Nagkakasayahan ang buong pamilya nang dumating si Sandra. Kagigising lamang nito base sa itsura nito.
"Hija, kumain ka na dito." Yaya ng kanyang Ina.
Napataas naman ang kilay niya nang makitang halos lahat ata ng mata ay nakatingin sa kanya.
"What?" Nagtatakang tanong niya sa mga ito habang tinitignan ang mga pagkain sa lamesa.
"Come here," yaya sa kanya ni Jann na tinukoy ang bakanteng upuan sa tabi nito.
"Bakit ang tagal mong magising? Nakaligo na ulit sa pool ang mga pamangkin mo at magtatanghali na pero kababangon mo lang." Ang kanyang Daddy.
"Masakit ang ulo ko, Dad." Sabi naman niya habang pinapanood ang mga pamangking nagtatampisaw sa pool.
"Di ako sasama sa paglibot sa buong bayan, I need more sleep." Tumingin ito sa lamesa na may hinahanap.
"Did you all just eat the pineapples I buy?" Tanong nito. Na tiningnan sila isa-isa.
"Mabuti naman anak at bumili ka, akala ko y sa Tita Marge mo pa nanggaling at in---"
"How about the one in the fridge?" Mabilis na tanong nito habang nakaharap kay Jann.
"Ohh, I eat that. Mas matamis 'yon kesa sa mga nahiwa ni Mommy," nakangiting sabi ng kanyang Kuya Gian.
"Kuya naman! Sa akin 'yon, eh! Kaya nga nilagay ko sa fridge para kainin ko this morning!" Hindi maipinta ang inis sa mukha ni Sandra.
"Hey, I can still prepare some for you. May dalawang piraso pa naman doon na hindi nahihiwa." Alo naman ni Jann.
"Para kayong mga bata. It's just pineapple. Lessandra, 'wag ka ngang umaktong parang bata na inagawan ng laruan diyan. Pwede pa namang bumili ulit sa bayan." Sita ng kanyang Ama.
Hindi naman umimik ang kanyang Ate Jessie at Ate Malou na parehas nakatingin lamang kay Sandra.
"Isa ka pa, Jann! 'Di ba sabi ko sa 'yo kakainin ko 'yon paggising?" Sita din nito sa tahimik na nakaupong si Jann.
"I-I don't know, nagising lang akong... hey, it's just pineapple..."
"Nakakainis naman, eh! 'Yon nga lang ang gusto kong kainin!" Nagdadabog na nagwalk out ito habang nakasimangot at naglakad pabalik ng kwartong pinagmulan nito.
"S-sorry... She's being childish and weird. Baka po hindi lang maganda ang gising," paghingi niya ng paumanhin sa mga magulang nito.
"Excuse me,"Tatayo na sana si Jann ng biglang magsalita si Josephine.
"Can we talk, Jann?"
Nagtataka namang napatingin si Jann kay Mrs. Olivarez. "Tita? Y-yes, may problema po ba?" Sa totoo lang ay kanina pa siya nalilito. Pakiramdam niya ay may iba dahil tila nagbago ang hangin simula pa kaninang umaga.
"What is happening here? Dahil lang sa pineapple na 'yan, nagbabangayan na kayo. Lumabas ka nga muna Gian at maghanap ka ng sampong kilong pinya."
Nagtawanan ang mga ito dahil sa pabirong sabi ni Amadeo.
"You guys talk. Kami na muna ang bahala dito." Nakangiti namang sabi ni Jessie, ang asawa ni Gian.
Nagtataka man ay sumunod na rin si Jann sa naglalakad nang si Mrs. Olivares papunta sa pool area na pang adult na bahagyang malayo sa mga ito.
"May problema po ba tita?" Nagtatakang tanong nito sa ginang.
"Sit beside me, hijo." Yaya nito nang ituro ang katabing upuan nito na nakaharap sa pool.
![](https://img.wattpad.com/cover/278981000-288-k2555.jpg)
YOU ARE READING
The Doctor's One-Night Stand
RomanceProfessional, intelligent and almost perfect for being passionate for her job as a doctor, that's Sandra Olivares. She is the best doctor that PPS Hospital has and envied because of her incomparable talent. She also have a great and loving family n...