiran ng lungkot ang kanyang mga mata.

"What if..."

"What if, what?" Tanong niya kay Ella. Pakiramdam niya ay may idea ito.

"Si Jann? Kamusta na pala 'yung suitor mo na 'yon?"

"W-what about him? Sinabi ko na sa 'yo. He's not my suitor."

"Huwag ka nga! Pakipot ka na naman. Halata naman na gustong gusto ka ni Jann." Lumapit ito sa kanya para bumulong. "Saka bes, napakagwapo kaya no'n. Magpapabebe ka pa ba?"

Nagsalubong ang kilay niya sa sinabi nito. "I don't like him."

"Bes, ang sakin. What if... sagutin mo nalang 'yong si Jann tutal naman may gusto sa'yo tapos..."

"What?! Ano ka ba! K-kilabutan ka nga..."

"Eh, ba't ka namumula?" Pang-aasar nito sa kanya.

"H-hindi no. Kung ano-ano kasi sinasabi mo diyan."

"Hindi mo pa kasi ako pinapatapos."

"Whatever you are thinking, Ellaiza. That won't happen."

"Listen first, okay? Iyon na nga, sagutin mo na si Jann then tell him. Or bago mo sagutin sabihin mo muna na buntis ka. Kung handa ba siyang maging ama ng ipinagbubuntis mo kahit hindi naman talaga siya ang ama."

"W-what?"

"Then itanong mo kung tanggap ba niya kahit buntis ka? Pero alam mo, bes. Lung talagang mahal ka niya at gusto ka niya. I'm sure tatanggapin niya na buntis ka na bago kapa niya mapasagot. Sa ganda m---"

"You're crazy, Ellaiza Marie!"

"No!! A big no!" Agad na sabi niya muli nang mapansing magsasalita pa sana ang kaibigan.

"That's a crazy, idea!"

The Doctor's One-Night StandWhere stories live. Discover now